CHP21: She's Pregnant? Jinjja?

1.9K 51 28
                                    

“Wifey, you know that I love you right?” - KAI

Dedicated sair_antoinnet

--
/DASURI/

“Anong gagawin natin dito?” matapos nya kasi akong hilahin palabas ng bar. Dinala nya ko sa isang drugs store. Hindi nya ko pinansin at nagdire-diretsyo sa counter. Sinundan ko naman sya.

“Good evening Sir,” sobrang lapad ng ngiti nung babae sa counter nang makita si L.joe. Mukhang nagwapuhan sya kay mokong. Tahimik naman akong tumabi sa kanya.

“Kaya siguro sya pumunta dito kasi maganda ‘yung tindera. Tss.” bulong ko pa.

“Good evening, can you give me one pregnancy test?” napalingon ako kay L.joe nang marinig ang sinabi nya. Napatitig naman samin yung babaeng pinagbibilhan ni L.joe.

“Ehemp, one pregnancy….test, sir?” sabay sulyap sa’kin nung babae. Halos manliit naman ako sa nangyayari. Langya ‘to si L.joe. BAKIT NGAYON PA NYA NAPAGTRIPANG BUMILI NG PREGNANCY TEST?!! O___O

“Yes, something wrong?” parang wala lang kay L.joe ang ginawa nya. Grabe. Ako ang nanliliit sa mga nangayayari e.

“Nothing sir. Here’s your pregnancy test.” Malungkot na inabot nung babae kay L.joe yung PT. I don’t know kung malulungkot ba ko o hindi sa mga nangyayari. Ewan ko ba, parang natuwa ko nang madissapoint si ate nang isipin nyang girlfriend ako ni L.joe. Parang nakakaproud lang. Haha.

“Thanks.” Naunang umalis si L.joe na sinundan ko naman. Paglabas namin ng store inabot nya sa’kin yung PT.

“Para saan ba ‘yan?” tanong ko. Nakakapagtaka naman kasi bakit sya bumili nang ganon. Meron ba syang nakaone-night stand? Tapos inaabot nya pa sa’kin ngayon? Geez.

“Can’t you get it?” kunot-noo nitong tanong. Nag-isip pa ko sandali bago mabagal na tumango-tango. Hindi ko talaga sya magets. Napabuntong-hininga naman ito at bahagyang napapapikit pa dahil di makapaniwala.

“Arghh, Dasuri….why are you doing this to me?” he blurted out while looking straight to my eyes. Lalo naman akong naguluhan sa naging reaksyon nya. Ano bang ginagawa ko sa kanya?

Kinuha nya yung kamay ko’t inilagay doon yung PT. Ikinuyom nya ito kasabay nang bahagyang pagpisil rito. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata, “I know, that someday, it will really happen, and I prepared myself. But now that I’m facing it? It’s killing me.” Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot habang sinasabi ‘yon. Hindi ko man gustuhin pero para bang may kumurot ng bahagya sa puso ko nang makita ‘yon. Sinubukan nyang ngumiti pero hindi ito nakatulong. Mas lalo lang nyang ipinakita sa’kin kung gaano sya nasasaktan.

“Should I congratulate you? Because I think… you’re pregnant.”

Halos lumuwa naman ang mga mata ko nang marinig ang sinabi nya. Dahil sa sobrang gulat bigla kong napasigaw. “A-ANO?! B-BUNTIS AKO?!” Oh..kay. Bakit mas nauna pa nyang nalaman ‘yon kesa sa mismong may katawan. Pinagloloko nya ba ko?! Ilang minuto pa ang nakalipas para maabsorb ko ang lahat ng sinabi nya. Masyado kong nagulantang sa mga isiniwalat nito pero hindi rin naman nagtagal ay naintindihan ko na ang totoong nangyayari.

I faced him with a disgusted face.

Binawi ko rin ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya dahilan para bumagsak ‘yung PT sa sahig. Hindi ko ininda ‘yon at naiinis na hinarap si L.joe. “Alam ko hindi mo ko feel na maging kaibigan. Alam ko rin na tingin mo sa’kin shu-shunga-shunga. Pero Mr. Lee, hindi magandang biro ‘yan ah. Talagang dinala mo pa ko dito para lang sabihin sa’kin ‘yang kalokohan na ‘yan?!” medyo napataas na ang boses ko dahil sa inis.

BOOK II: Officially Married To My BiasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon