CHAPTER 13 (B)

6.3K 96 17
                                    

Chapter 13 (B)

Sharlene' POV

Exposure trip nila ngayon papuntang Mind Museum at super excited na niya dahil ito ang una nilang trip this year.

Nasa labas na sila ng bus nang lapitan siya ni Francis. Ok na sila ngayon, she's still not sure kung tama ba ang sinabi nito sa kanya pero mas magaan na ang loob niya ngayon, they are still friends though at tanggap na iyon ng mga kaibigan niya.

"Favor naman Shar" sabi nito at inakbayan pa siya

"Ano yun?"

"Pwede bang tayong dalawa ang magkatabi sa bus?" tanong nito

"Huh? Si Alexa na katabi ko eh" sagot niya, nagtataka talaga siya kumg bakit gusto nitong makatabi siya

"Si Mika ang katabi ni Alexa" sabi nito

"Are you sure? Eh paano si Pia?" tanong niya tsaka siya napatingin dito. Medyo napangiti ito kaya nanlaki ang mata niya...

"NO! No way! Mapapatay ako ni Pia, tsaka wala akong tiwala sa Kobi na yan" sabi niya agad dito. Alam na niya bakit gusto siyang katabi ni Kiko... iyon ay para makatabi ng Kobi na iyon ang kaibigan niya!

"Please Shar, ngayon lang humingi ng pabor sa akin si Kobi" sabi pa niyo pero panay ang iling niya

"No, hindi Kiko! Hindi pwede"

"Magso-sorry daw siya" dagdag pa nito

"Eh sinong maniniwala sa kanya? Naman Kiko!"

"Sige. Ganito na lang, payag ka ngayon tapos pag bwinisit ni Kobi si Pia magpapalit ulit tayo, just give him a chance. Please" seryosong sabi nito kaya sa huli ay napapayag siya nito. Maybe... just maybe ay seryoso nga talaga si Kobi.

Pag akyat ng bus ay kinuha ni Francis ang mga gamit niya para ito na ang magbuhat. They've decided to sit sa bandang hulihan kaya naman nadaanan nila pati si Jairus at Ella.

Ella doesn't like her, pag nakikita niya ito ay lagi siyang tinataasan ng kilay sa hindi malamang dahilan... kung may magagalit hindi ba dapat ay siya iyon?

Si Jairus? Ewan. Akala niya ay magiging magkaibigan na sila pero hindi iyon ang nangyari. Madalas ay hindi siya pinapansin nito or worst pag trina-try niyang ngumiti dito ay sinisimangutan siya nito. May problema siguro sa mundo. Just like now. Nakakunot na naman ang noo nito. Bahala ka nga!

---

Andre's POV

Kanina pa siya iling ng iling sa bawat kaklase niyang nagtatanong sa kanya kung pwede ba siya ang katabi ng mga ito. Ayaw niya dahil baka sabihin ng mga ito na paasa lang siya. Kaya naman nang pumasok sa bus ay naghanap agad siya ng pwedeng makatabi.

He smiled when he saw Nash alone. He decided to sit beside him... at least kahit medyo weird ito ay lalaki pa din ito at malabong magkakagusto ito sa kanya

"Patabi pare huh?" sabi niya dito and he just nodded. Weird talaga.

He started looking around when his eyes met Mika's eyes. She blushed when he smiled on her... lagi naman. Halata niya na may crush ito sa kanya and it's really overwhelming on his part... Mika is the most beautiful girl in the campus.

"She is really beautiful. Isn't she?" biglang bulaslas niya sa katabi

"Huh? Sino?" tanong naman nito

Defying Destiny (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon