"Hindi ko man masabi na dumadaloy sa kawatan ko ang dugong Kim. Pinapahalagahan ko parin sya higit pa sa totoo kong mga kamag-anak." - SHAWN KIM
- -
/DASURI/Tahimik sa paligid at ang tanging maririnig mo lang ay ang mahinang pagaspas ng mga dahon sa paligid. Tanging ang sinag ng buwan ang nagiging tanglaw sa aming nilalakaran. Wala pa kahit isang salita ang lumabas sa bibig ni Kai mula nang iwanan namin sila Sarah. Tahimik lang syang naglalakad habang nakapasan ako sa likod nya. Galit kaya sya?
"Um, Kai?" basag ko sa katahimikan.
"Yes?" sagot naman nya.
"Galit ka ba?"
Hindi kasi ito 'yung ineexpect kong reaksyon nya. Sinuway ko sya, sumama parin ako kay Shawn kahit pinagbawalan na nya ko. And the worst, muntik pang mapahamak ang baby namin. Dapat nga binubungangaan na nya ko ngayon. Tanggap ko 'yon.
"No," I gasped for air.
"Wala namang mababago kung magagalit pa ko. Magkakasamaan lang tayo ng loob pero hindi mareresolba 'yung problema. Sapat na sa'kin na ligtas kayo ni baby," napangiti ako nang marinig ang sinabi nya, "Pero wag mo na ulit gagawin 'yon. You scared me to death."
Mukhang malaki na ang pinagbago ni Kai mula nang unang beses kaming nagsama. Mas naging sensitive na sya sa mga nararamdaman ko.
Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kanya then whisper, "Arraso,"
Malayo-layo na rin 'yung nilakad ni Kai mula sa pinanggalingan namin pero hindi ko parin natatanaw ang dulo nito. Kailangan ko na bang magpanic? Hindi naman siguro kami naliligaw? Umihip ang malakas na hangin dahilan para mas mapakapit ako kay Kai. "Okay ka lang? Hindi ka ba giniginaw?" tanong nito.
Umiling-iling naman 'ako. "Binigay mo sa'kin 'yung jacket mo kaya paano ko giginawin? Baka ikaw nga 'yung giniginaw?" Manipis na t-shirt na lang kasi ang suot-suot nya ngayon. I'm pretty sure na hindi 'yon nakakatulong para harangin 'yung lamig.
"Paano naman ako giginawin, e yakap-yakap ako ng asawa ko?" Bahagya akong napangiti. Gosh. Pwede ba kong kiligin sa mga oras na 'to? Haha .
Namutawi na namang muli ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Pero hindi 'yon nakakailang para sa akin. It quiet comfortable. Ngunit hindi rin naman nagtagal muli akong nagsalita. I want to ask something.
"Uhh' Kai, pwede ba kong magtanong?" Agad rin naman syang sumagot, "Sure, go ahead."
"Ahmn, bukod sa pagiging anak ng mayordoma nyo. Ano pa ba 'yung relasyon mo kay Sarah?" Siguro nga this is not the right time for me to ask this, pero kung hindi ngayon, kailan?
"Why are you asking?" Kai utter.
Agad-agad ko naman syang sinagot nang isa pang tanong, "Hindi ko ba pwedeng tanungin?"
He sighed, "I know where it'll goes. Stop thinking nonsense things, Dasuri. Pinapraning mo lang ang sarili mo." Hindi ako satisfied sa naging sagot nya.
"No! I want an answer. Hindi ako mapapakali hanggat hindi ka sumasagot."
"Seriously?" paninigurado pa nito.
"Seriously. Hindi ako makakatulog nang maayos kapag hindi ka sumagot. Kawawa naman si baby." I pout. Mas lumalim ang buntong hininga nito. Inayos pa nito ang pagkakapasan sa akin.
"Fine, Whats your question again?" I smiled widely nang muli syang magsalita.
"Well... si Sarah, ex mo ba sya? Sya ba 'yung first love mo?" Ilang segundo pa ang lumipas bago magsalita si Kai. Mukhang pinagiisipan nyang mabuti ang mga sasabihin. Para wala kong makitang butas?
BINABASA MO ANG
BOOK II: Officially Married To My Bias
Fanfiction"A successful MARRIAGE requires falling in love at many times, always with the same person." Book I : Secretly Married To My Bias