Even the air passing by on them feels shy sa sobrang tagal ng titigan nilang dalawa. Maging ang mga damo nakahit walang buhay ay nagmistulang nabigla sa bigla nilang pagpatak sa parteng iyon ng Royal red palace ruins. Hindi aware si Aria sa mga iyon, dahil ang tanging pumukaw ng atensyon niya ay ang mata ng misteryosong lalaking ito. Hindi niya alam kung paano magrereact sa sitwasyon kaya napadasal na lamang siya sa isip.
Jusko Lord! Ang bilis mo namang magreact sa sinasabi ko. Nagrereklamo pa lang ako na hindi man lang nagpakita si Zach sakin kahit sa panaginip eto na agad. Excited lang Lord?
Pero nawala ang kilig niya ng bumalik sa realidad ang utak niya. It’s impossible! Zach is dead. How come that he’s here? She can touch him, she can see him and she definitely can feel the piercing look in this man’s eyes! Just who is this vampire?
Magsasalita pa sana siya ng tumayo na ito at inilibot ang mata sa paligid checking if nandoon pa din ang mga humahabol sa kanya. And as he’s doing that Aria can’t take her eyes off him. Natutulala sya thinking if this is just a dream or hallucination nya lamang ito. His gray hair, his muscular body, his eyebrows and most importantly his Royal red eyes… those things are Zach’s physical appearance except to his messy gray hair na lalo pa atang nakapagpadagdag sa appeal nito. And another thing that catches her attention is that this guy is wearing black mask. For what? Ano ang itinatago nito?
“W..who are y..you?” she managed to ask despite the shock na hindi pa din nawawala sa system nya. Hindi ito sumagot. Bagkus ay tinalikudan nya ito at akmang aalis na.
“Wait… I’m asking who are you?” tanong ulit niya na walang balak tantanan ang lalaki. She is curious. Why this man does looks like Zach? She wanted to hear his voice. She wanted to prove that this man isn’t Zach. Imposibleng ito si Zach because Zach wouldn’t hide to them the truth. Atsaka they all saw it. They all saw how his coffin descended 6ft to the ground.
Narinig nya itong bumuntonghininga. Then humarap ito sa kanya. Shit! Kamukha tlaga nito si Zach!
“You’re probably one of those reporters.” Anito at may kung anong inilabas mula sa bulsa ng jacket nito. Nanlaki ang mga mata nya when she saw he’s handling a handcuff. But that handcuff is different from a normal handcuff sa mundo ng mga tao. At pakiramdam ni Aria ay mas high tech ito.
“One of what?” tanong nya habang dahan dahang umuurong dahil lumalapit ito sa kanya at hindi niya nagugustuhan iyon. Ngunit naging mistula itong kidlat sa bilis at namalayan na lang ni Aria na malapit na ito sa kanya at akmang poposasan na sya but she’s not like ordinary vampire. Kung mabilis ito well sorry na lng dito dahil mabilis sya. They are both a Royal Red Clan vampire after all, the Clan known for unbelievable speed-the speed of light. Hawak nito ang isang parte ng posas at hawak naman nya ang isang part. He tried to cuff her pero naiiwas nya ang kamay nya. Sya naman ang umatake ngunit mabilis din ito. Hanggang sa pareho na silang naguunahan sa paghuli ng kamay.
Ngumiti si Aria when she realized that she finally caught his hands. Pero nagulat sya when she saw her hand cuff too. In short ay na-lock sila pareho sa iisang posas!
“Crap!” anito
“This is your fault!” inis nyang wika
“No it’s not!”
“Why did you want to restraint me in the first place?”
“Because you’re just like them who is always following me.”
“And why would I do that? I don’t even know you!”
Napakunot ang noo nito sa sinabi nya na tila isang kahibangan ang sinabi nyang iyon. Dumaan ang isang nagmamalanding hangin sa pagitan nila. And that wind blows off his hood. Lalong na-expose kay Aria and magulo nitong buhok na ngayon lang niya nakitang nakapugong sa likod nito. Magulo lang talga ang buhok nito kaya nmn sa front view ay mukhang nakalugay ito. He looks like a member of a rockband. At kung may nilalang na makakapagpajustify ng term na ruggedly handsome ay ito na iyon, ito na tlga!