Chapter 15

16 4 0
                                    

Bracelet

Tinupad ko ang sinabi ko kay Tom. Pumunta na agad ako sa kanila matapos kong makausap ang kapatid ko. Kahit papaano pala may pakinabang si George? Tss. Sigurado akong sakin yun nagmana. Hehe!

Sinalubong ako ni Tom pagkababa ko ng sasakyan ko. Yung kay papa muna ang ginamit ko dahil ang sarili kong kotse ay sa susunod na araw pa darating.

"Eli pasok ka! Nasa loob sila daddy pati na rin ang daddy ni Eddieson."Unang bungad n'ya sa akin.

Kinabahan ako nang malaman kong pati ang daddy ni Eddieson ay nandito. Mukhang alalang alala na talaga sila sa pagkakawala ni Eddieson. Asan ba kase nagsusuot yung unggoy na yun? At kung tama nga ang hinala ko sa sinabi ng kapatid ko, bakit nasa kanila si Eddieson? At kung mga kilala naman n'ya iyon bakit hinndi manlang s'ya nagpaalam? Haaayy! Andami ng tanong sa utak ko! Lagot talaga sakin yun pagnakita ko na s'ya! Hindi pa s'ya namamansin tas mawawala na pala! Tss.

"Eli? Are you okay? "Tanong sa akin ni Tom. Masyado na pala akong nagiisip. Tsk!

"O-oo naman! "Nginitian ko s'ya bago tuluyang humarap sa mga magulang nila.

Lahat sila ay nginitian ako kaya't nginitian ko rin sila.

"So you are Elizabeth, right? "Sambit sa akin ng lalaking mukhang nasa mid30's na.

"Yes po! " I response.

"As far as I know, you are one of my son's friends here. So do have any idea where the exact location of my son are? " Seriously but gently he said. By his words I've found out that he was the father of my dear friend Eddieson David.

I slowly shook my head for a quick response. " I don't where he is sir, I'm sorry... "

"Oh! Don't be sorry Elizabeth... It's okay! " He quickly said.

"Eli... " Singit ni Tom sa amin. Lahat kami ay ibinigay ang atensyon kay Tom. "Can I talk to Eli muna Tito Mike? "Pagpapatuloy n'ya kasabay ang paglipat ng tingin sa kaninang lalaking kausap ko.

Tumango si Tito Fred sa kanya. Hehe makiki-Tito na rin ako...

Lumayo kami at nagtungo sa garden nila bago kami magusap ni Tom.

"How's school? " Nakangiting wika n'ya sa akin.

"Still the same? " Wala sa sarili kong sagot sa tanong n'ya.

"Why 'Still the same? '' Nakangiti n'ya pa ring wika sa akin. Hindi ko napigilan ang tawa ko pagkatapos n'yang gayahin ang sinabi ko. Pati kasi kung paano ko sinabi yun kanina ay ganun din ang ginawa n'ya. Ang cute!

"Why are you laughing? " Natatawa n'ya ring wika sa akin.

"Amm... By the way Tom, Ano na ang plano n'yo? " Pagbabago ko ng usapan.

Muli sa natatawang mukha ay nagtungo sa pagiging seryoso, pagod at panghihina ang kanyang mga mata. " Ah ganon parin. Wala paring lead kung asan na talaga si David." Mahinahon n'yang wika sa akin.

Sa kabila ng sandaling pananahimik sa hindi kadahilanan ay nagtungo ang aking paningin sa labas ng bahay nila.

Sa tinatagal ng aking titig ay ikinagulat ko ang biglaang paglabas ng isang kamay sa gilid ng gate. Ikinunot ko ang aking noo sa pagtataka kung tama nga ba ang aking nakikita. Bakit may kamay doon? May tao kaya doon? Napansin ko ang kaonting mga dugo sa kamay na iyon at... at isang pamilyar na bracelet na suot niya...

" May problema ba Eli? " Nagtatakang tanong sa akin ni Tom. Nilingon ko s'ya ng saglit at mabilis na ibinalik ang tingin sa kamay na nakita ko sa tabi ng gate.

Love again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon