Chapter 9

542 11 4
                                    

Chapter 9





Aish. Ang aga aga kong pumasok ngayon dahil lang sa lintik na assignment na hindi naman sakin. Imbis na wala akong klase ngayong umaga, kailangan ko pa tuloy pumunta sa library.


"Oh Michelle ang aga mo ata pumasok ngayon?" Nakangiting sabi ni Ng Guard ng School namin.


"May kailangan po kasi akong tapusin eh. Bukas na po ba yung library?" Tanong ko.


"Ah oo. Andiyan na si Ms. Sanchez eh. Kararating niya lang din" paliwanag niya. Si Ms. Sanchez ang librarian namin. Talaga namang maaga pumapasok yun si Mam dahil minsan, maaaga din pumapasok yung mga 'genius' students.






Sa wakas! Pagkatapos ng isang oras, natapos ko na din ang final paper na hindi naman sakin.


Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong 7:00am na pala. Ala sais kasi ako ng umaga pumunta dito sa School eh.



"Oh ayan na final paper mo!" Padabog kong bigay sa kaniya. At nakita ko namang ngumisi siya.


"Ang galing talaga ng slave ko." Evil smile niya. Urgh! Kung hindi lang talaga!


Kung nagtataka kayo, oo. Pumayag ako sa damuhong 'to na magpa alipin. Isang buwan lang naman ang kontrata namin, at kapalit nun ay ang hindi ko na pagbayad sa kaniya sa nagasgas kong motor niya. Wala eh, walang akong pera pampa ayos ng motor niya. Tss. Isang linggo narin ang nakalipas simula ng pumayag ako. At grabe siya mangalila! Ang daming utos! Pero binabalewala ko nalang kasi hindi naman ganun kadali. Kaso ngalang, minsan nakakainis na. At Siya ang dahilan kung bakita maaga ako pumasok ngayon para lang gawin ang final paper niya. Andito kami ngayon sa building nila. Marami naring estudyante. Palibhasa kasi 30 minutes nalang umpisa na ng class.



"Oh wala man lang thank you?" Tanong ko sa kaniya.


Bigla naman siyang lumapit sakin at bumulong sa tenga ko.


"Mamaya na ako mag te-thank you sayo, meron pang kasunod to." Kinilabutan ako sa sinabi niya. Ramdam na ramdam ko ang labi niya sa tainga ko na dahilan para manglambot ko.


Tinulak ko naman siya.


"Layuan mo nga ako!" Sigaw ko sabay tulak ng malakas sa kaniya. Napaka talaga nitong damuhog na to!

"Hahahahah" tawa niya habang hawak pa ang abs~ ay este tiyan niya pala. Pshh.


"Bahala ka diyan sa buhay mo! Sama ng ugali mo, bwiset!" Sabi ko sabay talikod ko sa kaniya. Narinig ko naman ang muling pagtawa niya. Nakakainis! Grrr! Ang gwapo niya tumawa!


Tutal wala naman akong klase ngayong umaga. Napagpasyahan ko na munang bumalik sa library para mag aral para sa susunod kong subject.



"Michelle!" Isang pamilyar na boses ang tumawag sakin.


"Uy, Adrian!" Sagot ko pagkalingon.

Ilang araw ko ding hindi nakita to ah? Pumayat siya ng onti. Hindi tulad noong huling pagkikita namin.


Lumakad siya palapit sakin. "Kamusta ka na?" Tanong niya.


"Ayos lang. Ikaw? Matagal kitang hindi na kita ah." Sagot ko.


"A-ah kasi.. Umalis kami ng mommy ko. Sinamahan ko muna siya mag relax sa probinsiya, this past few days kasi medyo naging stress siya. I don't know why."

"Hala! Okay na ba mommy mo ngayon?"


"Yup. Actually pupunta siya dito ngayon, may pupuntahan na naman kami. So i will not attend my class."


Huh? Hindi na naman siya papasok? Ano meron sa mommy niya. Kung sa tingin mo, parang mommy's boy siya pero hindi eh. Sadyang mahal niya lang ang mommy niya. At pakiramdam ko, mahal din siya ng mommy niya. Sa loob loob ko, naiingit ako. Sana ako din, ganun kamahal ni nanay. Hinahanap kaya niya ako?


"Oh there she is!" Nawala ako sa pagiisip ng biglang magsalita si Adrian sabay turo sa likuran ko.


"Mom!" Tawag ni Adrian.


Bumaba naman ng kotse yung babae. Teka! Familiar ang kotse na to sakin. Eto yung kotse na muntik ng makabangga sakin nung nakaraang linggo. Ibig sabihin, ang babaeng nasa loob ay si.....


"Adrian, anak!" Bati ni Tita Sha. Oo, siya yun yung babaeng muntik ng maka bangga sa akin at nagsabay sakin papuntang school.

Bigla naman siyang napatingin sakin. "Oh! Ikaw pala yan Michelle! Magkakilala kayo ng anak ko?" Nakangiting tanong niya.


"Yes mom. She's my special friend. Wait, you know each other din?" Tanong ni Adrian.


"Ah. Oo nakilala ko ang mommy mo noon." Tanong ko. Nakangiti kong sagot.



Nagulat nalang ako ng bigla akong akbayan ni Adrian. Sabay sabing..


"Mom, bagay ba kami?" Tanong niya sa mama niya. At biglang nagpuntahan ang mga dugo ko sa pisngi dahil pakiramdam ko ngayon, ang pula pula ko. Siniko ko naman ng di malakas si adrian. Na pa 'ooh' pa siya.

Kaninang nakangiti, ay ngayon naman walang emosyon natumingin sa amin si Tita Sha. Natulala at parang naubusan ng laway.


"Hey, mom!"


"A-ah haha. Bakit anak... Nililigawan mo ba si Michelle?" Alinlangang tanong ng mom niya. Nakaramdam naman ako ng medyo pagkahiya.


"Hindi pa." Nakangiting sagot ni Adrian.


"T-tama yan... Hmmmm.. Wag muna? Bata pa kayo." Sabay pilit na tawa ni Tita Sha. "Sige antayin kita sa kotse Adrian. Kailangan natin magusap." Mariing sabi niya saka umalis pabalik ng kotse niya. Halatang peke yung tawang binigay niya. Siguro napansin din ni Adrian kaya bigla siyang bumitaw sa pagkaka akbay.


***


TBC ❤️


Unedited! Vote and Comment guys! :) thank you! Happy 1K reads!

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon