CHESKA's Pov :
Natapos na kami kumain at nag asikaso na din ako .
' Ma alis na po ako ' paalam ko kay Mama
' Sige anak mag iingat kayo '- Mama
at nag nod nalang ako bilang tugon .
Habang si Sean sumunod na sakin palabas ng bahay .
' Sabay kana sakin ? '- Sean
' Salamat nalang pero kaya ko na sarili ko '
nang makaabot na kami sa kanto kung saan andun na yung kotse niya ay hinarangan niya ako
' Tara na kasi ! Wag kana makipag away sakin '- Sean
Ano bang gusto neto sa buhay ? At lagi na lang akong ginugulo ng tao nato ? Pati magandang umaga ko sinisira niya .
' Ano bang gusto mo talaga ? ' may halong inis na sa boses ko
' Ang sumabay ka sakin pumasok . Papasok din kasi ako kaya sana wag kana makipagmatigasan sakin '- Sean
kaya naman wala na ako magawa kahit na labas sa loob ko ay pumasok na ako sa kotse niya pero nakakunot pa din yung noo ko samantalang siya parang makangiti wagas parang siya talaga yung nanalo .
------------------
SEAN's Pov :
Ang saya saya ko talaga kapag lagi kong nasisira yung araw niya . Hahaha natatawa talaga ako kapag nakakunot yung noo niya parang gustong gusto ko talaga na naiinis siya lalo na kapag sakin .
' Ano bang gusto mo talaga ? '- Cheska
Ikaw . ikaw ang gusto ko . Pwede bang akin ka nalang ? ....
Huh ? Ano ba yung naiisip ko ? Gusto kong maging akin lang siya ? Totoo ba tong nararamdaman ko ?
' Ang sumabay ka sakin pumasok . Papasok din kasi ako kaya sana wag kana makipagmatigasan sakin '
bigla nalang lumabas sa bibig ko yun ..
Pero himala hindi na siya nakipag matigasan sakin dahil pumasok na siya bigla sa loob pero nakakunot pa din yung noo niya
Parang natuwa naman ako dun kaya naman pumasok na din ako sa kotse ko at pinaandar ko na yun .
------------
( Young Academy )
Pinark ko na yung kotse ko sa parking ng Young Academy
' Salamat ! ' Cheska
sabay baba at padabog na sinara yung pinto ng kotse ko . Hahaha ang sarap talaga niya asarin . Makababa na nga lang at papasok na ako .
( 30 minutes )
' Sean . Bakit wala ka daw sainyo kagabi ? '- Lian
' Oo nga pre . Saan ka pumunta ? '- Tantan
Ready na ako sa magiging reaction ng mga to kapag sinabi ko kung saan ako galing kagabi
' Hoy ! Naririnig mo ba kami Sean ? '- Lian
' Oo . Galing lang naman ako kila Cheska '
sagot ko samantalang sila parang luluwa na yung mata sa laki . Hahaha nagulat ata sila kung san ako galing kagabi kasi expect na nila na hindi ako tatanggapin don pero nagkakamali sila instead gustong gusto nga ako ng pamilya ni Cheska
Tinignan ko si Scott kung ano reaction niya pero yung mukha niya ganun pa din napaka cold kahit kelan talaga hindi ko siya maintindihan at hindi ko siya mabasa
' Talaga ! Totoo ba yan pre ? '- Lian
' Baka naman panaginip niya lang yan ? Hahahaha '- Tantan at nagsitawanan niya yung dalawang mokong na malakas mantrip
' Oo nga . Hindi ako nagsisinungaling sainyo ! '
Parang mga gago talaga tong mga mokong na to kung makatawa wagas eh . Kala mo din makatawa akala mo mamamatay na
' Hahahaha oo na Sean ! Alam naming totoo yang mga sinasabi mo alam naman namin na hindi ka marunong magsinungaling pagdating samin hindi ka nga marunong magbiro eh '- Lian
Buti naman hindi na ako kinulit ng mga mokong nato . Kilala ko tong mga to eh . Makukulit talaga to eh .
' May gusto ka na ba sakanya ? '- Scott
Napatingin kaming tatlo sa nagsalitang si Scott kasi nakakapanibago ngayon lang siya ng tanong kapag nag kekwentuhan kaming tatlo . Lagi kasing tahimik yan kapag nag uusap kami eh pero iba siya ngayon nakakapagtaka naman
' Bakit mo naman natanong yan ? ' medyo natatawa tawa ko pang sabi sakanya pero yung mokong ang talim ng tingin sakin parang yung tipong gusto niyang sagutin ko yung tanong niya
' May gusto kaba sakanya ?'- Scott
Yung pagkacold niya parang naramdaman ko ngayon .
' I smell something fishy pare ! Alis muna tayo lian ! '- Tantan
at nagtayuan na yung dalawang mokong dahil naramdaman ata nila yung aura na pinapakita ngayon ni Scott
Nang makaalis na yung dalawa tumingin ako kay Scott ng seryoso at humarap na sakanya
' Pano pag sinabi kong oo . May gusto ako sakanya ' sinabi ko sa seryosong boses
' Kelan pa ? '- Scott
' Nitong mga nakaraan lang . Bakit mo ba natanong ? '
' Ako din '- Scott
' Anong ikaw din ? Hindi kita maintindihan ? '
' May gusto din ako sakanya '- Scott pero sa pagkacold na tono pero alam mong totoo walang halong seryoso sabay tumingin siya sakin ng parang walang emosyon kaya tumingin din ako sakanya ng may pagtataka iba to ?
' May the best man win '- Scott tumayo siya at nakikipagkamay sakin kaya naman tumayo din ako at nakipagkamay sakanya sabay sabing
' May the best man win pare galingan mo baka magsisi ka ' sabi ko habang natatawa tawa pa pero si Scott talang seryoso yung mukha . Hindi mo mababasa yung mukha niya ngayon dahil blangko lang talaga .
Di bale gagalingan ko para makuha ko yung puso ni Cheska para rin manalo din ako sa mokong nato pero pano nga ba eh galit nga sakin yung amazona na yun ? Magpapaturo nalang ako sa dalawa ,
------------------
aww ! Sino kaya mananalo sakanila sa puso ni Cheska ?
Abangan niyo nalang po . Thanks for reading guys :*Read , Comment , Vote </3
Read and Enjoy :*
BINABASA MO ANG
Boys Next Door And Me
Teen FictionMaganda kaya ang magiging buhay ko sa pag pasok ko sa Young Academy o puro kamalasan din ang mapupuntahan ko ? Sa mga trip ang Meteor Garden ? Medyo similar to ! Haha nainspire lang sa pinanuod ko ! Haha i Love Huaze Lei ko ! Haha Choss .