Chapter 1
May isang lugar sa bayan ng Laguna kung saan hindi pa naabot masyado ng maunlad na sibilisasyon ay may mga simpleng mamamayan na naninirahan sa isang barangay na kung tawagin ay Laguio.
Ang barangay na ito sa Famy, Siniloan ay may ipinagmamalaki na mumunting pasyalan na hindi pa man natutuklasan ng iba ay sikat na sa lugar na iyon.
Maganda sa lugar na ito kahit simple lang makikita mo ang ganda ng likas na yaman na inaalagaan sa lugar na ito.
Nandito ako sa may tabing kalsada dahil malapit ang tinitirahan ng tita ko at ng kanyang pamilya kung saan ako mag stay ng tatlong araw para mag swimming sa pinagmamalaki ng lugar na ito na Puting Bato mas kilala din sa tawag na Rumilo ng mga taga-rito.
Sobrang na-miss ko ang lugar na to kung saan ako isinilang. Taon taon ako umuuwi dito kahit ilang araw lang para mag bakasyon at makadalaw. Taga dito ang aking mama at nakapangasawa ng taga-Bulacan kung saan kami nakatira ngayon. Dito ako lumaki kasama ng mga lolo at lola ko mga tito at tita. Malaki ang angkan ng pamilya namin dito ngunit ng siyam na taon gulang nako sinabi ko sa papa ko na gusto ko na lumipat ng Bulacan.
Naglakad lakad ako sa tabing kalsada ngayon umaga habang inaalala ang masasayang karanasan ko dito at pinagmamasdan ang pagsikat ng araw makikita mo na unti unting lumiliwanag ang ganda ng paligid maaliwalas ang kabundukan na matatanaw sa zigzag na daanan naang gilid ay bangin. Matatanaw mo ang berdeng paligid kasama ng naglalakihang punong kahoy at mga bulaklak sa paligid. Mapagmamasdan mo ang bughaw na kalangitan na lumiliwanag na natatakpan ng puting mga ulap at ang pagdampi ng sariwa at malamig na hangin na sa probinsya mo lang mararanasan. Hindi tulad ng hangin sa syudad.
Hawak ko ang aking cellphone at naisipan kong mag selfie na background ang magandang paligid. Maganda ang atmosphere sa umaga hindi masyadong maiinit habang patuloy na naglalakad sa aspaltong kalsada high way kung baga. Meron din mumunting mga kubo at tindahan na layo layo. Marami na din mga bahay at makikita mong umuunlad ang barangay namin sa paglipas ng panahon.
"Ingat miss baka masagasaan ka. Mabilis ang mga sasakyan dito." Sabi ng isang baritonong tinig na nagpatigil sakin.
Hindi ko namalayan na nasakop ko na ang kalsada sa aking kinatatayuan dahil naaliw ako sa pagkuha ng larawan ng aking sarili.
Napatingin ako sa lalaking may baritonong tinig at di ko mapigilan na mapangiti dahil ang gwapo nya! Shit! Juskolord! Salamat po sa maagang biyaya alam ko po na mahal na mahal nyo ako.
"In-love ka na nyan Miss?" Sabi nya. Nawala ang ngiti ko ng mapag tanto kong natulala ako sa kanya. Matangkad ito at may mapupungay na singkit na medyo bilugan ang mga maga. Matangos ang ilong at may makakapal na kilay at pilikmata. Mapapansin mo din ang pangahan nitong mukha at itim na buhok na medyo mahaba ngunit katamtaman lang sa itsura at nandun din ang mapupula nitong labi. Ngumiti ito sakin at lumabas ang dimple sa kanyang pisngi. Meron din itong hikaw sa kanang tenga at literal na matipuno ang katawan na mapapansin mo dahil sa suot nyang sando na makikita mo ang kurba at laki ng muscle sa braso. Nahahapit din ang suot sa katawan kung kaya't bakat ang mga linya nito sa kabuan.
"Sorry?" Mataray kong balik. Gwapo nga! Mukhang greek god sa probinsya na bumaba sa bundok ng olympus ngunit bundok ng laguio. Papasa din na Bench model pero arogante. Sabagay karamihan naman ng gwapo ngayon mayayabang. Lakas ng tiwala sa sarili na akala mo dahil biniyayaan ng itsura sinalo na lahat. Kahit pala sa probinsya may ganto na din mga lalaki hindi na katulad ng kwento noon na maginoo ang mga lalaki sa kapanahunan pa ni kopong kopong. Pero di ko kilala si kopong kopong sino ba yun? Kaya lolo at lola na lang.
"Love the view? Miss?" Sabay kindat sakin! Iww! Kung di lang to mayabang matutuwa na sana ako. Pero napansin kong di maalis ang ngisi nyang pilyo at nakakaloko sakin.
BINABASA MO ANG
Iloveyou more than Imissyou
Ficción GeneralNot all love exist forever but memories.. Rica♡