New one
"Ah" Utos ko kay Eddieson. Hindi pa n'ya masyadong naigagalaw ang kanyang mga braso kaya nagprisinta na akong ako na lamang ang tumulong sa pagpapakain kay Eddieson habang wala na ang parents n'ya.
"Kaya ko naman e!" Pagiinarte na naman n'ya. Kanina pa to e! Pabebe masyado!
"Suntok o kain?" Mataray kong sabi sa kanya. Agad naman n'yang isinubo ang pagkain na nasa ibabaw ng kutsarang kanina ko pa hawak hawak. Tss. Dami pang arte kakain din pala.
"Ikaw ah!"
"Baket?"
"Inaabuso mo na ata ang kalagayan kong matsing ka!" Nagtataray n'yang sabi. Itinaas pa n'ya ang kanyang mga kilay habang nginunguya pa rin ang kanyang kinain.
"Hay! Don't talk when your mouth is full David!" Parang bata! Unggoy na nagkatawang tao na may pagka-isip bata. Tss!
"Tss!"Ganti n'ya sa akin. "Pag ako talaga gumaling Courtney ah!Lagot ka sa aking matsing ka!" Dagdag n'ya pa. Hala s'ya! Nabaliw na.
"Hey! Don't call me by my second name! You are not allowed to do that unggoy!" You're not ate Pearl!Tss!
"Aba! Bakit? Sinong nagsabi sayo'ng pwede mo rin akong tawaging David? Ha matsing sino? At ipaparanas ko ang nalalasap ko ngayon dito." Mayabang n'yang wika. Hay! Arte? Atsaka kaya ba n'ya? Baka pag sinabi ko kung sino magpatulong pa s'ya sa aking bugbugin yun. Tsk! Yabang!
"Ano bang masama sa pag tawag ko sa'yo nun?" Pinanliitan ko s'ya ng mata habang nilalapit ng kaunti ang aking mukha. "Ha David? Maganda naman ah!" Pangaasar ko sa kanya. Bahagya kong nakita ang marahang pag atras ng kanyang mukha at pamumula n'ya ng kaunti. Eh? Anyare? Nabulunan ba 'to?
"Hoy! Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya nang hindi pa rin nagbabago ang kanyang hitsura at hindi pag imik sa akin.
Nagiwas s'ya ng kanyang tingin. "A alam ko na! David na lang tatawag ko sa'yo simula ngayon. Tandaan mo yan David ah!" Nakangiti kong wika sa kanya. Maganda naman talaga ang David kesa sa Eddieson diba? Sasanayin ko na ang sarili ko ngayon.
"Aaaaarggggg!"Napabalikwas ako nang bigla na lamang s'yang sumigaw kasabay pa ang kanyang mabilis na pag gulo ng sariling buhok. Baliw? O baka...
Mabilis ko s'yang nilapitan pa lalo at pareho kong hinawakan ang kanyang dalawang braso.
"Huy! Ba't ka sumisigaw? Ano? May masakit ba sa'yo? Ha David? Saan? Ituro mo bilis!" Sunod sunod kong wika sa kanya. Ano ba kasing sinisigaw sigaw n'ya? Nagaalala ako! Mamaya baka may ano na sa kanya di ko pa alam tapos ako pa sisihin nila Tom.
Napahinto ako sa paghahanap ng parte ng katawan kung saan mukhang masakit nang biglang humagalpak sa pagtawa si Eddieson este David.
"HAHAHAHAHA!" Hagalpak n'yang tawa. "HAHAH---Aray!" Inda n'ya agad sa aking pamamatok. Yan! Buti nga sa'yo!
"Pinagti-tripan mo ako!" Sigaw ko sa kanya. Napa nguso na rin ako sa pagkaka alala ng nangyari. Nagpipigil ng isang ngiti. Ang OA ko pa naman kanina. Kaasar! Nakakahiya! Hindi naman siguro masyadong halata na nagaalala ako no?!
Marahan n'yang ti-nap ang ulo ko matapos n'ya akong pagtawanan. "Nagaalala si unggoy ko. Yiiiiie sweet naman!" Nangingiti n'yang sabi sa akin.
"Sapak gusto mo?" Mataray ko namang ganti sa kanya.
Ilang minuto ang nakalipas at tapos na rin s'yang kumain. "Hindi ka pumasok?" Tanong n'ya sa akin. Inilipat ko ang aking paningin sa kaninang galing sa panonood sa tv dito sa kanyang kwarto sa ospital. Sosyal talaga no?
"Obvious ba David?" Pagtataray ko sa kanya.
"Tss. Dapat ay pumasok ka na lang. Kaya ko naman mag isa" Seryoso n'yang wika. Sasagot pa sana ako nang bigla na lamang bumukas ang pintuan ng kwarto ni David. Iniluwa nito sila Ella, Princess, Mae at si Tom. Sinalubong nila kami ng may malalaking ngiti sa mga labi kaya ay ganon din ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Love again
RandomLove comes in a mysterious way. You can't be alone when he's already by your side...