39 :

145 8 0
                                    

CHESKA's Pov :


Halos isang linggo akong hindi pinapasok ni Mama sa eskwelahan dahil sa mga pasa ko buti ngayon okay na yung katawan ko . Meron naman akong excuse na binigay na daw ni Sean sabi ni Mama kaya okay lang daw ako umabsent at hindi mapasukan yung mga subject ko kaso mahihirapan nga lang ako humabol sa mga lesson namin .

Habang naglalakad ako sa hallway papuntang room yung mga nadadaanan ko parang lumalayo sakin .

Ano bang problema ? Sakit nanaman ba sa katawan yung maaabot ko ? Hindi na ba ako makaalis sa ganun hanggat hindi ako makakapagtapos dito sa Young Academy .

' Cheska ? ' - Lian

' Bakit ? '

tinanong ko na agad siya kasi nakakapanibago naman sinalubong niya ako at kinakausap niya pa ako ngayon

' Sumama ka sakin '- Lian

at hinatak na ako ng mokong nato . Ano bang problema niya ? Kagagaling ko lang sa sakit ng katawan tas uulitin niya ulit . Kelan ba tatahimik yung buhay ko tulad noon sana naman maulit yun para naman tahimik na ako at wala ng pumapansin sakin gaya ngayon parang halos lahat ng tao sa school ako ang laman lagi ng chismis eh .

Dinala ako ni Lian sa labas ng school tapos napansin ko na ang daming tao . Bakit kaya ? May artista ba ?


------


Nagulat ako ng may anim na lalaki na nasa likod ng kotse at kinakaladkad yung anim na mokong harurot pa yung kotse kaya naman na dadapa na at nakakaladkad na yung mga lalaki pero sandali .. Sila yung mga pumalo sakin sa field eh . Sila nga ! Hindi ako pwede magkamali eh .


' Pwede bang patigilin mo na si Sean sa ginagawa niya ngayon ? '- Lian

Ha ? Ano ba tong sinasabi ni Lian ngayon ? Si Sean yung nagdadrive ng kotse ? Infairness ang ganda ng kotse niya ha ? Pero may sinasabi si Lian ngayon . Pano ko patitigilin yung mokong na yun ? Baka nakikinig sakin yun ?

' Ha ? Paano ko patitigilin yan ? Hindi naman nakikinig sakin yun mokong na yun eh . Makaalis na nga akala ko may artista eh '

Aalis na sana ako ng pigilan ulit ako ni Lian kaya naman napaharap ulit ako kay Lian na may inis sa mukha ko

' Please ! Wala ka bang puso ? Hindi ka ba naaawa sa ginagawa ni Sean sakanila ? Ikaw lang ang makakapigil kay Sean promise ! '- Lian

Nung pinagpapalo ba nila ako sa field naawa din sila sakin ? Pero kahit papano may puso ako hindi kasing tigas ng  puso nila parang may awa pa din na lumabas sakin sa kalagayan nila ngayon kaya naman sumigaw na ako kay Sean ..

' SEANNNN !!! TAMA NA YAN !! ITIGIL MO NA YUNG KOTSE !!!! '

kaya naman tumigil yung kotse tapos umandar ulit pero pabalik na papunta sakin

Nilabas ng kotse ang mala anghel na mukha ni Sean . Bakit ang gwapo niya ngayon ?

' Binigyan ko lang sila ng aral na hindi kana nila pwedeng galawin simula ngayon . Siguro naman magtatanda na kayo ! '- Sean at tinignan niya yung mga lalaki na kinaladkad niya kanina

' Pwede naman sila mag sorry nalang sakin matatanggap ko na yun hindi yung ginawa mo ngayon parang wala ka ding pinagkaiba sakanila ! Pare-pareho lang kayo !! ' sabay inalisan ko na siya

Wala ba siyang puso ? Hindi siya naawa dun sa mga mokong na yun kahit na may ginawa sakin ng masama yung mga yun dapat hindi niya nalang pinansin at pinagsabihan niya nalang na wag na ulitin ! Naiinis ako sakanya ngayon .


-----------------------


Pumunta akong rooftop dahil alam kong tahimik dun at walang tao dahil walang pumupunta

Papaliko na ako papunta sa gilid ng makita ko si Scott na nakaupo sa gilid aalis na sana ako ng mapansin niyang dumating ako

' Aalis ka agad ? Dito ka muna '- Scott

Parang kinilig naman ako dun dahil gusto niya ako kasama ngayon ? Kaya naman pumunta na ako sa tabi niya at umupo

' May problema ka ? '-Scott

Bakit alam niya ? Manghuhula ba to ? Nakakatakot naman tong lalaki na to baka mahulaan niya yung nararamdaman ko sakanya o baka yung panty ko hulaan niya ? Ano ba tong naiisip ko ? Tama na nga ! focus cheska ! focus !

' Oo . Nakakainis kasi si Sean eh '

' Bakit ? May ginawa nanaman ba siya sayo ? '- Scott

 Bakit ba ang hinhin niyang magsalita ? Nakakainlove lalo eh parang ginagalang ka talaga niya kapag kausap mo siya dahil sa sobrang hinhin

' Halos wala siyang pinagkaiba sa mga pumalo sakin sa field '

' Dahil ba sa pagkaladkad niya sa mga bumugbog sayo ? '- Scott

Kaya naman napatingin na ako sakanya. May lahi ata tong manghuhula ? Bakit alam niya ? Wala naman siya dun kanina sa labas ah

' Wag mong isipin na manghuhula ako . Alam ko na gagawin talaga ni Sean yun kilala ko si Sean . Gaganti yun kapag nalaman niyang naagrabyado yung mahal niya kaso yun nga lang yung masama yung gagawin niyang ganti doble o triple pa yung gagawin niya kaya hindi na ako nagtataka na gagawin niya yun mapa lalaki o babae man ' - Scott

Teka wait ! Parang ang haba ng sinabi niya ngayon ah ? Anong nakain neto ? Kilala ko to eh . Hindi ko to naririnig na mahaba yung sinasabi lagi maikli at ilang words lang . Cold kasi tong tao eh . Pero mahal ? Ibig sabihin mahal ako ni Sean ? Pero bakit ? Ang dami kong tanong .

' Ganun ba yun ? Talagang kilalang kilala mo na talaga si Sean no ? '

' Oo . Mga bata pa lang kami magkakasama na kami sa lahat ng kagaguhan kaya kilalang kilala ko na siya '- Scott

' Pero sa mga mahal niya lang ginagawa yun diba ? Mahal niya ba ako at ginawa niya sakin yun ? '

' Aalis na ako . May klase pa ako . Mauna na ako '- Scott

at tumayo na at lumakad na palayo sakin . Loko to ah ! Hindi sinagot yung tanong ko nilayasan agad ako .Bahala nga kayo ! Pare-parehas kayong magkakaibigan . Makapasok na nga lang sa klase ko . Mahihirapan ata ako makahabol sa mga lesson ah . Tsk. Bakit ba kasi nangyayari to ?









--------------------

Unti - unti niyo ng nalalaman yung ugali ni Sean ? Hahaha

Vote , Comment are appreciate :)
Read and Enjoy :*

Boys Next Door And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon