CHAPTER 3

6.6K 87 19
                                    

Chapter 3

Jairus' POV

"Goodmorning Class!" bati ng teacher na pumasok. Tumayo silang lahat at binati din ito.

"Goodmorning Ma'am"

"I'm Ma'am Rosales, ang inyong Filipino teacher at class adviser.  Kung mapapansin niyo, all transferees ay nandito sa klase na ito, napagdesisyonan ng HS Department na mas makakabuti kung sa iisang klase na lang ang mga new comers, para isang section lang ang mag cope sa changes. So sa lahat ng mga new comers please stand up and introduce yourselves" sabi ni Ma'am kaya tumayo na sila.

"Eh Ma'am! Ako din po?" nakangising tanong ni Francis. Napataas ang kilay niya sa turan nito

"Bakit Mr. Magundayao? Kailangan ka pa ba namin makilala?" balik tanong ng adviser dito. Natawa ang ibang kaklase nila. He's really famous huh?

"Sabi ko nga Ma'am" sabi nito sabay upo.

Unang nagpakilala si Ella dahil ito lang ang nag-iisang babae. She was smiling the whole time kaya napansin niyang most of the boys ay nakatingin dito. Napangiti siya, he's lucky to have her.

Alexa's POV

We're so lucky! Like OMG!

Sabi niya sa isip pagkatapos marining ang sinabi ng adviser nila. Lahat ng tranferee ay magiging kaklase niya!

Pero mas masaya siya na kaklase nila si Jairus dahil alam niyang ang presensya nito ang makakatulong sa kaibigan niya para wag masyadong mapansin ang magaling niyang pinsan. Nagui-guilty pa din siya hanggang ngayon, siya ang may kasalanan kung bakit nasaktan si Sharlene, kung hindi dahil sa kanya ay di nito magiging close ang pinsan niyang hinayupak. She sighed. Sana talaga maka move on na si Shar.

Unang nagpakilala si Ella, she's really pretty at laging nakangiti. She's hoping to be her friend soon.

"Aguas?" sabi ni Ma'am. Alphabetical order yata for boys ang pagpapakilala.

Agad niyang nilingon ang bagong kaklase, she's really curious about this guy dahil wala itong kahit anong social media account. Kaso napangiwi lang siya, laking gulat sa nakita niya. Nerd glasses + braces + Jose Rizal hair na parang dinilaan ng kalabaw. Saang lupalop ba ng mundo ba galing ito?

"OMG Mika. Look at him, grabe ang pangit niya! And what's on his hair? Pamada? Uso pa ba iyon?" sabi niya kay Mika na katabi lang niya.

"Alex ano ka ba? That's mean!" anito, narinig yata nung nerdy guy ang nasabi niya. But who cares? 21st century na, may ganito pa din bang lalaki sa mundo?

She saw Mika mouthed 'i'm sorry' to the guy, nag kibit balikat na lang siya. Bahala na.

"Hello everyone, i'm Nash Zackery Aeign Aguas. You can call me Nash. Galing po ako ng Cavite." anito

"Yun lang Mr. Aguas?" Tanong ni Ma'am Rosales.

Tumango ito at umupo na. Pangit. Baduy. Weird.

Ugh. Sakit sa eyes.

Sharlene's POV

Nang dumating si Ma'am Rosales ay pinilit niya ang sarili na wag nang tingnan si Francis, isang taon itong nawala sa Malaya pero parang wala pa ding pagbabago, sikat pa din ito at ang lakas ng presensya nito.

Isa-isang nagpakilala ang mga new comers. Una si Ella, Nash and then it's Jairus turn...

Napatingin siya dito, hindi niya napagmasdan ito ng mabuti kanina dahil biglang dumating si Francis kaya naman tiningnan niya ng mabuti ito ngayon. He's really handsome, maganda ang hugis ng mukha nito hindi mapanga, tamang tama lang ang ilong nito, he never smiles but napansin niyang mapuputi at pantay pantay ang ngipin nito, not to talk about his lips, mapupula ito kaya sigurado siyang di ito naninigarilyo. Then she looked at his eyes, he has really a very beautiful pair of eyes. Napalunok siya, feeling niya pinagpapantasyahan niya ito.

Defying Destiny (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon