CHAPTER 6

6.4K 76 8
                                    

Chapter 6

Sharlene's POV

"Bwisit! Bwisit na Jairus Aquino na 'yun! How dare him? Ang yabang yabang niya! Nakakabwisit siya! Bwisit! Argh!" inis na aniya sabay hampas sa teddy bear niya. Naawa na siya dito. Kanina pa kasi niya ito mina-massacre dahil sa inis niya kay Jairus.

"That's your favorite teddy bear. Anong nangyari sa'yo?" biglang tanong ng kuya niya na ikinagulat niya. Kanina pa kaya ito sa may pintuan ng kwarto niya?

"Kuyaa! Bakit ba bigla bigla ka na lang sumusulpot?"

"Padabog kang pumasok sa kwarto mo kanina, tapos sigaw ka ng sigaw ng bwisit kaya pinuntahan na kita, si Francis na naman ba?" tila nagaalalang tanong nito.

"Hindi, Oo. Ewan! Silang dalawa ng damuhong mayabang na feelingerong Jairus na yon!" sabi niya sabay sakal ulit sa teddy bear niya. Naiinis pa din kasi siya. Bahagyang natawa ang kapatid niya na ikipinagtaka niya.

"Wow! Damuho, mayabang at feelingero pa. Triple kill! Anong nangyari? Care to tell kuya?" tanong nito kaya napagpasyahan niyang ikwento sa kapatid ang kayabangan ng Jairus na yun "... tapos imagine Kuya? Sinabi pa niya na hindi niya ako type? Like hello? Crush ko siya oo pero hindi ko din siya type!"

Natawa na naman ito kaya mas kumunot ang noo niya. Bakit ba natutuwa ang mga tao pag naiinis siya?

"Crush mo pero di mo type? Ano ba talaga kinaiinis mo? Yung inakala niyang may gusto ka sa kanya o yung sinabi niyang hindi ka niya type?"

"Hindi naman ganun yun eh! Ang yabang yabang niya tapos napaka feelingero pa palibhasa ang galing sa basketball tapos gwapo pa!"

"Baby girl wag kang magagalit huh? Pero diba crush mo naman talaga si Jairus Aquino? Tsaka kahit naiinis ka sa kanya pinupuri mo pa din siya. He's right. You like him" ani pa nito. Hinampas niya ito sa braso

"Kanino ka ba kampi kuya huh?"

"I'm just stating a fact baby girl" kibit balikat na sagot nito

"Eh di hindi ko na crush! Super yabang! Akala mo kung sino! Bwisit" nang gigigil pa na sabi niya.

Matitiris ko talaga ng buhay yung mayabang na yun

"Kalma ka nga lang baby girl" nakangiting sabi nito habang ginugulo ang buhok niya.

"Kuya stop it. I'm 16! Next year college na ako pero baby girl pa din tawag mo sa akin"

"Silly. You will always be my baby girl" anito at hinalikan ang buhok niya sabay labas ng kwarto niya. Napailing na lang siya. Forever baby girl nga siguro siya.

Mayamaya ay tinawagan na niya si Mika. Sinabi pa niyang emergency para pumunta agad ito dito a bahay nila. She needs to talk to her about Jairus.

"Really? Akala ko emergency? Bakit ka nagdro-drawing dyan?" reklamo nito nang makita siyang drino-drawing-an ang mukha ni Jairus ng sungay. Halimaw kasi.

"Emergency naman talaga! I need someone to talk with. Ito kasing halimaw na ito!" sabi pa niya at nilagyan naman ng pangil ang picture ni Jairus. Ayan! Mukha ka nang demonyo!

"You should calm down Sharlene. Ano ba ang ginagawa mo dyan sa picture ni Jairus? Ano bang nangyayari sa'yo?" tanong nito.

Kwinento naman niya lahat ng nangyari sa kanya kanina. Simula dun sa damuhong Jairus at sa sobrang kulit na si Francis.

Defying Destiny (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon