Motorsiklo
"Good bye class! "Paalam ng huling guro na papasok sa aming klase..Tapos na ang lahat ng klase sa araw na ito.
"Eli! "Sigaw sa akin ni Princess habang tinatahak ang kaunti naming distansya.
"Huwag na muna tayo umuwi"
"Huh? Baket?Saan ka pa ba pupunta? "Tanong ko sa kanya.Itinuro nya si Tom sa bandang kanan nya.
"Ngayon tayo magplano sa mga ipeperform natin.Tayong lahat! "Mangitingiti nyang wika.Ano na naman bang naiisip nito?.
Dahan dahan na ring lumalapit sila Ella at Mae sa kinaroroonan namin.
"Sa bahay nyo? "Tanong ko kay Princess.She shook her head fast.
"Kanila Tom tayo! "Masiyang sabi ni Princess sa amin kasabay ang mabilis na pagpalakpak.
Sa bahay ni Tom? Haggang ngayon ay hindi pa rin ako nakakaputa sa bahay nila kahit na ilang beses ko na syang naging Classmate.Tumango tango lang ako sa kanya.Wala namang kaso sa akin kung anong oras akong umuwi eh! WAIT! Si ate pearl nga pala.Kaylangan kong magpaalam muna sa kanya.
"Teka!Let me inform ate pearl first about my time of going home... "I said while picking up my phone inside my bag.I dialed ate pearl's number and told her that I might not go back there in right time.
Lumabas kami ng skul pagkatapos noon.Tom has his montero car.Maayos itong nakapark sa gilid ng daan.
Binuksan ni Tom ang backseat at mabilis na nagsipasukan sila Mae at Ella kasama ang kani-kanilang partner.Nagsiksikan pa...
Matapos isara ni Tom ang pintuan binuksan naman nya ang pintuan sa front seat.
Napatingin ako sa gawi ni Princess.Ako ba dapat ang papasok? Napatingin din sya sa akin.
"A-ah Princess ikaw na lang dyan! "Bulalas ko nang makita ang unti unting pagbukas ng bibig ni Tom.Inunahan ko na sya bago pa man sya magsalitang muli.
"H-huh? "Tanong ni Princess sa akin habang kitang kita ang pamumula ng kanyang pisngi.
"You two are partners, right? "
Marahang tumango si Princess.
"P-paano ka? "Nauutal utal na tanong sa akin ni Tom.Umiling ako agad sa kanya.
"I'm oka---"Hindi ko na natuloy ang aking sasabihin ng lumihis ang tingin sa akin ni Tom at napunta sa aking likuran.Nang siguro'y nahanap na nya ang nasa likuran ko ay mabilis syang sumigaw."Eddieson! "Sigaw nito.
Napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang papalapit na si Eddieson patungo sa amin.
"Pwede bang sa iyo na lang sumabay si Elizabeth?"Mabilis na tanong ni Tom kay Eddieson.Nalipat ni Eddieson ang mga mata nya sa akin matapos marinig ang mga sinabi ni Tom.
"Baket?Saan kayo pupunta? "Tanong nito habang nakatingin parin sa akin ng diretso.
"Puno na kasi ang sasakyan ko.Maghahanda na kami sa performance namin sa P.E.Diba mag partner naman kayo? Sumama ka na lang din sa amin."
"Sige! Sundan mo ako Eli."Bulalas nya sa akin.Naglakad na sya palayo sa amin.
"Sige una na kami Eli! Atayin na lang namin kayo sa bahay."Wika ni Tom pagkatapos ay pumasok na sa kanyang sasakyan at marahang umalis sa harapan ko.
Sinundan ko si Eddieson na naglalakad patungo siguro sa kanyang sasakyan.
Nang huminto na kami ay namilog ang aking mga mata sa aking nakita.Mabilis na sumakay si Eddieson sa kanyang motorsiklo at binuhay ang makina nito.Pagkatapos nyang buhayin ang makina ay nilingon nya ako."Sumakay ka na! "
BINABASA MO ANG
Love again
RandomLove comes in a mysterious way. You can't be alone when he's already by your side...