Chapter 5
Jairus' POV
Thank God it's friday! Hay. He's tired, hindi niya akalain na nakakapagod pala maging new comer... they need to adjust every routines. He just finished his basketball tryouts at naiinis siya sa sarili dahil ang pangit ng laro niya. Kung normal player lang siya siguro hindi siya matatanggap... but he's the MVP for the past years sa UAAP kaya natanggap siya. Kasalanan ni Ella ito eh. Naisip niya, siya kasi ang lucky charm nito pero hindi siya nito sinamahan dahil may mga kaibigan daw itong bago.
Lumabas siya ng gym ng wala sa mood at inis na inis nang biglang may bumunggo sa kanya
What the...!
"F*ck! Hindi ba pwedeng tumingin ka sa dinadaanan mo?" medyo pasigaw na sabi niya.
Napahawak siya sa ulo niya. Hindi naman talaga masama ang ugali niya. Naiinis lang talaga siya at sumasakit na din ang ulo niya tapos binangga pa siya. It's just not his day.
"Nabunggo lang kita Mister, walang nangyari sa'yo, ni hindi nga nawasak yang bunggo mo! Kaya pwede wag mo ako sigawan!" sigaw din sa kanya ng bumunggo sa kanya
Nang tingnan niya ito ay nagulat siya ng makita si Sharlene. Ito pala ang nakabunggo sa kanya, the only girl who caught his attention the first day of school. Napailing siya sa paraan ng pagsigaw nito. Ito na nga ang nakabunggo, ito pa ang galit. Is it even normal?
"Ikaw na nga naka-bunggo ikaw pa nagagalit! You should have at least ask me sorry" medyo sarkastikong aniya
"Mag-sosorry naman dapat ako eh, kaso sinigawan mo agad ako. Excuse me Mister Aquino, hindi porket gwapo ka at star player ng basketball ay mag-uugaling Hari ka na! Wala ka na sa LuvU FYI, nasa Malaya ka na" nakataas ang kilay na sabi nito
Pero imbes na mainis at nagliwanag ang mukha niya. He even smiled because of what she said. She thinks i'm gwapo.
"Anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan huh?" naiinis na sambit nito
Mas lalo lumawak ang ngiti niya sa tinuran nito. How can a girl be so cute habang naiinis ito? Si Ella nakakatakot pag naiinis pero itong si Sharlene? She's so cute he just want to hug her.
Hug her what? Jairus stop it! Hindi ba badmood ka? Napatigil siya saglit sa sinabi ng munting boses sa utak niya pero agad naman siyang napangiti ulit ng makitang namumula na si Sharlene sa inis. Sa sobrang puti nito at nagkukulay kamatis na ito sa inis and he really finds it cute.
"Ganito ka ba talaga magpapansin?" aniya. Alam niyang mali pero gusto pa niya itong asarin.
"What the..." nanlaki ang mga mata nito sa narinig galing sa kanya
"Hey. Stop. Sanay na ako sa mga nagpapapansin ok? Pero sorry taken na ako. At di ko type ang mga katulad mo" natatawang sabi niya sabay alis.
That was... well mean? Pero natutuwa kasi talaga siya sa pagkainis nito kaya tinuloy tuloy na niya kahit kailangan pa niyang magsinungaling. She's his type actually... simple but very gorgeous. Naka ponytail lang ito at walang bahid na kolorete sa mukha pero angat na angat ang ganda nito. Cute face, tantalizing eyes, tiny nose... and those lips. Ugh. Those were kissable. Napailing siya sa naisip.
Thank you Sharlene. You made my day brighter.
Sharlene's POV
"Nakakainis, nakakainis, nakakinis" paulit-ulit na sabi niya. Napatingin siya sa bimpo niya na mapupunit na yata dahil ito ang napagbubuntungan niya ng nararamdaman. Lecheng Jairus Aquino yun ah! At hinapas na niya ang bimpo sa sahig. Ang yabang yabang pala ng Jairus na iyon. Ang kapal ng mukha para sabihin na nagpapapansin siya dito. Hello? Ang feelingero niya! Damuhong 'yon! Kapal!