Haaay panibagong araw na naman.
Pababa na ako ng hagdan ng salubungin ako ni Lola.
"Oh hija. Hindi ka kumain kagabi ah? Okay ka lang ba apo?" Tanong ni lola.
Oo nga pala, pagka uwi ko kahapon dumiretso na ako agad sa kwarto.. Naligo at saka natulog. Nagpapahinga narin kasi si Lola ng dumating ako.
Ewan ko ba, pero pagod na pagod ako kahapon eh first day palang namin. Maliban nalang dun sa nangyari kinahapunan. Grgr epal talaga yung lalaking yun!
Nakoooo! Makita ko lang talaga siya! Gaganti ako! (As if namang kaya ko diba hehe)
"Ah. Opo lola, pagod na kasi ako." Saka ako bumeso kay lola.
"Ala sige mangana ka paylang idta." Ika ni lola. ( Hala sige kumain ka muna diyan) ilokano.
Tumango nalang ako at nagsimulang kumain.
Pero bago ko makalimutan. May tinanong ako muna ako sa lola ko.
"La, may balita ho ba kayo kay nanay simula nung dumating tayo dito sa Maynila?"
Napatigil naman si lola sa ginagawa niya.
"A-apo e-eh wala pa eh. Sabi ng mga komare ko. Hala sige wag mo na isipin ang nanay mo, kumain ka na diyan at baka ma late ka pa sa eskwela." Paliwanag niya.
Hindi.. hindi parin ako nawawalan ng pag asa.. Alam ko.. Balang araw makikita ko rin si nanay.
-
7:30 na ng makarating ako ng school. No, actually nandito ako ngayon sa may parking lot. Wala lang, ang laki lang kasi ng space dito eh. Onti palang yung mga naka park.
Naglalakad lakad ako sa Parking Lot ng biglang....
*brooooooooooooooooooooooom*
GRABE! muntik na akong mabunggo ng Isang Sports Car ah? AS IN SOBRANG LAPIT NG SASAKYAN SAKIN SA HARAP KO PA DUMAAN! Jusko lord! Muntik na ako doon! Huhu leche! Hindi niya ba nakita na may tao!!! Ano ba naman tong mga tao dito! Urgh!
Hinabol ko ng tingin yung sasakyan..
At lumabas ang lalaking naka shades...
O____O
SI BRIAN!!!
Peste! Nakangiti pa habang bumababa ng sasakyan!!! Ugh! Lord patawarin niyo ko pero baka mapatay ko tong hinayupak na to :(
"HOY LALAKI! MAG DAHAN DAHAN KA NGA SA PAGMAMANEHO! TIGNAN MO OH MUNTIK MO NA AKONG MASAGASAAN!" Sigaw ko sa kaniya.
Lumapit naman siya bago tinanggal ang shades niya at saka nagsalita...
"Sa susunod kasi miss, tumingin ka sa dinadaanan mo. Ang aga aga Umaatake na naman yang katangahan mo." Naka smirk niyang sabi.
Infairness gwapo to ah. >.< PERO NO!
"Aba Brian? Sayo ba tong buong parking lot para umasta ka ng ganyan? Kahit kailan talaga ang sama ng ugali mo!" Bulyaw ko sa kaniya.
Bigla naman nagbago ang facial expression niya... Naging PAGTATAKA.
"Huh? Did you say my name? Huh. Di ka lang pala tanga. Stalker ka pa?" Sabay smirk. Oh golly! Si Layza nga pala nagsabi sakin ng pangalan niya!
"A-ah an-ano...." Whaaaat bakit ako nauutal :( help!
"Ano?" Sabay hawak niya sa baba ko.
Tinignan niya ako sa mata. Panginoon ko! Bakit po ang gwapo nitong lalaking to! Bakit bakit?! Yung mata niya singkit, at yung labi niyaaaa ang pula..
"HAHAHAHHAHAHAHAHAHAHHAHAHAHA LOOK AT YOUR FACE! EPIC HAHAHAHHA" pinagtawanan ako pagkatapos akong bitawan.
Shemay Nakakahiya :(
"HAHAHAHAHAHHA" aba't di pa tumigil
"Hoy! Tumigil ka nga!" Sigaw ko sa kaniya.
Tumigil naman siya saka nagingseryoso ang mukha.
"Kaya ko nalaman pangalan mo kasi nakita ko sa bullein board ng varsity! Eh diba ikaw yung jersey #8" paliwanag ko sa kaniya. Lord sorry nagsinunaling ako. Palusot lang po =)))
"Tss talaga lang ah?" He said.
"O-oo!" Tinignan ko ang watch ko.
O________O late na akoooo! 8:05 nAaa!!!
Di na ako nagpaalam sa kaniya, pagka kita ko ng oras tumakbo na ako! Hinayaan ko si Brian dun. May oras din sakin yung kupal na yun!
--
"My gosh! Mich! Where have you been?" Sabi ni Layza pagka upo ko. Nandito na din yung prof namin. Kasalukuyang nakatalikod.
"Sorry Layza. May ungas kasing nambwisit sakin sa Parking Lot eh." Sabi ko.
"Ha? Sino? Nakoo nakoo!" Pang gigil ni layza
"Hayaan mo na. May araw din sa'kin yun" sabi ko nalang saka nakinig sa prof namin.
Urgh BRIAN CHUA! may araw ka din sa akin!!!
-
Pagkatapos ng pagka haba habang discussion ng Prof namain, sa wakas naisipan niya narin kaming i dismiss. :|
"Hoy Mich! Hindi mo pa kinukwento sakin kung bakit ka late ah! At sino ang ungas na sinasabi mo ha?" Tanong ni Layza. Andito kami ngayon sa Canteen as usual, kain =)))
At ayun. Kaibigan ko narin naman na si Layza dito sa Maynila, kaya kinuwento ko na sa kaniya. lahat. AS IN LAHAT LAHAT. Mula nung nadapa ako hanggang kanina.
"Oh gosh Mich! You're so lucky!" Huh?
"Hoy! Anong lucky ka diyan? Eh ang sama sama nga ng ugali ng bRIan na yun eh! Tss lucky ka pa!"
"Eh kasi naman diba! Pinansin ka niya? Hindi kaya yun namamansin ng babae! Maliban sa kapatid niya no! "
"Ang Sabihin mo layza, MAHILIG TALAGANG MAMBWISIT YUNG FEELING GWAPONG LALAKI NA YUN NO!" Ako
"Aysus! Pero yung totoo, kinikilig ka. HAHAH"
Ako? Kinikilig? Bat naman ako kinikilig don? Oo nga gwapo siya. Pero ugali? Nako mas maganda pa ugali ng kapitbahay namin sa ilocos!
-
Pang apat na araw na namin ng klase ngayon, buong araw ng discuss ang mga prof. Nakaka antok nga eh. At salamat naman dahil uwian na.
Ako lang mag isa ngayon. Wala si Layza dahil may practice pa daw siya sa Org. niya. ( Glee Club )
Nandito ako ngayon sa parking lot. Sa pinakadulo.
Nakita kong may mga nag lalarong babae sa may open court sa tabi ng parking lot.
WOOOOW ang gagaling nilang mag laro ng volleyball. Ang lalakas nila mag hampas ng bola.
Sa napasarap ng panonood ko, di ko namalayan na napasandal pala ako sa isang motor na maganda hinawakan ko pa at tinignan.. Halatang bago kasi sobrang kintab. Mahal siguro to? Hehe
Babalik na sana ang tingin ko sa mga nag lalaro ng volleyball ng biglang may sumigaw ng..
"ATE IWAS SA BOLAAAAAA!!!!!!!!!!!!"
Oh noes!
*CRASH* *BOOM* *CRASH * *BOOM
Naiwasan ko nga ang bola, natumba naman yung motor na sinasandalan ko. Nasama pa ako. In short, na out of balance ako sa motor. Ayun BAGSAK.
ng may marining akong...
"WHAT THE HELL DID YOU DO ?"
Isang lalaking Galit ang aura..... Si Brian. Ooops. :(
-
A/N : All of the Things,Places, People in this story are part of the Imagination of the Author.
Forgive my Grammar, and also the Spacing. I'm not a Perfect Writer :)
-Ciao :*
BINABASA MO ANG
Devil Beside Me
RomantizmPaano na lamang kung makabangga mong tao ay kasing sama ng isang demonyo? Hindi naman siya ang ideal man mo pero paano kung magkasundo kayong dalawa dahil lang sa isang pagkakamali mo? Lalo bang lal-lala ang away niyo? O sa bandang huli bibigay ka d...