CHAPTER 10

6K 80 10
                                    

Chapter 10

Sharlene's POV

"Maaga pa. Care to walk a bit?"

Napatingin siya dito at um-oo. Maybe she really needs a walk.

"Sharlene what's bothering you? You're sad." anito kaya napatigil siya sa paglalakad

"Ok lang ako Jairus" sagot niya dito. Alam niyang kanina pa nito napapansin na hindi siya ok kaya siguro niyaya siya nitong maglakad. Pero hindi naman sila close at mas lalong hindi niya pwedeng sabihin na malungkot siya dahil nagseselos siya sa girlfriend nito na super close sa ex niya. Napabuntong hininga ito at masayang hinarap siya

"Alam mo may 5 secret ways to happiness, gusto mo malaman?" biglang sabi nito.

"Wala pa nga yung joke mo ang corny na" sabi niya dito. He pouted kaya naman bahagya siyang natawa.
"Lagi ka bang nangba-bara ng joke?" tanong nito pero mas natawa lang siya dahil ang cute nitong tingnan. Nilagay kasi nito ang dalawang kamay sa bewang nito na tila isang bata naiinis dahil inagawan ng candy.

"Ang cute mo grabe!" aniya at tumawa pa ng tumawa. Sumasakit na ang panga niya, she never imagined the famous Jairus Aquino to look like this infront of her.

"Naks! Nagwa-gwapuhan ka na nga sa akin, nacu-cute-an pa. Ibang level na yan Sharlene" at ito naman ang ngumisi. Napailing na lang siya

"Ang yabang mo talaga grabe" sagot niya dito pero kinindatan lang siya nito

"At least you're finally laughing"

"Ewan ko sa'yo!" sabi nalang niya at bahagyang hinampas niya ang braso nito. Hindi niya talaga akalain na may lahing mayabang na clown pala si Jairus.

"May sakit ka ba?" biglang tanong nito kaya napangiti siya. Pumi-pickup lines naman ito ngayon.

"Hindi nakakatawa yang pick up line na yan. Wag kang corny Jai, ipapagkakalat ko na waley ka sige ka" sabi niya dito pero natatawang umiling ito.

"Wow! Hindi pickup line yun!" sabi nito tapos tumawa pa ng tumawa kaya napakunot ang noo niya "Papatanggal ko sana yang suot mong sunnies kasi wala namang sun, baka isipin nila may sore eyes ka" dagdag pa nito habang tumatawa.

"Mamaya ko na tatanggalin, bago pumasok sa classroom" sagot niya dito, ayaw niyang mapansin nito ang pugto niyang mata

"So may sore eyes ka nga? Bili kita eye-mo gusto mo?"

"Wala nga akong sore eyes" ulit niya dito

"Weh?" sagot nito pero nag make face pa kaya natawa ulit siya sa itsura nito. Sinasadya ba nitong patayin siy sa kakatawa?

"Ang kulit neto! Wala akong sore eyes. Ayan oh! Wala" sabi niya dito sabay tanggal nang sunglasses niya. Pero imbes na tumawa sa itsura niya... dahil nakakatawa naman talaga ang itsura niya, ay sumeryoso ito bigla. Nawala ang ngiti nito sa mukha na kanina pa nagpapatawa sa kanya

"Pugto ang mga mata mo. You cried" anito

"Obvious ba? Sabi sayo eh wala akong sore eyes!" she said playfully, ayaw niyang ganito sila kaseryoso pero parang di nito narinig ang nasabi niya

"Sinong nagpaiyak sa'yo?" tanong pa ulit nito.

Napalunok siya bago ibinalik ang salamin sa mata, hindi niya kinaya ang mga titig nito sa kanya. Naramdaman din niyang lumakas ang tibok ng puso niya. Anong nangyayari sa'yo Sharlene?

Defying Destiny (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon