Chapter 12
Nagising ako ng 11am sobrang sakit ng ulo ko parang binabarena. Sumasakit na din ako sikmura ko parang sobrang punong puno ito tumakbo agad ako sa banyo at sumuka.
Napakarami ko sigurong nainom kagabi. Naligo agad ako at nagbabad para mahulasan. Ngayon na lang pala ako nakainom ng ganun kadami. Sobrang lasing na lasing ako. Ano bang nangyare?
Nagbihis agad ako ng racer back sando at maong shorts. At daily routine ko na ang proper grooming. Wala na si mama kanina nung nagising ako baka nakalayas na o nasa labas na.
Naiisip ko na naman ang mga nangyare sa buhay ko kahapon. Hindi ako makapaniwala na sa loob lang ng isang araw pwede mabaliktad ang lahat. Napaka mapaglaro talaga ng tadhana. Hindi mo alam kung anong mangyayare mamaya o sa susunod pa. Kaya dapat lagi kang maging handa, kasi baka sa sobrang kampante mo sa kasiyahan makalimutan mong masasaktan ka na pala mamaya.
Naupo ako sa kama at tumanaw sa bintana. Makulimlim sa labas mukhang uulan. Ramdam na ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin dito sa probinsya.
Mukhang nakikiayon ang langit sa nararamdaman ko. Unti unting pumatak ang ambon. Nakikita ko mula sa bintana ang napaka gandang mga bundok na berde dito sa laguna. Kahit na ang sakit ng nararamdaman ko nakakatulong ang magandang tanawin kahit na unti unti na itong natatabunan ng mga ulap.
Sadyang nang-aasar lang talaga ang tadhana. Nagpatugtog sa labas. Tingin ko galing ito sa radio.
Now Playing: Baliw - KissJane
Parang gulong ako'y pinaikot ikot mo lang
Di maintindihan bakit damdamin ko'y pinaglaruan
Basura ba ang pag-ibig ko
Ano nga ba ang gagawin ko..Ang bigat bigat ng puso ko. Nasasaktan pa din ako. Pakiramdam ko pinagpalit ako ng taong di naman akin. Ano kayang ginagawa ni James? Nasan kaya siya? Baka magkasama sila ni Gabrielle. Masaya kaya siya ngayon? Naalala kaya nya ako? Wag ka na umasa may girlfriend na yun tao ano ka ba! Masaya na siya. Kung mahal nya si Gabrielle bakit niloloko nya to? Bakit sya nakipaglandian sakin? May girlfriend sya pero tinatanggi nya. Ano ba talagang totoo? Gulong gulo nako!
Nababaliw na ako iyo
Ako'y gulong gulo
Naloloka nahihibang
Sa kaiisip sayo..Bakit siya nag sosorry sakin? Ano yun di pa sya handa? Ano yun aayusin nya? Ano ba! Bakit napaka dami kong tanong pero wala naman sagot! Nababaliw nako kakaisip. Kasi ang dami ng tumatakbo sa isip ko pero ako din yun sumasagot. Ayoko naman magtanong dahil ano na lang iisipin nya? Assumera ako? Baka namisinterpret ko lang lahat! Ano ba? Jusko! Meron Gabrielle pero di girlfriend? Hinalikan nya ako ng ilang beses. Sabi nya sa kanya ako. Nagseselos sya? Bakit? Mahal din kaya nya ako? Sinabi ba nya na mahal nya ako? Isang araw? Ni hindi ko pa sya kilalang lubusan!
Laro lang ba sayo
Ako'y iyong pinagpalit
May iba ka ng mahal
Basura ba ang pag-ibig ko
Ano nga ba ang gagawin ko..Lumakas na ang ulan at ramdam na ramdam ko ang lamig. Lamig na bumabalot sa aking puso. Lalong kumikirot at di ko namalayan na umiiyak na naman pala ako. Ang sakit sakit na talaga. Isang araw pa lang pero para na akong mamamatay sa sakit. Kasi ang totoo mahal ko na sya. Parang totoo lahat ng sinasabi nya. Naniniwala ako sa kanya. Pero ayoko masaktan at mapahiya. Anong gagawin ko? Kailangan matapos na to! Kailangan magkaalaman na agad. Kailangan ko sabihin ang nararamdaman ko para matahimik nako. Yun lang naman ang magpapalaya sa tao e. Katotohanan. Kahit anong mangyare bahala na. Kesa patuloy akong masaktan at magpaka martyr! Tama na ang iyak. Nakakapanget! Hindi ako pumunta dito para magluksa. Nandito ako para sumaya. Tatlong araw lang. Bukas uuwi na kami. Makakalimutan ko din sya. Hindi na kami magkikita pagbalik ko sa Bulacan.

BINABASA MO ANG
Iloveyou more than Imissyou
Ficción GeneralNot all love exist forever but memories.. Rica♡