SEAN's Pov :
Nakakabadtrip talaga kapag may barkada kang maloloko . Hindi na nga napansin ni Cheska yung sinabi ko eh pero pinansin pa rin nila . Nakakahiya tuloy kay Cheska napahiya ako sa harap niya ng dahil sa mga gago na yun !
Konti lang kase ang alam ko sa English mga basic lang tulad ng Hi , Hello , How are you ? , Where are you ? , What are you doing ? pero marunong ako magkorean , chinese , thailand at pilipino .
Hindi ko kasi hilig mag aral eh . Nakakatamad lang yang pag aaral na yan . Hindi mo naman masyado magagamit yung iba mong pinag aralan . Tsaka hindi ko na masyadong kelangan mag aral dahil marami kaming sariling kumpanya at pag nasa right age na ako . Ako ang magmamanage ng kumpanya namin . kaya hindi ko kelangan ng aral na yan .
' Hoy ! Okay ka lang ? '
parang bumalik ako sa ulirat ng may gumulat sakin . Si Cheska
' Bakit ka ba nanggugulat ? '
' Nagulat kaba ? Mukha namang hindi eh ! Hahahaha '- Cheska
' Magpapahatid kaba o iiwan na kita ? Uuwi na din ako eh '
' Ihatid mo muna ko bago ka umuwi . Nagsabi sabi ka kanina na ihahatid moko diba ? kaya magdusa ka '- Cheska
Anung dusa dun ? Hindi ako nagdudusa na ihatid ka eh . Parang gusto ko pang gawin to araw araw . Aissh !! Ewan ko ba !
' Aiisshhh !! Dami mo satsat ! Sumakay na ! '
Nauna akong pumasok sa kanya sa kotse , Inaantay niya atang pagbuksan kopa siya ng pinto ng kotse pero hindi ko siya pinag buksan hahahaha
at umupo na siya sa tabi ko at pinaandar ko na yung kotse ko . Sana hindi niya maalala yung nangyari kanina .
--------------------
CHESKA's Pov :
Hindi ko talaga makalimutan yung sinabi niya kanina . Hahahaha pero pinipigilan ko lang tumawa baka kasi mabadtrip nanaman to at hindi ako ihatid iwan ako dito kaya kanina kopa pinipilit yung tawa ko
' San ba banda bahay niyo ? '- Sean
' Malapit lang dito . Lumiko ka dyan sa kanan '
' Iskinita ? Madilim nga ? Delikado ? Skwater ba dyan ? '- Sean
Ano ba sa akala niya yung lugar namin ? Porket iskinita at madilim ang daanan ay skwater na agad sa paningin niya ? Porket sa mansion siya nakatira o kahit saang lupalop pa .
' Hindi no ! Short cut dito Liblib lang yung amin kase dulo pa at maglalakad pa ko '
' Hindi kasya kotse ko dyan ? '- Sean
Kung hindi din talaga tanga bente to eh! may kotse bang kasya sa iskinita ? San na napunta yung utak niya ?
' Obvious ba ? Kaya nga maglalakad nalang ako eh . Salamat ha ? ' at sinira ko na yung pinto ng kotse niya
pero may makulit na lahi ata tong mokong nato dahil bumaba pa talaga siya sa kotse niya . Ano bang trip nito sa buhay ? May dadaanan ba siya dito ?
' Ihahatid na kita papasok sainyo ? '- Sean
Kung hindi lang kita kilala malamang maiisip ko na napakabait mo pero kilala kita kaya sorry nalang . Mamaya may gawin kapa sakin sa iskinita eh.
' Okay na ako dito . Salamat nalang . Malapit naman na bahay namin dito eh '
' Hindi okay lang talaga '- Sean
may makulit ata talagang lahi to pero ayoko na makipag matigasan sakanya kaya naman nauna na ako maglakad sakanya at sumunod lang siya sakin
Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad pauwi ng bahay . Walang nag iimikan .
' Pwede ba ako magtanong ? '- Sean
' Oo naman . Ano ba yun ? '
' Bakit ka nagtatrabaho sa bar ? '- Sean
' Financial problem ? '
' Asan magulang mo ? Wala bang trabaho papa mo ? '- Sean
' Wala na siyang trabaho . Natanggal siya eh . Sa katandaan na din kaya ako na ang nagtatrabaho samin '
Bakit koba sinasabi sakanya yung kwento ng buhay ko ? Sino ba siya ? Pero bakit ang gaan ng loob ko magkwento sakanya ? Ang bilis magsalita ng bibig ko pag siya ? Hayy ! Bahala na nga .
' Buti nakakaya mo ? Nag aaral ka pa ? Napapagsabay mo ? '- Sean
' Oo kaya ko para naman sa pamilya ko eh . Wala akong hindi kayang gawin '
at tumigil na kami sa gate pinto ng bahay namin
' Papasok na ako ? '
' Pwede bang pumasok muna ? '- Sean
Ano ba talagang trip niya sa buhay ?
' Si-sige pasok ka '
at pumasok na kaming sabay pagkasara ko ng pinto
--------------------------------------
Nagkausap na sila sa wakas ! </3
Sorry for the typo ;)
Vote , Comment are appreciate ;)
Read and Enjoy ;)
BINABASA MO ANG
Boys Next Door And Me
Teen FictionMaganda kaya ang magiging buhay ko sa pag pasok ko sa Young Academy o puro kamalasan din ang mapupuntahan ko ? Sa mga trip ang Meteor Garden ? Medyo similar to ! Haha nainspire lang sa pinanuod ko ! Haha i Love Huaze Lei ko ! Haha Choss .