CHAPTER 20

5.8K 79 13
                                    

Chapter 20

JAILENE

Sharlene's POV

"Problema? Ako. Ako ang problema dito... dahil nagseselos ako. Gusto ko ako ang pinapansin mo at hindi si Nash"

Nagulat siya sa sinabi nito. Hindi rin siya makagalaw dahil hawak nito ang balikat niya.

So it's true? Tama nga ang hinala ng lahat... may gusto sa kanya si Jairus?

"Are you serious?" yun lang ang lumabas sa mga labi niya.

"Oo. Seryoso ako. Gusto ko ikaw lang ang kasama ko, yet you're barely talking to me. Nakakainis" anito pero nakayuko ang ulo.

"Seryoso ka nga talaga?" ulit pa niya, hindi talaga siya makapaniwala sa sinasabi nito.

Tila namanangha naman itong tumingin sa kanya.

Ano yun? Kanina naiinis tapos ngayon ganito? tanong niya sa sarili.

"Hindi ba kapanipaniwala na gusto kita?" sabi nito at napanganga siya.

May gusto ito sa kanya? Paano?

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Halika na nga. Balikan na natin sila Alex dun" iwas naman niya at nagsimula nang maglakad. Ayaw niyang mapansin nito na apektado siya sa inamin nito. Anong malay niya, baka nga pinagtritripan lang siya nito.

Tama! Pinagtritripan lang ako nitong lalaking ito!

"Hindi na tayo babalik doon, we are going elsewhere" sabi naman nito at hinila ang kamay niya. Wala na siyang nagawa kundi ang sundan ito. Ano nga ba magagawa niya? Eh hawak nito ang mga kamay niya?

Jairus' POV

Hindi mapawi ang ngiti sa labi niya habang hawak hawak ang kamay ni Sharlene. Kanina ay naiinis siya dahil sa selos na nararamdaman pero nawala naman agad ito nang sundan siya ni Sharlene. She's still blushing right now, pulang pula pa din ng mukha nito dahil sa inamin niya dito.

He looked at their hands. Hindi siya makapaniwala na inamin na niya sa sarili at dito ang tunay na nararamdaman niya. He still feels guilt dahil alam niyang may mali sa ginagawa niya pero ano ba ang magagawa niya kung napapasaya siya ng ganitong sitwasyon?

"Saan ba tayo pupunta? Bakit bigla-bigla ka na lang nanghihila?" tanong nito "Tsaka baka hinahanap na ako nila Nash" dagdag pa nito

"I'll text Alex later. Mag de-date tayo. Our first date" sabi niya dito habang nakatingin sa mga mata nito.

They'll enjoy this day. He can feel it.

"Saan mo gustong kumain? Kumain muna tayo" tanong niya dito pero halata namang ilang pa ito sa kanya "Hey, ok ka lang ba?" untag niya dito

"Ok? Mukha ba akong OK? Pinagtritripan mo ba ako Jairus? Ano ba balak mo?" seryosong hinarap siya nito.

"Ano bang part ng GUSTO KITA ang hindi mo maintidihan?" sagot niya at nakipagtagisan ng tingin dito. Una itong umiwas ng tingin at inirapan pa siya. Bahagya siyang natawa. Cute!

"Ewan ko sa'yo. Jolibee. Sa Jolibee ko gustong kumain" sabi pa nito kaya sumunod na siya dito.

NASHLEXA

Alexa's POV

Kanina pa siya hindi mapakali. Bakit naman kasi kailangan pa siyang iwan ni Sharlene kasama ang promding ito?

Napalunok siya ng tiningnan niya ito. Nagpafacial muna si Nash tapos ngayon ay gugupitan na ito. She can't help but be amazed on how he looks right now, ibang iba naman kasi talaga ang itsura nito kahapon nung may braces pa ito at napaka oily pa ng mukha.

Gwapo na siya.

Napailing agad siya. Hindi niya dapat iniisip ito. He's just someone who needs to be repaired. At siya lang naman talaga ang makakatulong dito.

Nagulat siya at nag-iwas ng tingin nang bigla siya nitong tingnan. Their eyes met at naging abnormal na naman ang tibok ng puso niya. Ugh!

When she looked at him again she saw a smirk on his face na tila inaasar siya dahil nahuli siya nitong nakatitig dito. Yabang! Nakakainis! sabi niya sa sarili.

Bago matapos gupitan si Nash ay nag text sa kanya si Jairus, hindi na daw ito at si Sharlene babalik sa kanila. Napabuntong hininga siya. Buong maghapon niyang kasama ang lalaking ito? Paano?

"Tapos na!" Napaangat siya ng ulo nang marinig ang boses ni Nash. Saglit siyang napatitig dito. She can't believe na ang lalaking inaasar niya nung mga nakaraang araw at ang lalaking kaharap niya ngayon ay iisa lamang.

"Is it ok?" untag nito at tumango lang siya. Ewan ba niya, sa sobrang daldal niya hindi niya mawari bakit hanggang tango lang ang naisagot niya dito.

"Hindi ka na maingay... You're hungry. Halika na, kain na tayo" nakangiting sabi nito. She can't help but smile back. He's concern. Lalo pa siyang nagulat ng hablutin nito ang kamay niya.

Gusto niya ulit umiling. Bakit ba hindi makisama ang puso niya? Bakit napaka abnormal na naman ng tibok nito?

"Kaya kong maglakad mag-isa" sabi niya sabay hila ng kamay mula dito. Umuna na din siyang maglakad para makaiwas ng kaunti dito.

"Sungit mo talaga!"

"Ewan ko sa'yo!"

Sa Shakeys niya napagdesisyonang kumain. Wala lang, trip lang niya mag pizza today. At dahil medyo wala siya sa mood at naasar siya kay Nash ay umorder siya ng pagkadami dami para madami ang bayaran nito.

"Ang dami naman niya. Did you order for me too?" anito

"Hindi... akin lang lahat ng ito" sagot niya dito

"Mauubos mo ba yan?" tanong ulit nito

"Hindi din. Pero gusto kong orderin lahat, pag hindi ko naubos eh di ipapa take-out ko tapos ibibigay ko sa street children dyan sa labas. May reklamo?" pagsusungit niya dito pero di na ito nagsalita kaya tiningnan niya ito. She stopped for a while dahil napansin niyang nakatitig lang ito sa kanya.

"Ano?" basag niya sa katahimikan pero ngumiti lang ito at pinisil ang ilong niya.

"Mabait ka naman pala eh. Order ka pa" sabi lang nito kaya napanganga siya. What did he just do?

-edited-

Defying Destiny (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon