“Hindi pwedeng dalhin nya sa realidad ang posisyong nakuha lang naman nya sa isang drama. Lalo na kung meron nang nagmamay-ari ng posisyong iyon.” – SEHUN
Dedicated to gwenj30
--
/DASURI/PAASA!
One word pero marami nang nasaktan. Lahat na lang ba ng tao sa mundo paasahin ka? Bibigyan ka ng dahilan para maniwala tapos kapag naniwala kana, saka naman nila isasampal sa’yo ang katotohanang NAG-ASSUME KA LANG. WAG KA KASING ILUSYONADA!”
Aish! Kakaloka! Ang nakakainis pa ‘don, kasama ang asawa ko sa mga taong may genes ng walangyang ‘PAASA’ na ‘yan. Akala ko pa naman matutupad na ang inaasam-asam ko. Akala ko pa naman gagawa na kami ng bagong nilalang sa mundo pero hindi! Hindi nangyari ‘yon. Huhu.
Pagkatapos kong maligo, na sobrang nagmadali akong magbanlaw. Bumungad sa’kin ang asawa kong mahimbing na natutulog. Sinubukan ko syang gisingin kasi nageffort talaga ko. Sampung beses akong nagtoothbrush para sa kanya. Nagpabago rin ako pero TAKTE! Tinulugan lang ako ng mokong! Tssss! Sayang ‘yung red lips and sexy outfit ko.
Tapos kinabukasan, nung makita nya ang itsura ko. Bigla ba naman akong TINAWANAN! Mabuti daw at nakatulog sya agad baka daw kasi binangungot sya kung nakita nya ko bago matulog. Langya talaga ‘yon. Huhu.
“Did you eat breakfast? You look like a zombie.”
“Aist, pati ba naman ikaw? Wala talaga kayong magawa kundi ang laitin ako. Kakainis.” Reklamo ko sa lalaking nakatayo sa harap ko. Sa wakas dumating na rin sya. Kanina pa kaya ko naga-aantay dito sa room namin.
“How long have you been here?” tanong pa nito.
“Tinatanong mo ko kung gaano na ko katagal dito? Psh. Muntik nang ako ang magbukas ng school dahil sa sobrang aga ko rito. Kaya lang dito pala natutulog ‘yung guard kaya naunahan nya parin ako.” Sarkastiko ko namang sagot. Nginisihan nya lang ako bago magsimula sa paglalakad.
“Let’s go, we need to practice again. We only have 3 hours to do that.” Pahayag nya habang hindi ako nililingon. Pumunta sya sa kanyang upuan at ibinaba ang kanyang gamit. Tumayo naman ako’t pumunta sa unahan. Doon lang kasi may space kung saan pwede kaming magpractice.
“Bakit ka nga pala biglang umuwi kahapon? Mukha namang wala kang biglaang lakad?” nagtataka kasi talaga ko sa biglaan nyang pagalis. Imposible namang nabadtrip sya kay hubby dahil kabaligtaran ‘non ang nangyayari.
“You don’t need to know it.” Sagot nya habang naglalakad na papalapit sa’kin.
“Bakit naman? E’ sa gusto kong malaman. Sabihin mo na kasi,” pamimilit ko pa rito. Hindi nya ko pinansin at inayos ‘yung gagamitin naming sound system.
“Huy, magsalita ka naman. Kinakausap kaya kita. Bakit ka nga umuwi bigla? May nangyari ba sa bahay nyo? Tinext ka ng mama mo? Pero hindi ko naman nakitang hinawakan mo ‘yung cellphone mo a’?”
“I don’t live with my mom, she’s on America right now.” Pumunta ko sa gilid nya at inusisa rin ang kanyang ginagawa. Inaayos na lang nya ‘yung sounds nung laptop ko tapos makakapagstart na kami sa practice.
“Edi ‘yung papa mo na lang,” dagdag ko pa. Bigla naman syang napahinto sa kanyang ginagawa. Mukhang meron syang inalalang bagay. Napatitig tuloy ako sa kanya.
“I don’t have dad, He is dead already.” Aww. Nakaramdam ako nang lungkot para sa kanya. Kita ko kasi sa mga mata nito ang sakit. Mukhang matagal na nyang dinadala sa kanyang dibdib ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang ama. Ang hirap siguro ‘non.
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias