Chapter 1 - 11.11.11

25.5K 156 24
                                    

Minsan unfair ang pagibig dahil kahit sobra sobra na ang binigay mo, ikaw pa ang iiwan.. At sadyang kailangang tanggapin na hindi na sila masaya sa'yo.

Naglakad ako para makipag kita sa kanya. Yung boyfriend ko, well ex ko.. si Vince, mag 5 months na sana kami. Pero nag break kami nung isang buwan. Sabi niya pagod na siya sa akin.

Hindi niya sinasagot ang mga text at tawag ko, kaya susubukan ko ulit siyang puntahan sa kanila. Nagkakasalisi kasi kami palagi.

6pm. Malapit na ako sa bahay nila, umaambon ambon pa. Wala pa naman akong dalang payong. Baka biglang bumuhos yung ulan. Biglang natanaw ko siya mula sa malayo. Gumaan ang loob ko, nakita ko na naman siya. Binilisan ko ang lakad at tatawagin ko na sana siya nang biglang nakita ko may kasama siya.

Huminto ako. Nagtatawanan sila, at nakita kong nakahawak pa si Vince sa bewang ng babae. Kumirot ang puso ko. Gusto ko silang sumpain, lapitan at hampas hampasin, makipag karatehan sa babae. Pero anong point? Anong karapatan ko..

Pinanood ko lang sila mula sa malayo, at nakitang pumasok sila ng sabay sa bahay ni Vince.

Tumakbo ako pauwi ng walang sinabi. Dumeretso ako sa bubongan namin. At dun ako umiyak ng umiyak, habang pumapatak ang ulan.

~~

1 month after. 11/11/11 ngayon, sabi nila either swerte or malas ang araw na'to.

"Tiiiin!! Tiiiiinnn san ka na? Diyos ko san na naman napunta yung batang yun?" Pumasok ang lola ko ng bahay habang pinanood ko siya mula sa bubongan. Phew! Hindi ako nakita yes! Mag 11pm na, nagpapaantok pa ako. Kamusta na kaya si.. Umiling ako.

Tin: "Hindi! Hindi pwede! Move on na'ko.. yun? Sus! Wala yun, wala na yun.. di ba?"

Napahinto ako sabay kamot sa ulo. Hanggang kailan ko ba kokombinsihin ang sarili ko?

11:11 pm. Habang nakatingala ako at kumakanta ng pabulong, may nakita akong shooting star. Nagulat ako at dali daling nag isip ng wish. Uhh sana tumangkad na'ko? Hinde.. Tumalino? Err wag yun! Uhmm..

Alam ko na! Tumayo ako at sumigaw.

"SANA MAKITA KO NA ANG DREAM BOY KO!" huminto ako. Tahimik ang paligid..

..

..

Biglang nag tahulan ang mga aso at nag si bukasan ang mga ilaw ng mga kapitbahay.

"Ano ba yun? Ang ingay ingay"

"May magnanakaw ba?"

"Manok ba yun?"

Ay shet. Sabay bumaba ako ng bubong para mag tago. Nakita kong lumabas ang lola ko sa bahay.

"Ano ba? Ano bang nangyayari dito?" Lumabas din ako mula sa likod ng bahay. Nagpagpag ako ng damit.

Tin: "O-oo nga! Ano ba yun? Sino ba yung maingay na yun?"

Tumingin ang lola ko sakin at piningot ako sa tenga.

Tin: "Araayy!"

"Ikaw kung san san ka nag pupupunta, umakyat ka sa kwarto mo"

Tin: "Opo opo"

Hay anu ba yan? Kalokohan naman kasing wish yun.. Sana winish ko nalang tumangkad. Umakyat na ako sa kwarto at humiga. Pumikit ako. Biglang may naramdaman ako..

Humihigit ng kumot ko. A-ano yun?? Nagtalukbong ako habang nakapikit pa din. Naramdaman ko, gumapang na siya sa kama..

Ba-dum

Ba-dum

S-s-s-sadako??? Ayoko sanang dumilat, pero gusto ko tignan kung ano yun. Baka pusa? Or si Lola! Tama!

Tin: "Lola?"

Sabay sumilip ako sa labas ng kumot ko, at pag tingin ko sa ibabaw ko.. Hindi si Lola..

Pero may nakadungaw.

Nang mga oras na yun natulala lang ako, hindi alam ang mararamdaman. Gusto kong sumigaw at tumawag ng tulong. Nang tumutok ang liwanag ng buwan sa anino.. dito nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

******************FOR THE READERS********************

Hindi po ito horror wag po kayo mag alala :))

Vote and comment lang po ng opinions niyo

I'd very much appreciate it if you read it till the end. Hindi po ako writer kaya sana maappreciate niyo din ang story ko :'D

Thanks for reading! Love you all! 

GODBLESS!

100 Days (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon