CHAPTER 16

5.9K 84 5
                                    

Chapter 16

JAILENE

Sharlene's POV

"Goodmorning!" sigaw ni Alexa sa kanilang magkakaibigan kaya kahit antok na antok pa ay nagising na sila sa paraan ng pagsigaw nito

"Alexa naman eh... ang aga aga sumisigaw ka" sabi niya at naghikab pa. She's really sleepy. Paano naman kaso kagabi wala na siyang inisip kundi ang sinabi ni Nash at Francis sa kanya. Jairus. Tss.

"Of course. Alam niyo na ba bakit parang flowershop itong school natin?" tanong nito at napalingon silang lahat. Kanina pa nga siya nagtataka bakit madaming lalaki at babae na may hawak ng bulaklak. Early Valentines?

"Hindi. Malalaman pa lang namin dahil sasabihin mo pa lang right?" sabi ni Mika

"Really? Paano ko ba kayo naging kaibigan? No one checked twitter?" sabi nito at sabay sabay silang umiling. Hindi naman kasi sila katulad ni Alexa na updated lagi sa social media

"Ghad! 958 tweets ang hashtag alwaysfriends sa twitter kasi si Ella nagpost ng picture nila ni Jairus na may #alwaysfriends. Someone asked her kung break na ba sila and she said... open quote "Yes. But we are still good friends" end quote. Ang showbiz talaga ni Ella. But still break na sila!" sabi nito at napanganga siya. Bakit nagbreak ang mga ito? Nagkaproblema ba? Kaya ba mainit ang ulo ni Jairus kahapon?

Oo. Yun nga ang dahilan Sharlene. Hindi ikaw. Wag assumera.

"Bakit daw?" tanong niya at nginisian siya nito na tila nangaasar

"Uyy... interesado siya" sabi pa nito at tumawa lang si Pia at Mika kaya napailing na lang siya. "Beh hindi naman importante bakit sila nag break hindi ba? Ang importante wala na sila. May pag-asa ka na" sabi nito kaya tinaasan niya ito ng kilay

"Excuse me?"

"Kunwari ka pa beh! Crush mo si Jairus at kung ganyan kang ka slow mauunahan ka na. Ang dami nang babae ang bumili ng kung ano-ano para sa crush mo" sabi pa nito

"Actually hindi pa late. Pwede pa tayong bumili ng gusto mong ibigay kay Jairus" dagdag pa ni Mika. Inaasar din siya nito kaya napatingin siya kay Pia. She wants to ask help from her pero nakangisi na din ito

"You can buy chocolates" sabi nito

"Ewan ko sa inyo! Sa kanila na ang Jairus na iyon. As if naman manliligaw ako" sabi niya sabay walk out sa mga kaibigan. Tama ba namang asarin siya ng mga ito? At manliligaw? Siya? No way!

Jairus' POV

He promised Ella na hindi siya magiging suplado ngayong araw na ito kaya kanina pa siya napipilitang ngumiti sa mga babaeng nagbibigay sa kanya ng kung ano ano. Flowers, chocolates, love letters... name it! Halos lahat na yata ay natanggap na niya. He knew this wasn't a good idea. Bakit kasi kailangan pang i broadcast ni Ella sa twitter na wala na sila? Yan tuloy ang daming babae ang lumalapit sa kanya.

Nang makapasok sa classroom ay nagulat siya. Ang daming bulaklak sa gilid ng room nila. Kung hindi Ella ang nakalagay ay pangalan niya ang nakikita niya. Are they serious?

Uupo na sana siya sa upuan niya nang makita niyang nakaupo na si Francis doon. Nice... pati upuan wala ako.

"Jairus i hope you don't mind. Palit na lang tayo... tabi kayo ni Sharlene" anito at nakangisi sa kanya. Feeling close?

"No" sagot niya. Ayaw niyang makatabi ang Sharlene na iyon

"Jai..." singit ni Ella kaya napabuga na lang siya ng hangin. Makaka hindi ba naman siya kay Ella? Kaya pumunta na siya sa upuan ni Francis. Buti na lang at konti pa lang ang tao at walang bumubulabog sa kanya dito sa classroom.

Defying Destiny (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon