CHAPTER 22

5.6K 72 5
                                    

Sumasakit ang ulo ko sa pag edit nitong DD. Ang daming bida. Sorry na, di ko kaya talaga. HAHAHA. May mga tatanggalin akong POVs at storylines. Sobrang gulo kasi. Sorry po.

---

Nash's POV

Kabado siya habang naglalakad papasok ng school. This is the first day matapos siyang tulungan ni Alexa na magbago. She changed almost everything about him. Wala nang natirang kahit na ano sa lumang Nash. No coconut oil, no glasses & no braces.

Nang may nakita siyang salamin ay tiningnan niya ng mabuti ang sarili. He's contented, gwapo na siya. And maybe just maybe... magustuhan na siya ni Mika.

Nang makapasok ay una niyang nakita si Alexa. Kinabahan siya ng bigla itong ngumiwi at parang wala sa sariling tinitigan siya nito. May problema na naman ba?

"May mali ba? Ikaw pumili ng lahat ng ito" aniya dito

"Mas mukha kang matalino pag may glasses" anito

"Pero ikaw din ang nagsabing ang pangit ng glasses ko"

"Yeah but... this is not you anymore" mahinang sabi nito

Tiningnan niya ng maigi si Alexa. Tila may problema ito dahil sa lungkot na naririnig niya so boses nito.

"Alexandra may problema ba?" concerned na tanong niya

Tiningnan siya nito na tila may gustong sabihin pero hindi na nito natuloy dahil biglang dumating si Sharlene at kasama pa nito si Mika.

"Nash?" tila hindi makapaniwalang sabi ni Mika

Sa sobrang kaba ay hinarap niya ito at nginitian. Mika is really very beautiful, pag tinitingnan niya ito ay tila nawawala na lahat ng tao sa paligid niya. He's so smitten to her beauty. Nakaka-adik.

"Ikaw nga! Wow! Laki ng pinagbago ah!" anito

He smiled again. Nagustuhan ni Mika ang trasformation.

"Yeah. Tinulungan ako ni..." ituturo sana niya si Alexa at Sharlene pero wala na ang mga ito. Napakamot siya sa ulo. Maybe they want him to be alone with Mika.

"Ni?" tanong nito

"Ni Alexa... at ni Sharlene na din"

"Ay ang daya! Bakit sila lang? Why didn't you invite me too? Makakatulong din naman ako kahit papaano" nakapout na sabi nito

She's so cute!

"Eh para sa'yo nga ito eh" seryosong sagot niya dito. Napatigil naman ito at tila hindi malaman ang gagawin.

"Mika i did all of these for you" dagdag pa niya

"Pero... pero bakit?"

"Because i like you Mika. I really do"

Mika's POV

Hindi siya mapakali sa upuan niya. Kaka amin lang sa kanya ni Nash at hindi niya alam paano sasabihin dito na pumayag na siyang magpaligaw kay Andre nung sabado.

Defying Destiny (JaiLene Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon