Chapter 1
MICH's POV
"Michelle, Hija kakain na."
Tawag sakin ng lola ko.
"Opo lola susunod na po."
Tinignan ko ang orasan. Almost 6am na pala ng umaga. Kailangan ko ng mag ayos dahil first day of school ngayon.
"O'michelle. Mag ingat ka apo. Alam mo na, ibang iba ang Manila kaysa sa Probinsiya ha?" Bilin sakin ni lola.
"Opo lola. Wag kayo mag alala. Mag iingat po ako." Sabay paalam ko kay lola.
Si Lola na ang nag alaga sa akin simula ng mamatay ang papa ko. Nag iisa lang akong anak. Si Mama naman, hindi ko na siya nakita simula ng 7 years old ako. Iniwan niya kami ni Papa simula ng bumagsak ang kumpanya nila lolo ( Papa ni Papa).. Kaya kami napadpad sa Probinsiya.. Doon na rin ako lumaki, lumipat lang kami ngayon dito dahil napag isipan kong dito nalang ipag patuloy ang college ko.
Transferee ako sa isang kilalang University dito sa Manila. Scholar ako kaya ako nakapasok. Hindi naman kami ganun kayaman, hindi katulad ng dati. 3rd year college na ako at kumukuha ng Business Administration course. Yun lang kasi ang kaya ng Lola ko na ipaaral sa akin, ang gusto ko talaga Nursing. Pero hindi pwede.
Nakalimutan ko pala.. Ako nga pala si Michelle Angeline Garcia or Mich. Yan ang tawag sakin ng mga taga sa amin sa probinsiya. 19 years old. Lovelife? Wala. NBSB. -_- Hindi ko muna iniisip yan dahil iisa lang ang gusto kong mangyari ngayon, ang mahanap ang nanay ko...
.....
Nag Tricyle na ako papunta sa university. Ang gara! Sobrang daming estudyante. Yung iba halatang mayayaman.. Meron din akong nakikita mga Nerd? Tama ba,? Yung mga naka salamin at may hawak hawak na libro at naka bagpack pa? O diba -_-
Hinanap ko muna yung building ko, tutal naka sulat naman sa registration form ko. Habang papunta ako sa Building namin, nadaan ko yung Gym ng University. Nagtitilian yung mga tao kaya syempre, ano pa ang ginawa ko.. Edi naki echoso nadin! Hehehe chismosa ^_~
Aaaaah. Kaya pala sila nagtitilian... PUNONG PUNO NG MGA GWAPONG NILALANG YUNG GYM. Mga nag te-training na mga basketball players. Wooohhh *inhale *exhale...
HOT
Lahat sila.. Lalo na yung naka Jersey #8. Ano kaya pangalan nun? Ay nako Mich! Mag hunos dili ka nga!
Pagkatapos kong dumaan doon, Pumunta na ako sa building ko at hinanap ang room ko.
Tinignan ko ang orasan ko, 7:55 na!!! Kaya pagkabukas ko ng room, halos lahat na ata ng mga ka-blockmate ko andun na. Kaya napatingin silang lahat sa akin.
Huhuhuhu nakakahiya -_-
"G-goodmorning" yun lang ang sinabi ko at pinilit kong ngumiti.
Di ko na sila inantay sumagot at nakayuko akong dumeretso sa isang bakanteng upuan malapit sa bintana.
"New Student?" Tanong sa akin ng katabi kong babae.
"A-ah. Oo eh." Sagot ko
"Ooh i see. Kaya pala.." Siya
Huh? Ano daw.. Binigyan ko naman siya ng nakakapag takang look.
"Hehe. Lahat kasi kami napatingin sayo, kaya naagaw atensyon." Nakangiti niyang sagot.
"Pasensiya na ha. Bago lang kasi ako." Ako
"Ano ka ba! Okay lang yun no! By the way, i'm Precious Elizabeth Dela Cruz.. You can call me Layza" Siya.
"Mich. Michelle Angeline Garcia :)"
"From now on, ako na ang new friend mo dito huh. Teka San ka ba Galing? I mean saang place?" Siya
"Ah.. Ilocos Norte.. Probinsiyana ako."
"Weh? Parang hindi halata? Kutis artista ka nga eh!"
Grabe namn tong si Layza.. Hahaha
"Nako. Ordinaryong Sabon lang gamit ko. Di naman kami mayaman. Normal lang."
"Kahit ano pa yan. Ang ganda ganda mo nga eh."
Napangiti naman ako doon. Kahit papano, may nagsabi sakin ng maganda ako. :)
"Ikaw din naman. Hmm Layza, pwede magtanong?"
"Sure! What's it?"
"Matataray ba tao dito?" Pabulong kong tanong sa kaniya. Pansin ko kasi, kanina pa sila nakatingin sa akin simula ng pumasok ako dito. Pinagbubulungan pa ata nila ako. :(
"Oo naman.! Naninibago lang sila. Since first year college kasi, kami kami na yung magkakasama kaya ganyan."
Sasagot pa sana ako pero biglaang pumasok ang Prof namin.
....
Pagkatapos ng Dalawang magkasunod na Subject namin, nag deretso kami sa Canteen.
Nakakatuwa nga tong ai Layza eh, sobrang Daldal. At talagang tinour niya ako sa Buong Campus. Lalo tuloy ako natutuwa sa kaniya.
"Masayahin kang tao no?" Tanong ko sa kaniya. Nandito na kami sa isang table.
"Yup. Kahit only child ako, masaya parin ako."
"Ah-h. Talaga? Parehas pala tayo Layza, Only Child." Sagot ko
"TALAGA? Wala kang kapatid?" Pasigaw niyang sabi.
-__________-
"AY hindi! Joke lang yun! Kaya nga ONLY CHILD eh, kasi walang KAPATID?! duh Layza!" At sabay na kaming tumawa.
May one Hour break pa kami kaya kwentuhan lang kami ng kwentuhan ni Layza.
Ng biglang.......
"KYAAAAAAAAAAAAH"
At sabay kaming napalingon sa kinatitilian ng mga tao......
---
End of Chapter One :) what can you say friends? :)
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
RomancePaano na lamang kung makabangga mong tao ay kasing sama ng isang demonyo? Hindi naman siya ang ideal man mo pero paano kung magkasundo kayong dalawa dahil lang sa isang pagkakamali mo? Lalo bang lal-lala ang away niyo? O sa bandang huli bibigay ka d...