Chapter 7
Umaga na at kasalukuyan akong papunta sa School. 6:30 palang pero ang dami ng taong nadadaanan ko. Maaga pa naman kaya napag pasyahan kong mag lakad nalang papunta
Tatawid na sana ako sa kabilang kalsada ng biglang may itim na sasakyan na pahuhurot sakin.
*beeeeeeeeeeeeeeep*
Sa sobrang taranta ko, napaupo nalang ako at napatakip ng kamay sa tenga.
"Waaaaaaaaaaag" sigaw ko.
Nakaramdam naman ako ng isang malakas na preno. Unti unti kong inangat ang ulo ko at nakita ko na nakatingin lahat ng tao sakin. Jusko, buhay pa ako. Salamat po. Pero hindi mawala sakin ang nginig sa aking mga kamay. Natakot ako. Akala ko tuluyan na akong masasagasaan. Tumayo ako ng maayos at tinignan ang kotseng muntik ng makabunggo sa akin.
Pang mayaman ang sasakyan. Habang nakatingin ako, may biglang lumabas na babae sa sasakyan. Siguro mga nasa 40's na siya. Ang ganda ng kutis niya. Maamong mukha. Parang familiar sakin ang babae kaya biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Kakaiba yung naramdaman ko ng makita ko siya. Parang... May kamukha siya.
"Nako miss! Pasensiya na! Nagmamadali kasi ako." Sabay lapit sakin ng babae.
"Okay lang ho. Hindi naman po ako nasaktan" paliwanag ko habang inuusisa ko ang mukha niya.
"Talaga ba? Gusto mo dalhin kita sa hospital?" Alalang tanong niya saka hinawakan ang braso ko.
Para akong nakuryente ng hawakan niya ang braso ko. Kakaiba talaga eh. Parang bang.... may kaugnayan ako sa kaniya.
"A-ah hindi na po. Papasok narin ako sa School po. Lalakarin ko nalang po"
"San ka ba nag aaral? Ihahatid na kita." Presenta niya. Dun ko lang napansin na nakasuot pala siya ng isang pulang dress na sexy at naka pusod ang kaniyang buhok. Maganda siyang babae.
"Diyan lang po sa University diyan."
"Ah doon ba? Doon din kasi ang punta ko eh. Halika isasabay na kita."
Hindi na ako nakatanggi at saka niya ako inalalayan papasok ng kotse niya.
"Ano nga palang pangalan mo hija?" Tanong niya habang nagmamaneho.
"Michelle po" pagkasabi ko ng pangalan ko, bigla nalang siyang napahinto at nag break. Tumingin siya sakin na parang nangingilala.
"A-ano... nga uli hija?"
"Michelle po. Michelle Angeline" pag uulit ko.
Unti unti naman na may pumatak na luha sa mata niya. May masama ba akong nasabi? Nako!
Tinignan ko mga mata niya at halatang may problema siya.
"Ahm. Mam, bakit po kayo umiiyak? May masama po ba akong nasabi sa inyo?" Alalang tanong ko.
"Ah." Sabay punas niya ng luha niya." Wala.. Wala to hija.. May naalala lang ako. Pagpasensiyahan mo na ako ah." Yun lang ang sinabi niya saka nagpatuloy sa pagmamaneho.
Huminto ang sasakyan sa tapat ng gate ng university.
Tinanggal ko ang seatbealt ko saka ako nagsalita.
"Mam, maraming salamat po ah." Sabi ko
" Tita Sha nalang itawag mo sakin Michelle. Wag ng mam, masyadong pormal."
"Ah.. Eh.. Kayo pong bahala. Salamat po uli at mag iingat po kayo, Tita Sha"
"Salamat din. Pag pasensiyahan mo na ako kanina, hindi ko sinasadya. Pati ang pag iyak ko." Pagpapaliwanag niya
"May problema po ba kayo? Baka makatulong po ako."
"
"Uhm- wala. Wala to Michelle. Sige na pumasok ka na at baka mahuli ka sa klase."
Tumango nalang ako. Lalabas na sana ako ng kotse niya ng mag magtanong uli siya.
"Michelle, asan mga magulang mo?" Napatigil naman ako sa tanong niya. Iniwasan kong maging malungkot ang boses ko sa harap niya.
"Ahm. Wala na po sila eh. I mean, ang papa ko po namatay na. Simula po nun, lola ko ma ho ang nag aalaga sakin.. Si mama naman po, iniwan po ako nun noong 7 years old po ako. Hindi ko na nga po siya makita eh, at hindi ko narin po maalala ang mukha niya. Pero ngayon po, hinahanap ko siya. Sabi kasi ng lola ko, baka daw po nandito siya sa Maynila." Paliwanag ko.
Nakita ko naman na parang dumeretso siya ng upo. Nagbabadyang babagsak ang luha niya mula sa mga mata. Ano bang meron?
"Tita ayos lang po kayo?"
"A-ah.. Oo. Sige na pumasok ka na."
Nginitian ko nalang siya saka lumabas ng kotse niya at tumakbo papuntang building ko.
---
SOMEONE's POV
Siya nga... Siya nga ang nag iisang anak kong babae. Siya nga ang anak kong matagal ko ng hindi nakikita at nayayakap.
Ilang taon na din mula ng huli ko siyang nakita. Maraming nagbago. Lumaki siya ng magandang babae at mabait.
Hinahanap niya ako pero nagkataong, siya ang nahanap ko... Di bale anak, darating din ang panahon, haharapin kita at magpapakilala bilang Mama mo.
***
TBC ❤️
A/N : Guys, be fan and comment naman po kayo :) don't forget to vote din! Love yoouuu
By the way guys, Happy new year! ❤️
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
RomancePaano na lamang kung makabangga mong tao ay kasing sama ng isang demonyo? Hindi naman siya ang ideal man mo pero paano kung magkasundo kayong dalawa dahil lang sa isang pagkakamali mo? Lalo bang lal-lala ang away niyo? O sa bandang huli bibigay ka d...