31 :

169 6 0
                                    

SEAN's Pov :


' Good night ' sabe ko sakanya pero hindi na siya sumagot . Siguro nakatulog na dala na rin siguro ng pagod niya kanina pa sa trabaho

Ewan ko ba kung bakit ganto yung nararamdaman ko ? Kapag kasama ko siya parang ang saya saya ko . Hindi ko maintindihan tong nararamdaman ko ngayon . Parang gusto ng katawan kong kasama ko siya lagi feeling ko gusto ko na siya . Pero wait ! Ano ba tong sinasabi ko ? Nagkakagusto ako sakanya ? Baka naman kasi yung sa ugali niya ? Diko maintindihan ! Makatulog na nga lang .




------------------

( KINAUMAGAHAN )


Maaga ako nagising ? Hindi to kapanipaniwala ah? Late na ako nagigising lagi eh pero bakit ang aga ko nagising ngayon ?

Naalala ko nasa ibang bahay nga pala ako ! Kaya siguro hindi ako makatulog ng maayos .

Bumangon na ako at nakita ko si Cheska na nasa higaan niya pa at natutulog . Late na din siya kung magising ? Ibang klaseng babae ? Si Ate at si Mama maagang nagigising kapag may pupuntahan eh pero itong babae na to iba ! Incredible! Haahahaa

Pumunta ako sa higaan niya at tinignan ko yung maganda niyang mukha . Mala anghel yung mukha niya . Tinignan ko din yung ilong niyang napaka tangos , yung labi niyang napakalambot na parang gusto kong hawakan at angkinin kaso hindi naman pwede dahil amazona tong babae na to .


' MANYAAAAKKKK !!! '- Cheska

sabay tulak sakin kaya naman napaupo ako sa sahig . Aww ! Sakit sa pwet nun ah !




----------------

CHESKA's Pov :


Nagising ako na parang may tao sa harap ko dahil ramdam ko yung paghinga niya sa mukha ko parang nakatitig sakin . kaya naman dumilat ako para makita kung totoo nga ba o panaginip lang

Pagdilat ko si Sean nakatitig sa mukha ko kaya naman napasigaw ako at naitulak ko siya


' MANYYYAAAKKK !! ' sigaw ko sakanya


feeling ko namumula na yung mukha ko na parang kamatis sa pula dahil sa inasal niya ngayon . Ang aga aga eh ! Ano bang trip niya talaga sa buhay ?


' Hoy ! Hindi kita minamanyak ha ! '- Sean

Talagang dinipensahan pa niya yung sarili niya eh kitang kita ko na nga siya kanina eh . Kung hindi ko pa siya tinulak ay malamang nahalikan kona siya dahil pagkagising ko dali dali pa naman akong bumabangon .


' Anong tingin mo dun ? '

' Tinitignan ko lang naman yung mukha mo .. kasi may panis na laway ka ! Hahahaha '- Sean


Bwisit to ! Hinawakan ko agad yung dalawang pisngi ko pati yung gilid ng labi ko baka nga meron may time pa naman na nagkakatulo laway talaga ako sa sobrang pagod . Sino ba namang hindi tao ang tumutulo ang laway baby nga tumutulo minsan ang laway eh tayo pa kayang matanda na pero wala naman akong nahawakan eh . Nang aasar lang ata to eh . Ang aga aga binabadtrip ako ng isang to !


' Wala naman ah ! Sabi mo meron ? '

' Hahahahaha wala nga muta lang meron . Hahahaha '- Sean


Nang marinig ko yung sabi niya eh . Hinawakan ko agad yung mata ko baka meron nga , Nakakahiya naman sakanya at nakita niya yun . Pero meron nga konti nga lang . Bakit ang lakas niya mambwisit ang aga aga .


' UMALIS KANA NGA SA KWARTO KO ! UMUWI KANA SAINYO ! ANG LAKI LAKI NG BAHAY NIYO DITO KAPA NAKIKISIKSIK SA BAHAY NAMIN !! ' sigaw ko sakanya at pinagbabato ko siya ng unan ko eto namang mokong nato pana'y ilag kaya hindi natatamaan ng unan . Bakit kaya ang galing niya umilag ?

Maya maya hindi ko napansin na may paparating na unan sa mukha ko yun pala gumanti ang loko sakin . Hinagisan niya ko ng unan . Kaya na out of balance ako at natumba sa sahig nasa kama kase ako habang siya nakatayo na sa baba .

Aww ! Sakit ng pwet ko dun ah ! Hindi pa talaga siya nakuntento at hinagisan ulit ako ng isang unan pero nakailag ako . Ano bang akala niya hindi ako marunong ? 

Tignan natin hinagisan ko din siya ng unan na binato niya sakin hanggang sa nag pillow fight na kami .











---------------

sorry for the typo ..

Vote , Comment are appreciate ;)

Read and Enjoy </3

Boys Next Door And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon