CHP18: Start of Something

1.7K 46 5
                                    

“Since the first time I saw her, alam ko nang hindi naman talaga sya matapang. Ipinapakita nya lang sa iba na kaya nya ang lahat, but deep inside, I know, naghahanap rin sya ng taong pwede nyang sandalan.” -KAI

Dedicated to HeartbelleLindo

--
/DASURI/

“I don’t see anything, I did nothing. Because for me, you’re still pure like the first time I saw you.”

Masyado kong nagulat sa mga salitang binitawan ni L.joe. Nakatitig lang ako sa mukha nya habang pilit na ipinapasok sa utak ko ang tungkol doon. Bakas sa mukha nito na meron syang itinatagong lungkot. Sinubukan kong tawagin ang pangalan nya pero agad ako nitong pinigilan.

“L.joe..”

“You know what? When you‘re gone. There are a lot of things I want to say to you. I want to tell you how scared I am. I want to scold you for making me worried. But now that you’re in front of me, few inches away. I can’t even utter a single word. Damn, this is so unlikely of me.”

Umiling-iling pa ito para ipakitang maski sya’t nagugulat sa mga nangyayari. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya. Pinagmamasdan ang bawat kilos nito. Muli ako nitong sinulyapan at bahagyang ngumiti, “You are such a virus Dasuri, you make me sick.” He groaned then left the room.

Lalo naman akong naguluhan sa mga sinabi nya. Nakaramdam ako ng guilt sa di ko malamang dahilan. Ilang minuto pa kong naspace-out bago ko napansing nakalabas na pala ito ng cr. Dali-dali ko namang inayos ang gamit ko at mabilis syang hinabol. Pagkalabas ko ng cr, sumalubong sa’kin si Sora na halatang nagulat nang makita kong papalabas ng banyo.

“Dasuri? N-nasa loob ka?”

“Oo, bakit?!” sagot ko naman. Sasagot pa sana sya nang magpaalam na ko dito. “Ahm, mamaya na lang ulit Sora ha? Nagmamadali lang talaga ko ngayon e. Bye.” Saad ko.

Sinubukan pa nya kong pigilan pero hindi ko sya pinansin at nagtuloy sa paghabol kay L.joe. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi ko naipapaliwanag sa kanya ‘yung totoo tungkol sa bigla kong pagkawala. Ewa ko ba. Basta I have this feeling na kailangan kong linawin sa kanya ang lahat, na maski ako walang alam tungkol sa biglaang honeymoon namin ni Kai. Basta bigla na lang syang nangyari.

“L.joe, sandali,” sigaw ko nang maabutan ko sya sa hallway. Nakatalikod ito sa’kin at naglalakad na palabas ng building.

Itinuon ko ang atensyon kay L.joe na nakatalikod parin sa’kin pero huminto na sa paglalakad. Pinagmasdan ko ang kabuuan nito habang may ilang pulagada ang pagitan namin. Gusto ko sanang harapin nya ko kaso mukhang imposible ‘yon kaya minabuti ko nang magsalita, “Sorry kung pinagalala kita dahil sa bigla kong pagkawala. But believe me, kahit ako, hindi ko alam ang tungkol ‘don. Pakana kasi ‘yon ng parents namin ni Kai kaya nagulat na lang din ako na nasa Japan na pala kami.” I don’t know how to explain it well. Gusto kong malaman nya ang tungkol sa saloobin ko nang hindi ko sya masasaktan.

Napansin ko naman ang unti-unti nitong paglingon sa’kin. Tinitigan pa nya ko sa mata matapos tuluyang humarap sa’kin, “Saved it for others. You have nothing to explain to me because we’re not even friends, so why bother?”

Napauwang ang mga labi ko nang marinig ang winika nya. Wala kahit isang letra ang gustong lumabas mula rito. Pakiramdam ko, isinampal nya sa’kin ang katotohanang, for all this time, ako lang pala ‘yung umaasa na magkaibigan na kami. Ako lang pala ‘yung tangang naniniwala na importante talaga ko sa kanya.

Nakakainis.

“Dasuri, saan ka na naman ba pupunta?!” binawi ko ang tingin ko sa kanya nang biglang sumulpot mula sa cr si Sora. Nagulat na naman ito sa naabutan nyang sitwasyon namin ni L.joe. Tahimik lang ako habang pilit na inaabsorb ang mga nangyayari. Samantalang si L.joe, gaya ng dati, umalis ito sa harap namin na para bang walang nangyari.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon