Untitled Part 43

118 6 2
                                        

SEAN's Pov :


Nauutal ako magsalita ngayon kay Cheska . Hindi ko alam kung bakit ? Kung bakit ganito yung nararamdaman ko ngayon , Ngayong kaharap ko pa siya . Bakit pa kasi ako pumayag sa ganitong set up ?

' A-ahh . Ka-musta araw mo ? ' 

 ' Talaga bang tinatanong mo ko? Nakakapanibago naman '- Cheska

ay! pucha naman oo ! Ano bang utak meron tong babae nato ? Pilosopa talaga kahit kelan ? Kaya biglang nag init yung dugo ko sakanya

' TINATANONG KA NA NGA IKAW PA NAGREREKLAMO !!? ' 

 ' Ano ! PINAPUNTA MO BA AKO DITO PARA SIGAWAN MO LANG !!? '- Cheska


Mukhang nagkakainitan na kami ni Cheska dahil nagsisigawan na kaming dalawa . Napansin ko naman na lumabas si Tantan sa gilid at nagsasabi sakin na kumalma ako si Cheska yung kaharap ko at kelangan ko itong suyuin kaya naman huminahon na ako at nagtimpi nalang para kay Cheska . Iba pala talaga no kapag mahal mo ?

Kaya naman naisip ko nalang na ayain na siya kumain para naman malibang kame

' Kain na tayo ' aya ko

' Sge ' 


Mukha namang wala ng saltek tong babae na to at pumayag agad tsaka halata naman sa mukha niya na gutom na siya eh . Kaya kumain na din ako


( FAST FORWARD ) 


' Mahal mo ba ako ? '


Ewan ko kung ano sa bibig ko ? Hindi ko din alam kung bakit lumabas sa bibig ko yung mga salita na yun .Tinignan ko si Cheska wala siyang sagot sa tanong ko . Kinakabahan ako . Ito na ba yung sinasabi nila Tantan na busted ? Ganito ba yung sitwasyon na yun ? Naiisip ko palang na mababusted na ko ni Cheska ay parang gusto ko na manuntok halos lahat ng kahihiyan ginawa ko para dito . Hindi ako ito eh yung manliligaw para sa babae magpapaka romantiko para lang sakanya pero nagagawa ko to ngayon dahil mahal ko siya .

Pero 10 minutes na ata kami pero wala pa din siyang sagot kaya naman tinanong ko ulit siya


' Mahal mo ba ako ? ' 


Pero parang tanga si Cheska naka nganga siya ngayon at nakatulala sakin . Natatawa ako sa itsura niya ngayon sa harap ko ang sarap niyang picturan habang naka ganyan nakakatawa


' A-h , a-h *cough * cough * cough * cough * '- Cheska


Nagulat ako kasi biglang inubo si Cheska . Anong nangyari ? Kumuha agad ako ng tubig para ipainom sakanya at kinuha naman niya ito . Halos dina makahinga si Cheska dahil dun ah ? Kinabahan ako .



- - - - - - - - - -


CHESKA's Pov :


Bwisit na langaw yun ! Eksena ! Kala ko mamamatay na ako dahil hindi ako makahinga kanina dahil sa pesteng langaw na yun buti nalang binigyan agad ako ni Sean ng tubig at nakahinga na ako ng maayos .

Oo na sana ako kaso bigla namang naudlot edi sana okay na hindi na ako kinakabahan nanaman ngayon

' Anong nangyari sayo ? Okay ka na ba ? '- Sean

Sasabihin ko ba ? Tatawanan lang ako neto panigurado

' Pesteng langaw kasi yun eh . Pumasok ba naman sa bibig ko habang naka nganga ako kanina '

' Hahahaha bakit ka kasi naka nganga ? Hahahaha '- Sean

Bwisit na to ! Sinasabi ko na nga ba eh . Tatawanan lang ako neto kaya ayoko sabihin nagkamali ako .

Nag walk out ako sa harapan niya dahil naasar ako sa inasal niya kanina alam niya namang muntik na akong hindi maka hinga eh tapos tatawanan niya ako ngayon peste talaga siya 


' CHESKA ! CHESKA ! CHESKA !! '- Sean


Naririnig ko yung pagtawag niya sakin pero hindi ko siya pinapansin dire-diretso pa din ako sa paglalakad wala akong pake sakanya ngayon dahil galit ako sakanya at pinagtawanan niya ako

Pumunta ako sa locker room namin para kunin yung pang PE ko dahil friday nga pala ngayon at P.E. kame sinara ko na yung pinto ng locker ko at aalis na sana ako ng bigla akong napaharap ng  nasa likod ko .

Si Sean ! Ano bang ginagawa niya dito ? Hindi niya ba ako titigilan sa pang iinis niya sakin ? Pano ? Pag saa ko ng locker room ko . Tumambad lang naman yung mukha niya sakin

' Talaga bang hindi mo ako titigilan ? ' sabi ko na may pigil na galit

' Hindi ko naman sadyang pagtawanan ka kanina eh '- Sean

' So , napilitan ka lang ganun ? ' naiinis na talaga ako  parang feeling ko gusto ko na sumabog ng inis at galit ng dahil sakanya

' Hindi naman pwede ba tayo mag usap ? '- Sean

' Wala na tayong dapat pang pag usapan at tigil tigilan mo na yung panggugulo sa buhay ko '


At nag walk out na ako para naman malaman niya na ayoko na talaga siya makausap pa inis na inis talaga ako sa nangyari kanina . Hindi ko naman dapat pang alalahanin dahil lalo lang ako maiinis sa kanya pero ..

' Cheska '- Sean

' Cheska '- Sean


Hindi ko pa din siya hinaharap pero feeling ko sinusundan niya ako ng hatakin niya yung braso at bigla akong napaharap sakanya . Gusto ko siya suntukin dahil sa inis at galit na ginawa niya sakin kanina at ngayon naman gusto ko tadyakan yung mukha niya dahil ninakawan niya ako ng halik . Grabe first kiss ko yun at siya pa ang nakakuha .

Pero bakit hindi ko siya pinigilan ? At parang gusto ko pa . Halos hindi na ako makalagaw sa posisyon naming dalawa . Siguro sa gulat na nangyari pero ang tanging iniisip ko lang ay ( cheska ! Umalis kana sa pagkakahalik niya , sampalin mo sya at tumakbo ka na ) pero bakit hindi ginagawa ng katawan ko ? Hayys !






---------------------

Thanks for reading guys ;)

Sana may Book 2 siya kapag hindi ako tinamad hahahaha ^_^

Read , Vote , Comment and Enjoy :*


Boys Next Door And MeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon