30th :

195 7 3
                                    

SEAN's Pov :


Arrrggghhh !! Anong higaan meron ba yung bata na yun ? Bakit hindi ako makatulog sa higaan niya ?

Balikwas doon , balikwas dito pero kahit anong higa ko ay hindi pa din ako makatulog kaya bumangon ako para tignan yung ilalim ng higaan niya at bakit hindi ako maayos ng tulog

Binuklat ko yung fome niya pero wala naman akong nakita na kahit anong meron sa ilalim eh kaya naman wala na ako magawa kundi bumalik sa pagkakahiga

Gising pa kaya yung babae na yun ? Baka naman tulog na ? Makalabas na nga lang . Inom muna ko ng tubig

Malapit na ako sa kusina ng may narinig akong bumukas na pinto na galing sa kabilang kwarto

( Mukhang si Cheska yung lumabas ah . Pupunta ata siyang kusina tamang tama ) kausap ko sa sarili ko

Nakita ko siya na nasa harap ng ref at kumukuha ata ng tubig na malamig ng pumunta ako sa likod na niya

Nanghaharap na siya sakin para isalin yung tubig ng pitsel sa baso .

' ANAK KA NG DEMONYO !! '- Cheska

Hahahahaha grabe yung mukha niya parang nakakita talaga ng demonyo muntik pa ngang mabitawan yung hawak niyang pitsel eh .

' Hahahahahahahaha sinong demonyong sinasabe mo ? '







-------------------



CHESKA's Pov :

Lumabas ako ng kwarto dahil hindi ako makatulog ngayon . Bakit kaya ? Mahimbing naman ako matulog eh kahit saang bahay pa . Hindi uso sakin yung sinasabi ng matatanda na baka namamahay ka lang .

Pumunta akong kusina para uminom muna ng tubig nauuhaw ako eh


Kumuha ako ng pitsel sa ref at ng isasalin ko na sa baso ay nagulat ako sa nakita ko . Nasa likod ko lang naman tong Sean antipatiko na to.

' ANAK KA NG DEMONYO !! '

napasigaw nalang ako sa gulat ng makita ko sa harapan ko si Sean . Muntik ko pang mabitawan yung baso at pitsel na hawak ko .


' Ano bang ginagawan mo diyan ? ' tanong ko sa kanya. Hindi ko kase siya masigawan eh baka magising si Mama at Papa baka magtanong yun kung anong nangyayari dito . Sana hindi nila marinig na sumigaw ako kanina

' Kukuha sana ako ng tubig na malamig sa ref . Nakita kase kita nauna ka kumuha kaya inantay nalang kita makakuha tsaka anong anak ako ng demonyo ? Anak ako ng magaganda't gwapo no ! '- Sean

' Talagang proud na proud kang gwapo ka ! Hindi ka gwapo ugok ! '

Lumayo ako sakanya konti at pumunta ako sa lamesa at umupo

' Sinong hindi gwapo ? '- Sean

talagang lumapit siya sakin at paharap siya ng paharap sa mukha ko yung mukha niya pa nilalapit niya pa sakin habang tumatawa tawa pa siya

' Sinong hindi gwapo ? '- Sean

bungol ba siya o sirang plaka ? Paulit ulit eh .

Halos hindi nako makakilos sa ginagawa niya ngayon parang matutunaw nako sa inuupuan ko ngayon . Omygod ! Oo na gwapo kana ! Umalis kana sa harap ko pwede ? Gustong gusto ko sabihin sakanya kaso baka lumaki ulo nito . Kaso papalit talaga siya sa mukha ko ng papalit . Please lupa kainin mo na ako ! Malapit na yung mukha niya sa mukha ko yung parang magkikiss na kame kaya naman pumikit na ako dahil ayokong makita yung susunod na mangyayari .. ng .....

Boys Next Door And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon