35 : First Move

167 7 2
                                    

CHESKA's Pov :


* RIIINNNGGG * RIIINNNGGG * RIIINNNGGG *

Labasan na ! May isang subject pa akong papasukan tapos uwian na


Naglalakad ako sa may hallway ng maramdaman kong parang may sumusunod sakin kaya tumingin ako sa likuran ko pero wala namang sumusunod eh puro studyanteng nakatambay lang ang nakita ko kaya humarap ulit ako sa nilalakaran ko ng 

' HOYYYY !! ' isang lalaki yung sumigaw sa harap ko kaya nagulat ako at napaupo sa sahig

Ano bang ginagawa niya ? Opss ! Wait ! Yung libro ko kinuha niya ? May dala akong libro kanina pagbagsak ko nabitawan ko ngayon naman kinuha ng mokong tapos itinakbo . San ba siya pupunta ?

Kaya kahit masakit pa yung pwet ko sa pagkabagsak ay sinundan ko pa rin yung lalaking kumuha ng libro ko . Napakamahal ng libro ko na yun hindi lang piso yun

Nakita ko sa may field yung lalaki na kumuha ng libro ko at hawak hawak niya pa to halatang inaantay niya ako dahil tinaas niya pato para mapansin ko agad na nasa kanya

' Miss ? Ito ba hanap mo ? '- gagong lalaki

Ano ba sa akala niya ? May iba pa ba akong hahanapin dito ? Yan lang naman kinuha niya sakin ?

' Akin na yan ! Kung ayaw mong may mangyari sayo ? ' pananakot ko pero sa totoo lang hindi ko talaga alam gagawin ko ang dami nila don tapos may mga hawak pang pamalo hindi ko alam kung pano ko kukunin yung libro okay lang sana kung isang daan lang yung libro na yung kahit hindi ko na kunin yun eh . Abuloy ko na sakanya yun kaso libo yun ! Libo ang halaga nun kaya kukunin ko yun kahit anong mangyari

' Bakit miss ? Anong gagawin mo ? Susuntukin moko ? Hahahaha '- gagong lalaki

' Lumapit ka dito ? Makukuha mo na agad to '- gagong lalaki

kaya hindi na ako nagdalawang isip na lumapit pa lalapit lang pala tapos makukuha ko na agad ? bakit niya pa kinuha sakin yun kanina kung ganon din naman pala niya kabilis ibibigay yung libro ko . Wala ba siyang pambili ng libro ? Malapit na ako sakanya kaya naman nilahad ko na yung kamay ko tanda na akin na yung libro ko kinukuha ko na

' Ano ba sa akala mo ? Madali lang makuha to ? Hahahaha '- gagong lalaki sabay tumango hindi ko alam kung para saan yung tango na yun pero may biglang pumalo sa likod ko na parang matigas na kahoy yung pinamalo kaya napaluhod agad ako sa sahig

' Akala ko ba malakas ka ? Lumaban ka ? '- gagong lalaki

Halos nakaluhod na ako pero yung mga gago na to tuloy pa din ang pagpalo sakin

Palo dito . Palo doon .Palo sa hita ko . Palo sa braso ko . Palo sa likod ko feelling ko mamamatay na ako sa sakit . Ganito pala yung pakiramdam ? Feeling ko anytime babagsak nako dahil nakaluhod lang ako ngayon at pilit tinatatagan yung katawan ko dahil pilit kong inaabot yung libro na hawak ng lalaki . ilang minuto din nila akong pinapalo ng bumagsak na ako

Hindi ko na kaya yung sakit kaya napadapa na ako . Naramdaman ko naman yung libro ko na pinalo sa ulo ko ng gagong lalaki na yun .

' Ayan na yung libro mo lampa ! Akala mo sinong matapang wala pa. Hahahaha '- gagong lalaki

halos naririnig ko yung mga tawanan nilang akala mo wala ng bukas pero natigil lang yun ng may sumigaw na pamilyar na boses 

' Bakit ang iingay niyo ! Ano bang ginagawa niyo dyan ? '

Kilala ko nga si Sean ? Mukhang papalapit siya dito dahil sa tinig niya

' Wa-wala po '- yung gagong lalaki

Boys Next Door And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon