Chapter 6

33 9 2
                                    

Butterflies

Hindi ko lubos maisip na magkaka ganoon si jayson just to win me back...Ni dati ay hindi ko pa sya nakitang nagka ganoon.Nagaaway man kami o may pinagtatalunan ay hindi naman nya ako nasasaktan ng pisikal.

Tingin ko yata ay bumakat ang mga daliri nya sa aking balat.Hanggang ngayon ay nananakit parin ang parting hinawakan nya.

Pagkatapos sabihin sa akin iyon ni Eddieson ay inutusan nyang ilayo muna ako ni Tom.Pinunta ako ni Tom sa hindi kalayuang upuan.

"E-lizabeth?..A-are you a-alright?"Tanong nya sa akin ng nakaupo na kami.

I just simply nodded.

Maya maya ay may tumayo sa aking harapan.Tinignan ko sya at nakita ko ang seryoso nyang tingin sa akin.Nakita ko rin ang dugo sa bandang kanan nyang labi.Siguro ay nasuntok din sya ni jayson sa mukha kaya pumutok ang kanyang kanang bahaging labi.

Inabot nya sa akin ang kanyang kanang kamay.Tinignan ko lamang ito.

"Halika na!Baka malate na naman tayo sa susunod na klase!"

"T-teka!Gamutin muna natin yang sugat mo!"Tumayo ako at hinatak ang kamay nya.

"S-san tayo pupunta?"

Huminto ako sa paglalakad at hinarap ko sya."Saan ba ginagamot ang sugatan?"Sarkastiko kong tanong sa kanya.Pinagtaasan ko rin sya ng kilay.

"Hospital?"

Bahagya akong natawa sa tanong nya.HOSPITAL?Para lang sa isang galos?hahaha!

"Oh anong tinatawatawa mo dyan?"kunot noo nyang tanong.

"Sa clinic lang tayo pupunta!Anong hospital hospital yang sinasabi mo?!"Natawa ulet ako habang sinasabi iyon sa kanya.

Unti unti syang ngumiti."Sana ay ganyan ka lang... "Nakangiti nyang sabi.Napahinto naman ako sa aking pagtawa.

"Anong ibig mong sabihin? "Hindi ko na inintay ang kanyang sagot.Hinawakan ko na agad ang kanyang kamay at hinatak papuntang clinic.

Pinapasok kami ng babaeng nagbabantay sa clinic ng aming skul.Ibinigay na lang din sa akin ng babae ang mga gagamitin sa maliit na sugat ni Eddieson.

"Ano pang inaantay mo riyan?! "Sarkastiko kong sabi sa kanya.Nakatayo lamang kasi sya sa aking gilid tinitignan ang pagaayos ko ng gamit.

"Ikaw ang maggagamot? "

"Lumapit ka na nga lang!Dagdagan ko pa yan eh! "Sigaw ko sa kanya.Agad naman syang umupo sa harapan ko.Sa kama...

"Eto na nga oh! "Pagtataray nya sa akin.

Kinuha ko na agad ang bulak at nilagyan ng alcohol.wala kayong pake kung alcohol ang gusto kong ilagay XD.Hinawakan ko ang baba nya para maging maayos ang pag papahid ko ng bulak.Sandali syang umalma sa paghawak ko ngunit natahimik rin naman sya.

Makikita mo ang mga natuyong dugo sa gilid ng kanyang labi.Naalala ko tuloy ang mga pangyayari kani kani lang.

"Who is that guy? "Seryoso nyang tanong.Ngayon ko lang napansin ang masyadong pagkakalapit ng aming mukha kaya naramdaman ko ang biglaang pagtayo ng mga balahibo ko sa aking batok ng naramdaman ko ang kanyang hiningang lumapat sa aking pisngi.Sandali akong huminto at napatingin sa kanyang mata.Nakatingin rin sya sa akin ng seryoso.Agad bumilis ang pintig ng aking puso.Naramdaman ko ng dahandahan ang mga butterfly ko sa aking tiyan na tila nagwawala.Ngayon ko lang ulet iyon naramdaman simula ng hindi na gaanong nagpaparamdam sa akin si jayson.

Itinuon ko agad ang aking paningin sa paggamot ng kanyang sugat nang napagtanto ko ang ilang segundo naming titigan.

"He's just my fvcking ex! "

Love again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon