Secret

3 0 1
                                    

Chapter 13

Pinilit kong umakto ng tama ngayong kami na lang dalawa dito sa bahay. Ang lakas pa ng ulan sa labas. May bagyo ba? Kasi pakiramdam ko may delubyo na sa loob ng dibdib ko. Para akong hinihika na hindi ko ma-ewan!

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain kahit na hirap na hirap nako lumunok dahil alam ko nakatingin sya sakin. Para akong inuupos na kandila dito ni hindi ko siya matingnan. Hindi ko alam kung anong tamang iakto sa harap nya pagkatapos ng mga nangyare.

"Hindi ka ba kakain?" Basag ko sa katahimikan namin dahil para akong nasa ghost town sa sobrang payapa.

"Uh. Kakain. Mukha kasing ayaw mo" sabi nito ng hindi ko pa din ito tiningnan pero halatang nakatitig pa din sakin.

"Ayaw? Bakit naman?" Ou! Buti naman alam mo! Kung pwede nga lang wag na kita makasabay.

"Uhm. I just thought of it" he said then he eat formally. Kahit saan mo tingnan napaka gwapo talaga niya. He looks like really a high class bachelor in the city. I wonder how he can take the chores of having a simple life.

"Bakit ako pinapasundo ni tita?" Pag iiba ko ng usapan. Di na talaga ako kumportable.

"I don't know but maybe it something to do with barangay" tumango na lang ako at di na nagsalita. Natapos ang tanghalian ng payapa. Thanks god kinaya ko.

Nagligpit ako ng pinagkainan namin at maghuhugas na sana ng pinagkainan pero inunahan nya na ako na gawin yun.

"A-ako na" sabi ko.

"No. I wash the dish and you prepare your things so we can go" he said.

"H-how-" i utter but i just follow him.

I can't believe it! Baka matalo ko pa si Jackilyn Jose sa pagka Best Actress ko.

And he can do household chores. Ang ibang lalaki lalo na mayaman ay bihira mo makita na marunong gumawa sa bahay. Inaasa lang lahat nila sa mga kasambahay dahil ang katwiran nila na nagbabayad naman sila kaya bakit pa nila gagawin?

Ayoko na sana lumabas ng kwarto dahil naalala ko na naman yun mga nangyare na akala mo kaytagal na. Gustong gusto ko na umamin sa kanya at sabihin ang lahat para sa ikaluluwag ng loob ko. Bakit nagagawa nyang umakto ng normal na parang walang nangyare sa harap ko pero ako halos mamatay na sa halo halong emosyon.

Lumabas ako na pokerface pa din ang mukha. Ayoko mahalata nya na uneasy ako pero di nga ba nya nakikita?

"Let's go?" I said nakita ko siyang nakatulala sa bintana at parang malalim ang iniisip. I wonder if Gaby new that he was here.

"The rain is still heavy let's wait a little bit" he said. And he look at me. Nag iwas naman ako ng tingin.

"N-no. I mean tita is waiting we should go" damn it! Ayoko na ng magkasama kami. Hindi ko kaya. I can't last it. Nawawala ang tapang ko na komprontahin sya. Na tanungin sya. Wala naman kami e! Wala lang pero ano yun nararamdaman ko? Para san yun mga mangyare? Yun sweetness? Y-yun k-kiss?!

"I'll text her" he said

"No James! We should really go" i said na pinipilit itago ang pagmamaldita. Tangna! Hindi ko na kaya! Baka magwala nako dito hayop ka!

Tiningnan nya lang ako ng matalim at nag tiim bagang sya. His eyes was cold as ice. Para akong maninigas sa paraan ng pagkakatitig nya.

"Why do i have this feeling that you really want to get rid of me" it is not a question but really a statement na parang nababasa nya ang laman ng utak ko.

"Why should i? Wala naman dahilan diba?" There. Eto na! Nagsimula na.

"Ayoko lang mag byahe ng ganto kalakas ang ulan. Your tita can understand if we are a little bit late, what' wrong with you?" He said.

"What's wrong? You really asking me what's wrong?" It is more sarcasm. Hindi ko na kaya magpanggap! Ayoko na! Di ako sanay na magtago ng nararamdaman! Tapusin na to. Tama na.

Tinitigan nya ako na parang pagod na pagod na ang kanyang mga mata. Kumulog at kumidlat na ulit ng matalim. Pero di ako natinag.

"Tell me Zia" he said with finality. Hindi nya talaga alam?!

"Are you really that naive?! Why are you so insensitive?! Hindi mo ba napapansin na umiiwas na ako?! Na nilalayuan na kita?! Na nasasaktan nako?! Tapos tatanungin mo ako ng what's wrong with me?!" I bursted out. Nanginginig nako sa galit at parang bombang sumabog.

"I-im sorry" he said na nakatitig sakin. Puno ng awa ang kanyang mga mata. Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa magkabilang braso pero tinabig ko yun.

"Sorry? Lagi na lang bang sorry? Wala ka bang ibang alam na sabihin kundi sorry? Sawang sawa nako kaka sorry mo! Para saan ba yang sorry na yan?! Liwanagin mo kasi gulong gulo nako!" Mabibigat na ang mga mata ko. Pinipilit kong wag umiyak dahil pakiramdam ko anytine makakawala na sa mga mata ko ang di maubos ubos na luha.

"Hindi ko sinasadya. Hindi ko intensyon saktan ka Zia sorry. Baby please calm down" he was trying to reach me pero nagpupumiglas lang ako.

"Hindi sinadya? E gago ka pala talaga! Aanhin ko ang sorry mo? Mababawasan ba nun ang sakit na nararamdaman ko? Bigyan mo ako ng rason! Kasi mababaliw na ako kakaisip!" I said and sit at the sofa. Tinakpan ko ang mukha ko ng dalawa kong palad habang nakapatong ang siko ko sa aking mga hita. Galit na galit ako. Para akong bulkan na wagas kung sumabog.

"Ang totoo hindi ko din alam. Hindi ko alam kung ano ba tong ginagawa ko." He said at hindi na ako sinubukan pang hawakan. Nawala na siya sa tabi ko. Ang sakit!

"Hindi mo alam? Hindi mo alam ang dahilan? Napaka pangahas mo para halikan ako at sabihan ng kung ano anong bagay tapos sasabihin mo hindi mo alam?!" Namuo na naman ang galit sa loob ko. Wala na bang titino sa sasabihin ng isang to? Wala na bang magpapagaan ng loob ko?

"Zia hindi ko alam kung bakit! Maniwala ka! Pero ang alam ko lang gusto kita!" He shout. Napatigil naman ako dahil dun.

"Gusto kita! Ngayon ko lang naramdaman ang excitement na makita ang isang babae. Na unang kita ko pa lang sayo di na mawala sa isip ko ang mukha mo! Na gusto ko sakin ka! Hindi ko alam! Nagugulohan ako sa nararamdaman ko kasi ang bilis! Sobrang bilis na kahit ako di makapaniwala. Kahit kelan di pa ako nagka ganito! Kaya patawarin mo ako kung pakiramdam mo nilalandi lang kita at wala lang sakin to. Kasi ako nag iisip din mabuti! Iniisip ko lahat kung bakit ko ginagawa to. Iniisip ko kung tama ba. Kasi una sa lahat. Ayokong saktan ka. Yun ang una kong naiisip ayokong masaktan ka! Gusto ko ako ang magprotekta sayo! Pero ang gago ko nga kasi ako pala mismo yun nakakasakit na sayo. Pasensya na Zia! Patawarin mo ako." Parang di nag sink in sakin lahat ng sinabi nya. Parang di ko ma absorb lahat. Napa angat na lang ako ng tingin at natulala sa lahat lahat ng narinig ko.

Lumapit sya sa harap ko at yumuko ito. He bend his knee while facing me. Were at the same level. Magkaharap ang mukha namin at naramdaman ko na hinawakan nya ang mga kamay ko na nakapatong sa aking mga hita.

"Im sorry baby. I didn't mean to shout you. Please calm down. Hindi na ako sisigaw" he said while he was griping my hand and the other hand touch my face. Puno ng pagsusumamo ang kanyang mga mata.

Nanatili lang ako nakatitig sa kanya at di ko namalayan na basa na ang pisngi ko at nagbara na ang aking lalamunan. Napapikit ako at marahang umiyak.

Patuloy lang sa pag agos ang mga luha ko pero unti unting gumagaan ang pakiramdam ko. And i felt his lips tickles mine in a second. He wipe my tears in my cheeks and move closer to mine.

In a second i felt relieved when my head was on his chest while his strong arms surrounds me. In an instant all pain fades away.

Iloveyou more than ImissyouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon