Chapter 11
Kinaladkad niya ako patungo sa kaniyang sasakyan. Ito ang unang beses na makakasakay ako sa kotse niya.
"Pumasok ka na" dere-deretsong sabi niya.
Hindi na ako nagsalita at Sinunod ko naman 'to. At ng pumasok ako, agad agad kong tinakpan ang bibig ko. Pakiraramdam ko susuka ako. Hindi ko alam kung anong meron pero ayoko ng amoy ng kotse. May nakatapat kasing maliit na bagay sa mismong labasan ng hangin.
"O'bakit,? Nasusuka ka?" Agad na tanong ni Brian
"Ayoko kasi ng amoy." Mahinahong sabi ko habang dahan dahang binababa ang palad ko mula sa aking bibig.
"Huh? What's with the smell? Yana ng gusto kong amoy ng kotse ko kaya wala kang paki alam. Okay?" Pagkatapos niyang sabihin ay agad niyang pinatakbo ang sasakyan. Sungit!
Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang bumabyahe kami. Sobrang tahimik. Walang nagsasalita samin. Deretso siyang nakatingin sa daanan habang nagmamaneho. Kinalaunan, napansin ko nalang na papasok kami sa parking lot ng isang mall. Bumaba kami parehas ng sasakyan pagkatapos niyang mag park.
"Brian, bakit tayo nandito sa Mall? Akala ko ba sa Party?" Tanong ko habang sumusunod sa kaniya. Pero hindi niya ako pinapansin,
"Uy, Brian!"
"Brian! Pst!"
Ayaw padin. Dali dali akong tumakbo at hinarang ko siya, dahilan kung bakit siya napahinto sa paglalakad.
Tumingin naman siya ng masama sakin. *gulp*
"Bakit ba ang kulit mo ha?" Aniya
"Tinatanong lang naman kasi kita eh, pero ayaw mo ko sagutin!" Sabay iwas ko ng tingin. Ayoko tumitig sa kaniya, para kasing nakikiliti yung loob ng tiyan ko eh.
"Pwede ba, umalis ka na diyan. At male late na tayo sa party" seryosong sabi niya
"Hep! Hep!" Pigil ko sa kaniya.
"Ano na naman ba ha Michelle?!" Brian
"Bakit ba tayo nandito? Akala ko ba Party? Bakit nasa Mall tayo?"
"Sa tingin mo pupunta tayo ng Party na ganyan ang suot mo?"
"Ayos naman kasi talaga 'to eh! Bakit ba ayaw mo?"
"Michelle, we're not going to just a simple party! We're going to the Formal Party okay. Formal. That's why you need to be presentable! Bibili tayo ng damit mo. Okay? Sinagot ko na ang tanong mo kaya pwede ba umalis ka na diyan sa harap ko at sumunod ka nalang sakin?" Aniya. Saka siya naglakad. Napakagat nalang ako ng labi dahil sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kinakabahan ako, oo dahil sa party. Pero yun ba talaga dahilan kung bakit ang bilis nito?
***
Lumabas ako sa fitting room ng isang shop. Suot suot ang isang color pink na tube dress na abot hanggang itaas ng aking tuhod. Naglakad ako ng dahan dahan dahil sa 6inches na heels na pinasuot sakin ng isang babae na sa tingin ko may ari nitong shop.
Nakita kong nakatalikod si Brian at Yung babaeng nagpasuot sakin. Nakita niya ako kaagad at agad na pumalakpak.
"You're so gorgeous iha! Bagay na bagay sayo ang damit mo! It perfectly fits you!" Tili ng babae habang lumalapit sakin. Inayos niya din at nilugay ang buhok ko.
Pinaharap niya ako sa isang malaking samin at nakita ko ang sarili ko. Ako ba'to? Ang ganda ko. Nakita ko naman sa repleksyon ng salamin si Brian na tulalang nakatingin sa akin. Kaya agad akong tumalikod at humarap sa kaniya habang unti unting binababa ang laylayan ng damit ko dahil masyado itong maiksi. Hindi ako ganun ka komportable sa soot ko.
"Wag mo ng ibaba yan iha! Bagay naman sayo ang dress. Ipakita mo nalang ang legs mo! Litaw na litaw din ang kaputian mo" saway sakin ng babae. Agad namang pumula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya napayuko ako.
"Diba Brian?" Tanong nung babae kay Brian. Nag angat ako agad ng tingin sa kanilang dalawa.
Hindi agad siya nagsalita. Habang kami ng babae ay nag aantay sa sagot ni Brian.
"Uh-y-yes." Tipid niyang sagot at nag iwas ng tingin.
"Halika na. Male-late na tayo! By the way thanks Tita Mila for the help. I really trust you when it comes to this." Brian
"You're welcome Brian." Isang tipid na sagot lamang ang sagot ni Brian saka lumabas. Sht. Ngumiti siya, ang gwapo.
"So, Michelle right?" Baling niya sakin. Tumango naman ako.
"Goodluck!" Sabi niya saka ako yinakap. Yinakap ko din siya pabalik.
Nakita kong nakasandal sa kotse si Brian at halatang nag hihintay sakin.
"Ang bagal mo! It's already 8pm! Late na tayo!" Bulyaw niya.
Tignan mo to, kanina parang okay naman siya tapos ngayon monster na naman -_-
"Masakit kasi sa paa tong heels na sinuot sakin eh! Sorry na!" Sabi ko
"Edi sana nag paa ka nalang!"
"Baka makapag paa ako sa loob ng Mall?!"
"Ugh! Wag ka na ngang sumagot! Tara na!" Sabay pasok niya sa sasakyan
"UNGGOY NA MASUNGIT!!!!" Sigaw ko sa kaniya, tutal di naman niya maririnig yung sinabi ko dahil nasa loob naman siya.
Pumasok na din ako at saka kami bumyahe patungo sa Party na tinutukoy nito. Kinakabahan ako, bakit kaya?
***
TBC :)
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
RomancePaano na lamang kung makabangga mong tao ay kasing sama ng isang demonyo? Hindi naman siya ang ideal man mo pero paano kung magkasundo kayong dalawa dahil lang sa isang pagkakamali mo? Lalo bang lal-lala ang away niyo? O sa bandang huli bibigay ka d...