CHP7: Surprise

2K 47 20
                                    

"Modern na ngayon. Pantay na ang karapatan ng babae at lalaki. Kaya dapat maging agresibo rin ang mga babae paminsan-minsan." - MAMA KIM

Dedicated to shiela_is_my_name

--
/DASURI/

"Ahhh~" nag-inat ako matapos ang klase namin. Grabe. Inantok ako sa discussion 'nung prof. muntik na nga kong makatulog. Haha.

Inayos ko na 'yung gamit ko at sinalansan 'to. Dahil isa lang naman ang subject ko ngayong araw, makakauwi ako nang maaga. YEHEY!! May oras pa ko para makapag-ayos sa bahay.

"Dasuri, uuwi kana ba kaagad?" naulinigan kong tanong sa'kin ni Sora. Nilingon ko naman sya't nginitian nang wagas.

"Oo, magpapakaasawa kasi ako ngayong gabi." Kahapon, habang nagsa-shopping kami ni Mama Kim, napagkwentuhan namin si Kai.

"Iha, pasensya kana kung hinalukat ko ang bag mo nang walang paalam. 'Yon lang kasi ang naiisip kong paraan para magpakita sa amin anak kong si Kai. Nakakahiya mang aminin, pero hindi ganon kaganda ang relationship namin ng anak ko. Kailangan ko pang gumamit ng pwersa para lang makita sya." bakas sa mga mata ni Mama Kim 'yung lungkot habang sinasabi 'yon. Hinawakan ko sya sa braso.

"Okay lang po 'yon, mama Kim. Willing naman po akong tumulong sa inyo para mapasunod natin 'yang si Kai. Basta, simula sa araw na 'to partners in crime na po tayo." saad ko para pagaangin 'yung nararamdaman nya. Sumilay naman ang mga ngiti sa labi nito.

"Aigoo. Ang swerte ko talaga sa naging manugang ko. Kaya h'wag na h'wag mong hihiwalayan ang anak ko ha? Baka kasi ako ang maglupasay sa lungkot kapag ginawa mo 'yon." Natawa naman ako sa sinabi nya. Hinding-hindi ko na talaga hihiwalayan si Kai. Ang dami kayang naiingit sa'kin dahil napangasawa ko ang bias ko. Hihi.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa hallway nang mall habang tumitingin-tingin ng mga damit sa paligid. Hindi naman nagtagal ay huminto si Mama Kim sa tapat ng isang store kung saan may mga nakadisplay na nightgown.

"Dasuri iha, alam mo naman sigurong nasasabik na kami ng papa ni Jong In na magkaroon ng apo. Nag-iisa lang naming syang anak at sobrang tagal na rin since nagkaroon ng bata sa bahay. Ganon din ang parents mo, kaya sana, hinihiling ko sa'yo." Nagulat ako nang humarap sa'kin si Mama Kim at hawakan ang mga palad ko. "Bilis-bilisan nyo naman ang paggawa. Naiinip na kami eh."

Napalunok ako nang marinig 'yon. Alam ba ng mama ni Kai ang sinasabi nya? Nakakahiya naman 'to. "Pero Mama Kim, hindi po yata dapat sa'kin sinasabi 'yan. Dapat po diba 'yung lalaki 'yung gumawa ng first move? Kasi kapag 'yung babae... ano.... Nakakahiya." Feeling ko umuusok ang magkabilang tenga ko habang sinasabi 'yon. Gosh. Uminit bigla ang paligid. Paypay! Paypay!

"Ano ka ba! Modern na ngayon. Pantay na ang karapatan ng babae at lalaki. Kaya dapat maging agresibo rin ang mga babae paminsan-minsan. Halika, ipapaliwanag ko sa'yo kung paano namin nabuo si Jong In." EHH??

Kahit labag sa kalooban ko at kahit parang bulkan na kong sasabog sa kahihiyan. Wala kong nagawa kundi sumunod nang hilahin ako ni Mama Kim papasok 'don sa store. Waaah! Kai help. Bine-brain wash ako ng mama mo.

"Pero Mama Kim... wala pa ata sa plano ni Kai ang magkaroon kami ng baby. Busy pa po kasi sya sa taping at schedule ng grupo nya. Wala na syang oras para dyan." Pagbabakasakali ko na baka magbago pa ang isip ng aking modernong biyenan. Haysst. Kapag wala kong ginawa baka mapasubo ako nito.

Hindi naman nya ko pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. "Kaya nga ikaw na ang kikilos para sa inyong dalawa. Team work ang pag-aasawa. Kung hindi sya pwede, edi ikaw ang gumawa ng paraan. Basta maniwala ka lang sa akin iha, subok ko na 'to sa papa ni Jong In. Haha." hindi ko alam kung kikilabutan ba ko o hindi sa sinasabi ni Mama Kim. Para kasing may senaryong tumatakbo sa utak nya na ayaw ko nang malaman kung ano ba 'yon.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon