SEAN's Pov :
Umiinom kami nila Tantan at Lian dahil inaya ko sila dito sa bahay
' Grabe ka pre ! Ginawa mo talaga yun ? '- Tantan
' Oo kaya naman antayin niyo mamaya maya tatawag na sakin yan '
* RING * RING * RING *
' Speaking pre ! Hahahaha '- Tantan
Si Cheska na yung tumatawag sakin kaya naman sinagot ko na kahit medyo kinakabahan ako
' Hello ? ' yung tono ng boses ko parang wala akong ginawa yung parang pa inosente
' Bwisit ka talaga ! Pa inosente kapa ! '- Cheska
' Ha ? Bakit may ginawa ba ako sayo ? Ikaw nga tong galit sakin eh '
' Bwisit ka ! Peste ka sa buhay ko ! Simula ng dumating ka sa buhay ko nagkanda letse letse na yung buhay ko ! Pwede bang tanggalin mo na yung mga kinalat mo dito sa bahay ang liit liit na nga ng bahay namin dito mo pa to tinatambak ! Hindi mo nalang itambak sa bahay niyo tutal malaki naman bahay niyo diba ?! '- Cheska
' Easy ka lang . Para sainyo yan . Bayad ko sayo yan sa lahat ng kasalanan ko sayo '
' Di ko kelangan ng suhol mo ! Galit ako sayo ! Kaya ibabalik ko na yung mga kinalat mo dito ! Salamat nalang pero kaya kong pagtrabahuan yung mga gamit nato ! '- Cheska
' Ngayon pa at wala ka ng trabaho sa pub ? '
Inaasar ko talaga siya ngayon at ako ang may pakana na wag na siya magtrabaho sa pub nila Tantan dahil alam ko na mababastos siya dun puro bastos kaya ang mga lalaki dun . Gusto ko kasi na dito siya sa bahay namin magtrabaho at maging personal maid ko siya
' Bwisit ka talaga ! Ikaw din ang may pakana nun nu ! Ano ba talaga gusto mo mangyari ha ?! '- Cheska
' Bukas 1:30 sa field kapag dika pumunta lalo kong guguluhin yung buhay mo '
' Bwisit ka tal--- '- Cheska
at binaba ko na yung phone ko . Ayoko na kasi marinig pa yung sasabihin niya at alam ko na pupunta yun bukas sa field takot niya lang guluhin ko buhay niya
' Ano na nangyari pre ? '- Tantan
' Oo nga mukhang succesfull ah ? Nakangiti ka abot hanggang tenga ah ? '- Lian
' Hahahaha niyaya ko si Cheska bukas ng ala una sa field manliligaw na ako sakanya '
' Tang ina pare ! Marunong ka ba manligaw ? Hahahaha '- Tantan
' Gago to ah ! Syempre naman tuturuan niyo ako ! Ano ba dapat gagawin ? '
Oo nga pala ! Di nga pala ako marunong manligaw ? Kahit kelan hindi ako nanliligaw sa babae dahil diko na kelangan manligaw pa sila na ang lumalapit sakin . Si Sean na gwapo at mayaman ay hindi na nanliligaw pa isang tingin at kindat ko lang sa isang babae lumalapit na sakin pero kay Cheska wala atang karisma ko sa babae na yun kaya kelangan ko manligaw baka maunahan pa ako ni Scott mahirap na . Kahit kelan hindi ako natatalo sa lahat ng laban ko at lahat ng gusto ko nakukuha ko .
' Sige pre bukas kami na bahala diba Lian ? '- Tantan
sabay tapik ni Tantan kay Lian at nag nod naman ang dalawa sakin habang ngumingiti ngiti na .
Sana mapasagot ko si Cheska bukas
-------------------
Sorry medyo maikli ang update ko ..
Vote , Comment are appreciate ;)
Read and Enjoy :*
BINABASA MO ANG
Boys Next Door And Me
Teen FictionMaganda kaya ang magiging buhay ko sa pag pasok ko sa Young Academy o puro kamalasan din ang mapupuntahan ko ? Sa mga trip ang Meteor Garden ? Medyo similar to ! Haha nainspire lang sa pinanuod ko ! Haha i Love Huaze Lei ko ! Haha Choss .