Chapter 8

558 8 1
                                    

Chapter 8

Nakarating ako ng silid namin ng maayos. Marami ng estudyante. Tinignan ko ang orasan ko at 7:10 palang. 7:30 ang klase ko kaya may oras pa.


Pag pasok ko, narinig ko kaagad ang mga ka klase kong nagbubulong bulongan.


"Dati kay Brian nagpapa pansin, ngayon kay Adrian na"


"Oo nga eh. Ka bago bago ganiyan na."


"Tama lang talaga ang ginawa sa kaniya nila Jessa no. Papansin kasi"


Narinig ko pang habol ng isa.


Tuloy tuloy lang akong naglakad patungo aa upuan ko. Akala ko ba mabait mga tao dito? Pwera nalang sa mga higher level na umaway sakin dahil lang kay Brian. Pagkaupo ko, agad namang lumingon sa akin si Layza.

"Uy Girl" tawag niya sakin sabay harap.

"Hmmm" tanging sagot ko

"Ano nangyari kagabi? Hinila ka ni Adrian palabas ng gym. Pero hindi ka na bumalik" mahinang bulong niya. Sakto lang na kami ang makaka rinig

"Hinatid niya lang ako." Sagot ko sa kaniya

"Hinatid? Kaya pala! Kaya pala kayo pinag uusapan dito sa school! May naka kita daw sa inyo kagabi sa park!" Halos mapatalon ako gulat ng sabihin sa akin ni Layza yun. Akala ko walang makaka kita samin. Pero hindi naman ito ang inaasahan ko. Hindi ko akalaing bibigyan nila ng malisya ang pagsama sakin ni Adrian.

"Pano nila nalaman? Sino naka kita?" Tanong ko sa kaniya.

"Nako girl!" Sabay hawak niya sa kamay ko. " Sa dinami dami ng pwedeng maka kita sa inyo, si Chloe pa! Yung barkada ni Jessa! Ayun ini-status niya ang nakita niya sa facebook!!!"


"Ini-status? Bakit ano ba nakita niya? Magkasama lang kami kagabi ah! Wala kaming ginawang masama!" Paliwanag ko


"Yun na nga eh. Kaso alam mo naman yung mga kaibigan ni Jessa, iba mag isip. O.A mag react! Kaya ayan."

Nanlumo ako sa mga sinabi ni Layza. Pati pagtulong sa akin ni Adrian binibigyan ng malisya. Lalo tuloy umiinit ang mga mata ng estudyante dito sa akin.


"Mich, hayaan mo na. Wala lang silang magawa." Pag comfort sakin ni Layza


"Anong gagawin ko ngayon nito? Tignan mo nga, pati dito sa classroom pinag uusapan ako oh, pano pa kaya sa labas nito?"


"Ang gu-gwapo kasi ng mga nakaka tagpo mo eh" pabirong sabi niya sabay tawa.


Magsasalita palang sana ako ng biglang dumating ang professor namin


-


Matapos ang klase namin, lumabas na kami ni Layza sa room para pumunta sa may hardin ng B.A Building. Meron kasi siyang baon at balak namin doon kumain. Masyado kasing madaming tao sa Canteen.


Nasa 3rd floor ang room namin, dahil maraming bumababa sa main stairs, napag pasyahan namin ni Layza na sa emergency exit stairs nalang dumaan. Kaysa naman makipag sabayan kami sa mga estudyante.


Pababa na sana kami ng may makasalubong kaming 3 babaeng mukhang clown.


"Look who's here" sabi ni Jessa. Alam ko siya 'tong nasa harapan ko. Ang grupo nila.


"Excuse me, dadaan kami." Mataray na sabi ni Layza


"At sino nag sabing padadaanin namin kayo?" Tanong nung nasa kaliwa ni jessa


Agad naman akong binulungan ni Layza. "Mich, yan si Chloe" sabi niya.


Tumango nalang ako.

Devil Beside MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon