Chapter 24
Jairus' POV
Ella texted her this morning, kailangan daw nila magusap at ASAP daw. Hindi niya alam kung kakabahan ba siya o hindi. He's a bit worried.
"What's wrong?" bati agad niya dito nang makita niyang pugto ang mata nito. She cried.
"Ate Kath knows" mahinang sabi nito
"Anong sabi niya? Bakit ka umiyak?" nagaalalang tanong niya.
"I cried because i missed mama" pumiyok ulit ito. Namumula na naman ang mga mata nito. Ella is a cry baby, kahit noon ay napakaiyakin nito. Niyakap naman agad niya ito at inalo.
"Hey don't cry..." sabi pa niya at hinalikan ang buhok nito.
"Jairus mali..." sabi nito sa pagitan ng paghikbi "Tama si ate, masasaktan lang tayo sa huli"
"I know" mahinang aniya
"But i can't stop now Ella. Mahal ko na siya..." nakatingin siya sa kawalan habang sinasabi iyon.
He know it's impossible. Alam niyang walang naghihintay na happy ending sa kanila ni Sharlene pero hindi pa niya kayang bitawan ito. He just started didn't he? Kakasimula pa lang niyang maging masaya...
"We will hurt them too Jai, hindi ko alam kung kaya ko bang saktan si Francis" sabi nito maya maya.
Doon siya napatigil. Masasaktan niya si Sharlene... kaya ba niyang makitang nasasaktan ito?
---
"Uy! tahimik mo yata ngayon" tinapik siya ni Sharlene. Nakangiti ito pero tila nagtatanong ang mga mata nito.
Nang makita niya ito ay mas gumaan ang loob niya. Sharlene has this power on him. Kaya nitong pagandahin ang araw niya.
"Iniisip kasi kita eh" nakangising sabi niya at namula naman agad ito. "You're really beautiful when you blush" dagdag pa niya
"Tantanan mo nga ako!" sabi nito at hinampas pa siya. Tumawa na siya ng malakas. Ang cute mo!
Pumuwesto na ito sa upuan na nakasimangot. Nilabas naman niya agad ang crunch na binili niya kanina para dito at pinatong iyon sa desk nito. It has a post-it on it na may nakasulat na message dito. Hindi niya alam na may pagka corny din pala siya (:
Sharlene's POV
Naiinis na siya kay Jairus. Tahimik itong pumasok sa classroom nila at tila wala sa sarili kaya naman nilapitan niya agad ito para tanungin kung may problema ba ito kaso imbes na sagutin siya nito ay kung ano ano ang sinabi nito sa kanya. Parang ewan lang.
Pinilit naman niyang wag kiligin but her body does otherwise, namula agad siya sa mga banat nito sa kanya. Sumimangot naman siya at umupo na sa upuan niya. Masyado siyang obvious. Nakakainis.
Nang makaupo na siya ay may pinatong itong chocolate sa lamesa niya na may post it na hugis puso.
Ang ganda mo miss. Date tayo sa sabado huh? (:
Napatingin naman agad siya kay Jairus na nakangiti lamang. Date? Nang mag recess ay inaya naman siya nito agad sa canteen.
"Hey! Balita ko may laban daw Ateneo sa sabado? Finals right?" anito kaya sinamangutan niya agad ito.
"Sige. Ulitin mo pa" asar niyang sabi dito.
Gustong gusto niyang manood ng finals ng lady eagles pero naubusan na siya ng ticket. Handa pa nga siyang magbayad ng kahit doble pa makapanood lang pero wala talaga eh. Kasalanan ito ng kuya niya... he promised he would buy her a ticket pero nakalimutan daw nito. Kaya ngayon wala siyang ticket at team bahay siya for the finals. Tapos ngayon uulitin pa ni Jairus ito sa kanya? Asar talaga!
"Finals na. Gusto mo manood?" tanong nito sa kanya at agad niya itong tinaasan ng kilay
"Nang-aasar ka ba talaga? Syempre gusto ko manood! At dahil wala akong ticket... sa bahay ako manonood. Wag paulit ulit pwede? Naiinis na ako sa'yo"
"Pag may sinabi ako sa'yo na hindi mo na kaiinisan, mamahalin mo na ba ako?" anito na ikinagulat naman agad niya
"Anoo?!" halos pasigaw niyang sabi
Tumawa naman ito ng pagkalakas lakas kaya hinampas na naman niya ito.
"Ikaw sumosobra ka na! Pinagtritripan mo na naman ako"
"Basta sa sabado huh? Date tayo miss" ulit nito at may pakindat kindat pang nalalaman
"Isa pang kindat tutusukin ko yang mga mata mo!" aniya sabay kuha ng tinidor at itinapat sa mukha nito.
"Ang cute mo talaga. Basta sa sabado susunduin kita" pinal na sabi nito at napabuntong hininga na lang siya. Ano bang balak ng Jairus na ito?
Jairus' POV
Hindi mapawi ang ngiti niya habang tinitingnan si Sharlene habang minu-murder nito ang pagkain. Alam niyang naasar na ito sa kanya pero ayaw pa niyang sabihin dito ang sorpresa niya.
Alam niyang laban ng favorite volleyball team ni Sharlene sa Saturday at alam din niyang wala itong ticket para mapanood iyon. Laking pasasalamat niya na isa pala ang kumpanya nila sa sponsors sa nasabing laro kaya nakakuha siya ng mga VIP tickets at may isosorpresa na siya dito. He knows she'll be happy about it, kaya mas aasarin pa niya ito sa mga susunod na araw... he can't wait to see her reaction pag nalaman nito ang sorpresa niya.
Tinitigan pa niya ito. Bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Ella... I can't hurt her aniya sa sarili. Paano nga ba sasaktan ang isang tao na gusto niya lamang na makitang masaya?
Maybe he can fight for what he feels...
Or maybe not.
_edited.
AN: sorry ang iikli ng UD ):