Chapter 4
Sharlene's POV
Kakatapos lang ng Filipino time nila at break time na. 2 hours din kasi yun, 1 hr for presentation and 1 hr para sa filipino subject nila
Pagkalabas na pagkalabas nila, ay nagsimula nang magsalita ang mga kaibigan niya. Kanina pa din naman niyang napansin na distracted ang mga ito.
"Alex!" sigaw ni Mika
"What?" sagot naman agad ni Alexa
"Dagdag problema naman to!" singit ni Pia
"Ang sama ng ginawa mo!" angil ni Mika. Yung tungkol ba kay Nash ang tinutukoy ni Mika?
"Nakakainis yung Kobi na yun" nanggigil na sabi ulit ni Pia kaya nilingon niya ito. So prinoproblema nito si Kobi?
"Excuse me. Wala akong ginagawa" sabi ni Alexa
"Anong wala?"
"Ano ba kayo? Mas malaki problema ko!" sigaw naman ni Pia
Sumasakit na ang ulo niya sa kakasigaw ng mga ito. Isn't this their first day? Ugh!
"GUYS! PLEASE STOP SHOUTING!" sigaw niya at tumigil naman ang mga kaibigan sa pagsasalita.
Hay salamat.
"First day palang ganito na tayo mamroblema? Girls hinga muna ok?" dagdag pa niya
"Alexa, tama si Mika you should say sorry to Nash, you were so mean" sabi niya kay Alexa, mali naman kasi talaga ang ginawa nito
"Pero-"
"Wala ng pero-pero please?" sabi niya at tumango naman ito kahit parang napipilitan lang
"Pia, ikaw naman. Ikaw ang TOP 1 ng class syempre sayo nila ibibigay ang responsibility kay Kobi, kaya mo yan! Ikaw pa" bigay niyang lakas loob sa kaibigan
"Pero that's unfair! I can't handle a stubborn-slash-badboy-slash-bobo na lalaki, it's too much and you know that!" Maktol ni Pia
"Alam ko, pero wala ka namang inuurungan diba? Take it as a challenge! Kaya mo yan!" dagdag niya pa
"And Mika, kahit di mo binabanggit alam namin na deep inside ay may dinadamdam ka. Andre right? Alam kong gwapo siya, but he was right, tinititigan mo siya ehh-"
"Heey! Wala naman ganyanan!" Sabi nito na ikinatawa nilang lahat.
"And for me..."
"Sinabi ko kaninang ok lang sa akin ang lahat but the truth is affected pa din ako. Isang taon na pero hanggang ngayon may epekto pa din sa akin si Francis. But this is our last year. Carpe Diem! We should enjoy and think less! Aja!"
"Aja!" Sabay sabay sagot ng tatlong kaibigan kaya napangiti siya. Her girlfriends are the best.
After ng last subject nila ay tumambay muna sila at nag meryenda kay Manong kwek kwek sa labas ng school. It's been a daily routine for the four of them these past years.
"Shar handa mo na sarili mo huh? I think Kiko wants to talk to you" sabi ni Alexa sa kanya kaya kinabahan siya ng konti. Simula kaninang umaga pa niyang iniiwasan ang mga tingin nito, naiilang kasi siya. Ano pa ba ang kailangan niya sa akin?
Though gusto sana niyang itanong kung bakit gustong makipagusap sa kanya ni Francis ay mas pinili niyang itikom na lang ang bibig. She doesn't want to talk about him anymore.