Denial

5 0 0
                                    

Chapter 6

Umupo ako sa kubo at doon nag pahinga. Nagpapatuyo lang ako ng pawis at maya maya ay magsiswimming na. Pumunta na din sina Kuya Nel at Arvin dito para maghanda na sa paglublob ganun din sina Laurence, Marie at Tris. Nag uusap naman sa di kalayuan si James na nakatingin sa gawi dito at si Gaby naman ay madaming sinasabi na hindi namin dinig pero base sa itsura nito mababakas mong nagpipigil ito ng galit.

Iniwas ko na lang ang tingin sa kanila. Bahala sila sa buhay nila. Malalaki na sila at alam na nila ang ginagawa nila. Inabala ko na lang ang aking sarili sa cellphone ko. Tinext ko si mama na nakarating na kami dito sa Rumilo.

"Woah! Ang sexy mo naman Tris!" Sabi ni Kuya Nel na nagpaagaw sa atensyon namin. Nakapag palit na ito ng damit at literal na napa-nganga kami sa ganda ng katawan nito suot ang red na two piece nya.

"Hindi naman. But thanks" saad nito. Maganda si Tris. May pagka morena at nasa 5'3 ang taas. Maikli lang ang buhok nito na may pagka pula na hanggang balikat. May dimple din ito sa pisngi. Hindi halata na mahilig sa red! Naartehan ako sa kanya. Or should i say hindi ko siya gusto. Famewhore masyado. Unlike Marie. Simple lang cute ito at maamo ang mukha. Opposite.

"Hays eto na naman si Tris pabida na naman." Sabi ni Marie kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti sya sakin. I don't want to be rude so i smile back at her.

"Pasensya na. Maarte talaga yan. Spoiled kasi e. You know" sabi nya ulit habang naka tingin sa ate nya na lumusong sa tubig.

"Hope you don't mind but you two are opposite" sabi ko. I'm a frank person.

"Yeah. Marami din nagsasabi sakin non. Bitch talaga si Tris halata naman, di kami magkasundo pero kapatid ko siya kaya no choice ako" natatawang sabi nito. Really? Masaya pala kausap to. Di nakakairita. Mukhang magkakasundo kami.

"I don't know her though i don't have the rights to judge her. But i agree with you." I smile as a matter of fact. Natawa naman sya sa sinabi ko.

"Mukhang girls talk kayo dyan ah babe?" Biglang singit ni Laurence na kumiss sa pisngi ni Marie. Kung sa ibang tao to baka nabwisit ako sa umay. Not that i'm insecure or what may mga couple kasi na PDA at wala sa lugar but for them i find it cute and sweet.

"Babe ano ba! Nakakahiya oh. Nasa harap tayo ni..?" Sabi nito sabay tingin sakin. Natawa naman ako sa kanya. Ou nga i forgot to introduce myself.

"Zia Cornilla Mervalles, pamangkin ako ni Kuya Nel sa pinsan" pakilala ko da kanya.

"Mariella Cazimir Marie for short, and this is my boyfriend Laurenzo Alarcon" pakilala naman nya.

"Nice meeting you Zia nakwento ka samin ni Nel habang papunta dito" sabi ni Laurence.

"At ang ganda mo nga talaga. You look like a latin-goddess medyo mataray nga lang ang itsura mo" sabi nito at tinakpan ang bibig ng marealize ang sinabi. Natawa ako dahil namula bigla si Marie.

"S-sorry ang daldal ko. P-pero totoo ang ganda mo! Mas maganda ka pa kay Tris" sabi nito na mukhang natakot kaya tumawa ako. Ang cute!

"It's okay Marie. You're not the only one who told me that. Actually it's a fact. Mataray maldita nga ako pero yun maganda? I doubt it."True. I'm not humble but i admitted. Madami akong insecurities sa katawan. I'm not satisfy in myself. Not that i'm insecure to the others actually i'm contented for what i have.

"Babe she's pretty right?" Tingin nito sa boyfriend na humihingi ng approval.

"Yes babe. But for me? You're the prettiest" sabi nito sabay halik sa pisngi at takbo palayo papunta kina Arvin na busy kakapanood kay Tris na magtampisaw sa tubig.

Iloveyou more than ImissyouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon