Chapter 11
Francis' POV
Kanina pa niya tinitingnan si Ella, she is fusing mad simula nang makita nito si Sharlene at Jairus na magkasabay pumasok at magkahawak pa ang kamay. Nagulat siya nang malamang bumalik na si Jairus pero mas ikinagulat niya nang makita ito at si Sharlene na magkasama. He wasn't expecting the scene earlier, medyo pinahiya ni Ella si Shar sa harap ng mga kaklase nila tapos pinagsigawan pa nito na boyfriend nito si Jairus.
Napabuntong hininga siya at napatigin sa chocolates na binili niya para sana kay Ella, paano niya ito maiibigay dito kung bumalik na ang boyfriend nito?
Nang mag recess ay sasabay na sana siya sa mga kaibigan niya nang tawagin siya ni Ella.
"Kiko! Sabay na tayo" sabi nito sa kanya sabay tingin kay Jairus at tinaasan ito ng kilay. Nagulat siya sa tinuran nito pero masaya siya na sa kanya ito sasabay
"Ella please..." sabi ni Jairus pero hindi ito pinansin ni Ella. He smirked nang nilapitan siya nito at hinila palabas ng classroom.
Magundayao 1 - Aquino 0.
Jairus' POV
Naiinis na hinagis niya ang ballpen na hawak nang makalabas si Ella at si Francis sa classroom.
Ella is overacting at halatang gumaganti lang ito. Napailing siya. Such a childish act. Kaasar. Kakadating lang niya tapos hindi pa siya masamahan ni Ella. He's her boyfriend for Pete's sake! Tama ba namang iwanan siya nito? Tama ba namang magalit ito at magselos ng sobra sobra kay Sharlene? And worst, kay Francis pa ito sumama na halatang may gusto dito. Tsk.
Naiinis na tumayo siya sa upuan, he decided to go to the canteen alone, wala din naman kasi siyang mapupuntahan. Papasok pa lang siya ng canteen nang marinig ang boses ni Alexa.
"Sharlene! You're blushing! Crush mo pa din si Jairus!" anito
Bigla siyang napangiti at tiningnan si Sharlene. Her face is all red at ang cute cute nito. She has a crush on me. Nawala bigla ang init ng ulo niya dahil sa narinig. Madami namang may crush sa kanya at madalas wala siyang pakialam. Pero iba si Sharlene, iba ito... dalawang beses na kasi nito nababago ang mood niya by doing just... nothing? Bahagya siyang natawa sa sarili. Wala namang ginagawa si Sharlene pero nababago nito ang mood niya. Maybe it's her presence... maybe.
"Hi girls" aniya nang lapitan ang mga ito. "Shar" special na bati ni dito, namumula pa din ito kaya mas lalo siya napangiti.
"Hello Jai" tila nahihiyang bati nito sa kanya.
"Shar and Jai? Wow! Kanina holding hands tapos ngayon tawagan niyo nicknames agad? Close na kayo?" sabi ni Alexa na halata namang nangaasar lang
"Alexa please shut up!" sabi ni Sharlene pero tinawanan lang ito ng kaibigan.
"Kung yun ang gusto mo eh" nakangising sagot ni Alexa "I'll shut up and i'll disappear, actually we'll disappear" sabi pa nito at niyaya pang umalis si Pia at Mika.
Wait. Kakadating ko lang ah. Bakit aalis sila agad?
"Sige Jairus, iwan na namin kayo ni Shar magkasama" sabi ni Mika at tumakbo na ang mga ito palayo sa kanila. Napatawa siya sa mga tinuran ng mga ito. They are really unique. Nakita niyang umiiling si Sharlene habang tinitingnan ang palayong mga kaibigan, nang hindi na niya maaninaw ang mga ito ay tsaka siya hinarap.
"Pagpasensyahan mo na yung mga kaibigan ko huh? May tama lang siguro" sabi nito trying to sound normal
"Ok lang yun" nakangiti namang sagot niya dito. He wants her to feel at ease with him pero hindi pa din talaga ito mapakali at tumayo na lang bigla na tila aalis na kaya naman naging maagap siya at hinawakan ang braso nito. Napatingin naman agad ito sa kamay niya pero hindi niya ito binitawan. He wants her to stay.