Chapter 2

878 6 0
                                    

Chapter 2






O...okay. Kaya sila nagtilian kasi dumating pala sa canteen ang mga Varsity players mg Basketball team.





"Huy!" Gulat sakin ni Layza. "Ah?" Sagot ko naman.



"Natulala ka na diyan Mich!, tignan mo laway mo oh. Tumutulo na.." Aba syempre tinignan ko muna yung bibig ko, baka may laway nga. Hehe



"W-wala ah. Eto naman 'tong si Layza, kung ano ano sinasabi."



"Paano ba naman kasi, simula ng pumasok yung ma players sa entrance, aba't nganga ka na diyan!?"



"Eh. Wala lang, bakit kasi sila nagtitilian? Eh normal lang naman silang mga lalaki?" Sambit ko.





"Duh Mich?! DUH???!" Talagang inemphasize niya pa yung DUH. "Malamang sikat sila! Para sa iba, sila ang Pinaka gwapong nilalang dito sa University no. Tsk tsk. Nakita mo yun?" Sabay turo niya doon sa isang lalaki. "Yang naka jersey #8" at tinignan ko naman.







Wait! Siya yung lalaking nakita ko sa Gym kanina. Yung sinabi kong gwapo? Hehehe.




"Tapos?" Ako



"Tsk. Sabagay Newbie ka lang dito. Siya lang naman si Brian Chua. Ang Pinaka Hot at gwapo ng Engineering Department." Sabi niya with matching gigil pa.








"Gwapo? Hot? Neknek mo Layza. Di nga kagandahan ng katawan oh. Maputi lang! Sus nadadaan talaga sa kulay ang appeal." Pagsisinunaling ko. SA TOTOO LANG NAMAN KASI, HOT AT GWAPO SIYA. HAHAHA >:)))





"So ma-appeal?"





"Ha.. Ay ewan ko sayo. Kain na ngalang tayo!" Sagot ko.




Pero sumalyap muna ako kay Brian, nagulat ako ng tumingin din siya sakin! Ay leche! INIRAPAN AKO?! Aba't!




-









Tapos na ang klase ko ngayong araw na to. 3pm palang ng hapon kaya nagpasama muna ako kay Layza na libutin tong University. Tutal, may oras pa naman.





"Nako Mich! Di natin matatapos tong paglilibot ngayong araw, jusko! Sa laki ba naman nitong University eh." Pagrereklamo niya



"Eh. Kahit na. Basta may alam lang ako dito kahit konti."




At ayun naglibot libot kami. Pumunta kami sa HRM Department. Grabe lang, sobrang nakakagutom nung dumaan kami doon. Paano ba naman, puro nagluluto? O'diba. Na miss ko tuloy yung sa probinsiya. :(




Dumaan din kami sa Med Department. Nakita ko yung mga students ng nursing,medtech at PT. Haaay nakak inggit :(
Alam niyo naman na gusto ko mag nursing diba? Kaso... Di lang kaya ng lola ko :(




Pero ayos lang! Sasaya naman siguro ako sa BA Department eh :)




Last Building na napuntahan namin ay yung sa Engineering. Medyo malayo kasi to sa building namin eh. Pansin ko, puro lalaki ang studyante dito. May mga Nerdy look, angas look, pa cool-look, and pa-pogi look. Tsk.





Sabi ni Layza, karamihan daw ng Player dito galing sa department na to. Aba't talaga lang ah? Eh diba mahirap pag sabayin ang pag aaral ng engineering at varsity? He-he. Well pake ko sa kanila.






Habang naglalakad kami ni Layza, napansin ko na may parang mini garden na malapit sa Engineering Building.




"Layza! Tara punta tayo doon oh! Garden! Tara dali!" Yaya ko sa kaniya.




"Nako Mich! Ikaw nalang! Ihing ihi na ako eh! Susunod ako dun mamaya! Wala naman mumu diyan eh." Sabi niya




"Weh talaga? Susunod ka? Promise yan ah?" Sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya.. at eto ako tumakbo na papunta sa garden ng.........













"AAARAAAAAAY" sigaw ko. Paano ba naman nadapa ako. :( buti nalang wala masyadong studyante. Uwian na din kasi ng iba. Huhuhuh




ANG DUMI DUMI NA NG TUHOD KO WAAAAAAAA =((((



"Ang tanga mo kasi" o_O narinig kong may sabi.







Tumingin naman ako sa lalaking nagsalita... At...

.

.

.

O_O







Si JERSEY #8 to ah!!!!











At ANONG SABI NIYA? AKO? TANGA????








"Sa susunod kasi miss. Mag ingat ka. Para kang bata na tumatakbo. Nagmukha ka tuloy tanga. Ang dungis mo pang tignan." Aaaay leche! Ayos to ah!




"HOY LALAKI! Ang kapal ng mukha mong sabihing TANGA AKO? BAKIT SINASADYA KO BA HA?" Sigaw ko sa kaniya.





"Oh eh bakit ka Nadapa? Tss." Mahinahong sabi niya.




"DI KO NAMAN KASALANAN MADAPA AKO EH!"



"Ah? So kasalanan ng lupa at bato? Wow ha."



"ABA'T.. TEKA NGA?! BAKIT MO BA AKO KINAKAUSAP HA? PURO TANGA KA NG TANGA SAKEN! UMALIS KA NGA!" Nagagalit na ako. Nakakahiya man sabihin pero feeling ko DUKYOT NA AKO.



"Sino bang di makakapansin sa tanga tangang tulad mo? hahahhahahaha" sabay tawa pa ng hinayupak!



"UKINAM!!!!" SIGAW KO SA KANIYA. Well baka di niya maintindihan :)))



"ANONG SABI MO?! " nagtatakang tanong niya.



"WALA KALALAKING MONG TAO BINGI KA!"



"Tsk. Bahala ka na nga diyan. Bat ba ako nagsasayang ng oras kausapin ang isang tanga tangang katulad mo. Madapa ka sana uli." Sabi niya sabay alis.


At ako naman eto... Nagpipigil ng iyak. Masakit yung mga sinabi niya nung huli. Ako? Tanga? Alam ko naman.. Pero wag naman niya sanang ipagdukdukan sakin na tanga at nadapa ako. Imbis na tulungan niya ko.. Ayun inaway pa ako.


First day na first day palang, eto na agad tumambad sakin. Pano pa kaya sa mga susunod na araw?


"Mich! Mich! Oh my God Mich! What happened to you?" Alalang tanong ni Layza sakin at tinulungan akog tumayo.

"Ah wala. Dahil sa katangahan. Ayun nadapa."

"Uy wait lang wag kang sumimangot ng ganyan. Ay wait! Yung tuhod mo may sugat! Teka gamutin natin yan'! "

"Wag na Layza, uuwi naman na ako eh."

"Ooops! No! Di ka uuwi ng ganyan. Tignan mo pa yug damit ko may putik. Tsk. May extrang damit ka ba?"

Umiling lang ako.

"Hay o'sha tara sa locker! Pahiramin kita ng xtrang damit!" Prisinta niya.


"Layza okay lang naman sakin. Sanay na ako sa Probinsiya palang."

"Mich, iba dito. Okay? Halika na."

At pumunta na kami sa locker room.

Napakabait talaga ni Layza. Buti nalang siya ang unang naging kaibigan ko dito sa School. :) kung wlaa siguro siya madami sigurong mam-bu-bully sakin. Palibhasa kasi... Mahina ako.


At yung lalaking yun? GRGGRGRGR GRABE SIYA! OO NGA GWAPO SIYA. Pero ANG UGALI? SOBRANG NEGATIVE! DEMONYO ATA YUN EH! HUMANDA TALAGA SAKIN YUNG LALAKING YUN! GAGANTI AKO SA KANIYA!

-


Brian's POV



"HAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHA PUTA PARE UMATAKE NA NAMAN PAGKA DEMONYO MO SA BABAE" sabi ni Shean. Barkada ko.

Kinuwento ko kasi sa kanila yung nangyari sa garden kanina.

Yung reaction ng babae kanina? Epic! HAHAHHA NAG EENJOY AKONG TIGNAN SIYA NG GANUN BAKIT BA HAHAHA

"Hindi ka man lang naawa." Sabay ni adrian. Siya ang pinaka seryoso or should i say pinaka mabait sa aming magbabarkada.

"Bat naman ako maaawa? Tatanga tanga siya. Tatakbo? Akala mo bata na sabik aa chocolate eh." Ako sabay inom ng alak. Andito kami sa Bar. Wala lang chill-chicks

"Baka naman nakita ka kaya tumakbo sayo? Ahha yung sa pelikula? Yung nag sasalubong! Haha gago ka pare bat mo kasi siya di sinalubong? Lupa tuloy sumalubong sa kaniya! HAHAH" si michael naman. Isa ding maloko tulad ko.


Nga pala, ako si Christopher Brian Chua. Yun lang. Description ko? Sus malalaman niyo din sa pagappatuloy ng istoryang to.

Naalala ko na nan yung mukha ng babae sa kanina. Siya din yung nahuli kong nakatingin sakin sa canteen eh.

Sa totoo lang, maganda siya. Tama ang katawan. Maputi. Pero parang, di siyang laking Manila eh? Kilos palang parang probinsiyana na? Tsk. Ay teka ! May sinabi yun sa akin kanina ah! Ano ba yun.. UGNAM? UKNAM? Argh basta yun! Pag narinig ko uli yun maaalala ko ulit! Ano kayang ibig sabihin nun?


Pag nalaman ko talaga ang ibig sabihin nun! Malilintikan talaga sakin yung babaeng yun! Malay niyo masama pala ibig sabihin nun diba?





Well... Probinsiyana Girl.. Get Ready.



--





-


Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon