Chapter 1
Sharlene's POV
"Bebeeee!" sigaw ni Alexa sa kanya, isa ito sa mga closest friends niya.
Alexa Ilacad is the kikay type of girl, she's pretty, bubbly and she loves pink too. They are actually the exact opposite kaya nagtataka pa din siya paano sila naging magkaibigang dalawa. Madalas itong nasasabihang maarte ng mga schoolmates nila, at kahit totoong maarte ito hindi naman dun natatapos ang traits nito. Mabait din naman kasi ito, lalo na sa kanilang magkakaibigan.
"Ang loud mo Alex! Don't shout!" singit naman ni Mika.
Mika Dela Cruz is the preetiest of all & the most talented too. She's the campus beauty queen and the leader of the cheering squad. Every boy in the campus ay siya yata ang sinasamba. Mabait din ito kahit medyo mainitin ang ulo.
"Oo nga naman, sobrang ganda ba ng news mo at sumigaw ka?" Sabi naman ni Pia.
Sophia is the most intelligent naman, full scholar ito ng school nila at ito lang ang hindi maganda ang tayo economically speaking. She has a golden heart though, noong una ay ilap ito sa mga tao sa campus until naging kaibigan nila ito. Isa si Pia sa pinaka positive na tao na nakilala niya, kahit mahirap ito kahit kailan ay di ito nagreklamo.
Napailing siya sa mga tinuran ng mga kaibigan, to think first day palang nila.
And she's Sharlene, sporty girl who loves music. Apat silang magkakaibigan at magkakaiba sila ng traits, madami na nga ding nagtataka kung bakit sila nagkakasundo, and sincerely speaking... kahit siya ay di niya alam. She just knows that she loves them... to the core!
"Ano ba kasi ang sasabihin mo huh?" tanong na din niya, super excited kasi nito kaya na curious na siya sa ibabalita nito
"Hoy kayong tatlo! Kumokontrabida na naman kayo! Excited lang talaga ako noh!" anito with matching 'tampo' face kaya naman natawa sila. May pagka moody nga din pala ang babaeng ito.
"Spill it out Alex!" ani Mika
"Wait lang!Dun tayo sa field para mas masaya kwentuhan" sabi ni Alexa kaya naman pumunta silang lahat sa field. Nag indian sit ang tatlong kaibigan niya samantalang siya ay humiga sa damuhan.
She looked at the sky. Here they are again, 4th year highschool na sila and yet parang wala pa ring nagbago sa samahan nilang apat. Ito pa din sila, first day at nagtsi-tsismisan. She smiled bago nagulat nang nagsalita si Alexa.
"May mga newcomers this year!" excited na sabi nito, umupo na din siya katulad ng mga ito. Super excited ng kaibigan niya, she should listen.
"So?" Sabay na sabi ni Mika at Pia.
"So? Anong so? Pakinggan niyo muna ako. Mga gwapo ang newcomers, mga pang boyfriend material!" Anito na tili kinikilig
"I'm only turning 16! Wala pa sa isip ko iyan" Sabi ni Pia kay Alexa.
Napailing na lang siya, minsan talaga itong si Alexa parang hindi na brokenhearted sa inaasal. But that's something she adore about her friend, napaka positive nito
"Wag kang magsalita ng tapos Pia, you're beautiful. Paano kung manligaw sa iyo ang isa sa mga newcomers at magustuhan mo din siya? Wag kang magsalita ng tapos Pia dear" nakangising sabi ni Alexa na tila nang-aasar.
Napangiti na lang kami ni Mika, sa kanilang apat si Pia at Alexa talaga ang hindi mo aakalain ang magkakasundo.
"Again Alex, spill it out. Ano nasabak mo sa kanila? Knowing you pati kulay ng kaluluwa nila alam mo na. Tama?" natatawang sabi ni Mika