Habang bumabyahe ay tahimik lang kami. Walang imik. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. Minsan napapalingon ako kay Brian at kita sa mukha niya ang seryosong pagmamaneho at parang kapag tinapik mo siya e' maiinis? Si Brian, siya yung tipong lalaki na Bad Boy ang dating. Kung umasta akala mo, sa kaniya ang lahat. Kung makapag utos, wagas! Tulad ngayon, basta basta nalang nagpa plano at kailangang isama pa ako sa party na wala naman akong idea.Kung titignan sa Pisikal ang lalaking to, nako! Panalong panalo na siya. Matangos na ilong, Singkit na mata, hindi masyadong makapal na kilay, maputing kutis, walang pimples or blackheads man lang, at higit sa lahat, ang mapupula niyang labi. Siguro noong nagpasabog si Lord ng kagwapuhan, nasa harap to? Ginamit niya siguro yung pagiging kontrolado niya kaya nasingit sa unahan. Napapangiti nalang ako sa iniisip ko.
"Bakit ngumingiti ka mag isa diyan? Are you crazy?" Napitlag ako ng magsalita sa tabi ko si Brian. Nakakahiya! Nahuli niya akong nakangiti. Hindi niya alam na pinagpapa tasyahan siya ng utak ko.
"Wala. Wag mo nalang akong pansinin." Sabi ko sa kaniya.
Dumating kami ng maayos sa Venue. Pag ka baba ko palang ng sasakyan ni Brian, kita ko na agad ang mga tao sa loob. Sa garden kasi ginagawa yungparty kaya kitang kita sa labas dahil open to masyado.
Tumabi ako kay Brian na ngayo'y naka tayo sa harap ng gate.
"Good evening Sir, kanina pa ho kayo inaantay ni Madame" bati sa kaniya ng taga bantay? Guard? Di ko alam eh. Mukha namang di guard.
Di niya sinagot ang sinabi ni guard at dere deretso lamang siyang pumasok. Samantalang ako, eto hirap humakbang dahil sa taas ba naman ng takong ko.
"San po kayo?" Tanong sakin ng guard. Obvious ba? Malamang sa loob -_-
"Sa loob po." Sagot ko
"May invitation po ba kayo? Bawal ho kasi magpa pasok ng basta basta eh."
"Kuya naman eh! Kasama ko yun oh..." Sabay turo ko kay Brian.
"Nako miss. Imposible. Kaya umalis alis ka na at baka-" naputol ang pagsasalita ni Manong ng bigla akong hatakin ni Brian. Ay sa wakas, akala ko tuluyan na akong iniwan nitong Haring unggoy na to eh.
"Kasama ko siya." Malamig na boses ni Brian. Moody talaga neto oh!
"Ay pasensiya na ho sir, hindi ko alam. Miss pasensiya na rin po at napagkamalan ko pa po kayong di bisita."
Tumango nalanga ko at ngumiti sa kaniya, "Wala yun kuya."
Hinatak na naman ako ni Brian paalis sa gate. Si Lee Min Ho ba to at ang hilig mang hatak?! Ang sakit na ah! Kanina pa kasi siya hatak ng hatak eh!
"Aray ko ha! Hatak ka ng Hatak Brian!" Sabi ko sa kaniya habang naglalakad sa pathway papasok mismo sa garden.
"Ang bagal mo kasi eh. Napagkamalan ka tuloy na di invited!"
"Eh iniwan mo kasi ako! Para kang walang kasama eh."
Di na siya sumagot.
"Uy Brian, kaninong bahay to? Ang ganda ganda naman at ang laki!" Masayang sabi ko sa kaniya.
"My parents own this place," deretsong sagot niya.
"Ay talaga?! Sa inyo to? Ang gan-" naputol ang pagsasalita ko ng may makasalubong kami ni Brian
"Uy Pre, late ka na! Kanina ka pa inaantay nila Tito at Tita." Sabi nung lalaki. Familiar siya sakin. Pati yung kasama niya. Nakikita ko na ata siya sa school eh? Hindi ko lang matandaan ata.
"Sorry. May ginawa lang. Tsaka sinundo ko pa to." Sabay tingin niya sakin. Bigla naman akong yumuko.
"SI MICHELLE NA BA YAN?!" Sabay na tanong nila.
Tumango nalang si Brian sabay kuha ng braso ko upang ikawit sa braso niya. Nagulat naman ako sa ginawa nito. Plastik din eh no.
"Hi Michelle, i'm Michael."
"I'm Shean. You look so gorgeous tonight." Sabay ngiti niya sa akin.
Nakipag shake hands ako sa kanila. At ngumiti.
"We'll go ahead. Baka inaantay na kami nila Mommy at Daddy" sabay tapik niya kay Shean at Michael.
Dere-deretso lang kaming maglakad. Lord, kinakabahan ako. Ano ba ginagawa ko dito? Ano bang plano netong unggoy na to sakin. Waaaah!
"Relax, Michelle" napansin niya siguro na kinakabahan ako. Inikot ang paningin ko habang naglalakad papasok sa loob at kitang kita ko ang mga tao. Halos lahat mayayaman. Wala kang makikitang mahirap. Ano pa nga ba? Mayaman naman ata ang pamilya ni Brian.
"Eh kasi.. Brian.. Bakit ba ako nandito? Sinama mo pa ko. Di ako nababagay dito oh, ang yayaman kaya ng mga tao dito. Grabe! Ang dami niyong bisita!" Ani ko.
"May gagawin lang tayo, pagkatapos nun. Iuuwi din kita" aniya.
Dumaan kami sa garden. Madami kaming nakasalubong at bumabati kay Brian. Meron din namang mga taong nagtatanong kay Brian kung sino daw ang kasama niya, kahit halos pabulong nilang itanong kay Brian iyon, halatang ako parin ang tinutukoy nila. Sumasagot na lamang ng ngiti si Brian. Medyo nakaka inis lang dahil hindi niya man lang sabihin na kahit "schoolmate" niya man lang. Ugh!
Papasok na kami sa mismong mansiyon ng may babaeng sumalubong samin na nakasuot ng white long dress at nakapameywang na humarap sa amin.
"KUYA!" Sigaw ng babae.
"Shhh! Don't shout! Nasan sila Mommy and Daddy?" Aniya ni Brian. Kuya daw? Kapatid niya siguro to. Malamang Michelle!
"Tinatawagan kita pero hindi ka sumasagot! What keeps you busy? Di mo ba ako na miss?" Ang kyoot! May halong pagtatampo sa boses ng kapatid niya.
"Ay teka! Kuya? Who's she?" Sabay baling sakin.
Magsasalita na sana ako ng biglang may babae't lalaki ang dumating sa sala.
"Mom! Dad!" Tawag ng kapatid ni Brian. Oh, so sila parents.
"Hijo! Finally you're here!" Aniya ng mama niya. Napatingin naman sakin ang mag asawa. Dahil sa titig nila, lalo tuloy akong ginapangan ng kaba.
"May kasama ka pa. Who's she?" Seryosong tanong ng mommy niya. Di ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. Unti unti kong tinanggal sa pagkakapit ng braso ko sa braso ni Brian. Kita ko naman na walang emosyong tingin sakin ng daddy niya.
"Oo nga kuya, Sino siya?" Ulit na tanong ng kapatid niya.
HAAAAAY SINO DAW AKOOOOOOO?!
**
TBC :)
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
RomancePaano na lamang kung makabangga mong tao ay kasing sama ng isang demonyo? Hindi naman siya ang ideal man mo pero paano kung magkasundo kayong dalawa dahil lang sa isang pagkakamali mo? Lalo bang lal-lala ang away niyo? O sa bandang huli bibigay ka d...