Weird

7 0 0
                                    

Chapter 2

Automatic na naka ready na yun susuotin ko dahil sa 3 days lang naman kami ni mama dito di na ako nagdala ng napak raming damit. Lahat lang ng kailangan ko ang dala ko.

I wear my rip black leggings and fitted shirt dahil sa pagkakatanda ko masukal at matarik ang dadaanan pababa ng rumilo. Kaya di ako nag short dahil for sure masusugatan ako pag nadulas o nadapa ako sa kakahoyan dahil bangin ang dinadaanan pababa dito.

I put inside my bag pack my towel, cellphone, camera, wallet and personal belongings. Nag suot na din ako ng white cap at sunglasses dahil mainit na at tirik na ang araw mamaya lalo na dito sa probinsya. Nagmadali na akong lumabas dahil tinatawag nako. Nandito na din ang iba pang kamag anak at pinsan ng mama ko para sa swimming. Mini outing lang peg.

Nakarinig agad ako ng malakas na kwentohan at tawanan ng paglabas ko dahil tama ako nandito na nga yun iba namin kamag anak.

"Zia mag bless ka sa Lolo Rudy mo nandyan na din ang mga kuya mo" sabi ni mama at agad naman ako nagmano sa matanda. Tiyohin ni mama si Lolo Rudy. Siya ang nag alaga kay mama noong bata pa siya kaya malapit si mama dito.

"Napaka ganda naman ng apo ko kaawaan ka ng Diyos iha" magiliw nitong bati sakin.

"Salamat po Lo" sabi ko sabay ngiti.

"Nandyan ang kuya Nel mo" sabi ni Lolo. Si kuya Nel ang panganay na anak nito na 3 taon ang tanda sakin. Nakilala ko siya noong namatay ang Lola ko na nanay ni mama.

"Kamusta Zia?" Sabi sakin ni Kuya Nel bago pa ako bumaling sa kanya dahil kaharap ko si Lolo at Mama nandun din sila tito at tita kasama ng iba pa namin kamag anak.

"KUYA! Kamusta? Anyare sayo? Tumaba ka ata ah? Napabayaan sa kusina?" Sunod sunod na bati ko sa kanya dahil na excite talaga ako nung nakita ko siya makalipas ang ilang taon.

"Ikaw talaga! Ganun talaga ang buhay. Parang ikaw di mataba ah?" Birong asar nito sakin.

"Grabe! Di ako mataba! Hmp!" Sabi ko na may halong tampo. Ayoko talaga ng sinasabihan akong mataba. Na conscious tuloy ako bigla. Mataba na ba ako?

"Biro lang! Eto talaga! Maganda ka naman eh kaya okay lang yan" sabi pa nito sakin. Ngumiti na lang ako at inasar sya. Namiss ko si kuya dahil close kami. Kahit na bihira kami magkita at taon ang lumilipas para sakin di nagbabago yun. Maybe because i'm the eldest among my siblings. Naghahanap din ako minsan hinihiling ko na sana may kuya ako. But i love being eldest. Medyo boss kasi ang panganay. You have power in the family next to your parents.

"Oh James! Pumasok ka muna ng makapag almusal ka" boses ni tita na nagpalingon sakin sa may pinto.

"Zia maghanda ka ng isang plato para kay James" utos sakin ni mama. Sumunod na lang ako agad kahit na di ko kilala yun sinasabi nila.

"Magandang umaga po!" Magalang na bati ng may baritonong tinig na sa palagay ko ay napakinggan ko na. San ko nga ba narinig yun? At parang kilala ko ang boses na yun.

Nanlaki ang mga mata ko at muntik ng mapanganga ng humarap ako. Buti na lang di ko nabitawan ang hawak kong plato at kutsara tinidor. Dahil yun lalaking Bench Model na naligaw sa kabundukan at dahilan ng pagkainis ko kanina ay nandito sa loob ng bahay.

"Halika James maupo ka. Sabayan mo na si Zia kumain" sabi ng mama ko.

"Salamat po" magalang na sabi nito at tumingin sakin ng seryoso. Hindi manlang ito ngumiti. Blanko lang ang ekapresyon ng mukha nito at wala manlang mababakas na ekspresyon. Wow! Just wow! Edi wow!

"Pamangkin sya ni Kapitan sya ang mag ga-guide sa inyo sa pagbaba papuntang rumilo, nasa masteral sya ngayon at parte ng trabaho nya ang pag tour." Saad ni tito. Asawa ng tita ko na konsehal dito sa Laguio. So tapos na pala siya. Masteral? Ilang taon na ba to? Teka ano bang pake ko sa mayabang na to!

Iloveyou more than ImissyouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon