Chapter 4
MICHELLE's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula yung aksidente sa Parking lot. At sa loob ng isang linggong iyon, nakaranas ako ng matinding pambu-bully ng ibang tao.
Katulad na lamang nung..
FLASHBACK
Naglalakad ako papuntang gym para sa P.E namin. Wala kasi si layza kaya ako nalang ang pumunta.
Habang papunta ako ng Gym, nagulat na lang ako ng may biglang humarang sakin ng 3 babae.
Mukha silang mga clown sa kapal ng make up sa mukha.
Mukha din silang naghirap dahil sa kulang sa telang uniform nila.
"Hoy! Kababago bago mo palang dito, kung makapag papansin ka kay Brian akala mo ang ganda mo.!" Sigaw nung nasa gitna
"Ano ba kayo, hindi ako nagpapa pansin dun. Hindi nga kami close eh." Paliwanag ko
"Aba't kitang kita namin yung ginawa mo sa parking lot! Sa dinami dami ng pagmamayaring gamit, kay Brian pa. Lakas ng loob mo, akala mo mababayaran mo lahat yun ha?" Sigaw sakin nung isa sabay sabunot sa buhok ko.
Wala masyadong tao. Meron, pero iilan lang. Wala silang paki alam. Nasasaktan na ako. Kasi kahit kailan, hindi ako nasabunutan nino man.
"
"Nasasaktan ako, bitawan niyo ako! Hindi ko naman kayo inaano ah!" Bulyaw ko.
Pero hindi parin sila tumigil sa pag sabunot sakin.
"
"Akala mo papalagpasin namin ang pagpapapansin mo kay Brian huh?!!" Sigaw nung sumasabunot sakin.
Naiiyak ako.
"Tama na.." "Araaaay" sabi ko habang umiiyak.
Wala paring tumutulong sa akin.
"Kinaganda mo ba yan? Tss eh hamak na transferee kalang dito, poor little girl. Hindi ka maganda kaya wala kang pag asa kay Brian. Kahit anong papansin mo dun, hindi ka nun papatulan dahil, never kang aabot sa standards ng magagandang tulad namin." Bulong niya sabay hila ng buhok ko pababa hanggang sa mapaupo ako sa lapag.
Iyak na ako ng iyak. Titiisin ko nalang lahat ng sakit. Kailangan kong makatapos dito, yan nalang ang iisipin ko.
Tumakbo ako ng cr at nag ayos ng buhok bago pumunta sa klase ko.
END OF FLASHBACK
Hindi lang yan ang nangyari sakin. Marami pa. Meron ngang nagpapadala ng note sa table ko at nakalagay "Back of bitch" o kaya "You're not pretty so know where you should stand"
Argh nakakasawa! Puro nalang pambubully ng mga estudyante ang nararanasan ko dito. Pero ayos lang, pakatatag ka Michelle!!
Lunes ngayon kaya maaga ako pumasok.
"Mich!" Sigaw ni Layza sa malayo
"Uy, Layza! Ang aga mo din ata." Sabi ko sa kaniya.
"Of course! We will watch the game no! Finals na!"
"Huh? Laro? Nino?"
"Tss. Updated ka ba sa school? Finals na ng basketball cup sa school! Laro nila Brian ngayon!" Sigaw niya
"H-ha ano.. Kasi.." Utal kong sagot
"Ano? Hayaan mo na yung mga mambubully sayo dun. Ako bahala sa kanila, di ka nila magagalaw hangga't nandito ako."
"Kasi.. Gusto ko na umiwas sa gulo Layza." Deretsong sabi ko
"Ano ka ba! Hindi lang si Brian ang pupuntahan natin doon no! Buong team!" Masayang sagot niya, "Tsaka susuportahan lang natin sila. Kaya Pretty Michelle, chill okay?" Tuloy niya
"Sige. Bahala ka."
"Oy! Wag na sumimangot! Papangit ka" sabi niya sabay tawa.
***
Short update today! / TBC ❤️
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
Roman d'amourPaano na lamang kung makabangga mong tao ay kasing sama ng isang demonyo? Hindi naman siya ang ideal man mo pero paano kung magkasundo kayong dalawa dahil lang sa isang pagkakamali mo? Lalo bang lal-lala ang away niyo? O sa bandang huli bibigay ka d...