32 :

152 6 0
                                    

SEAN's Pov :


Nag pillow fight lang kami ni Cheska ng nagppillow fight hanggang sa hindi na namin nalaman yung oras . Bumalik lang kami sa ulirat ng bumukas yung pinto at pumasok yung Mama ni Cheska .


' Naabala ko ba kayo ? '- Mama ni Cheska

grabi nakakahiya naman yung inabot niya samin halos yung kwarto ni Cheska ay gulo gulo na puro bulak ng unan yung higaan ni Cheska dahil nga pinagpapalo at pinaghahagis namin yung mga unan niya

' Hindi ma ! Naglalaro lang kami diba Sean ? '- Cheska

' O-opo . Okay lang po ' kahit na sa loob ko ay may inis ako . Andun na kami eh . Masaya na kami panggulo pa yung mama ni Cheska samin .

' Hindi pa ba kayo mag aalmusal ? May pasok pa kayo diba ? '- Mama ni Cheska

' O-oo nga pala ma ! Sige po susunod na kami ni Sean '- Cheska

' Opo . Aayusin lang po namin yung kalat ng kwarto ni Cheska '

at nag nod lang yung mama ni Cheska samin sabay umalis na siya 

Ipagpapatuloy ko pa sana yung pagpipillow fight namin ni Cheska dahil hinagisan kona siya ng unan pero yung amazona parang napagod na at ayaw na dahil nakabusangot na yung mukha sakin

' Bakit ganyan ka makatingin ? '

' Ayoko na ! Papasok pako . Anong oras na kaya tsaka sabi mo kay mama aayusin lang natin yung kwarto tapos lalabas na tayo . kaya KILOS NA !!! '- Cheska

kaya wala na akong nagawa kundi kumilos sinigawan na ako eh .

Habang inaayos ko yung mga unan na nagkalat hindi ko mapigilan mapatingin sakanya bakit kasi ang ganda niya eh ? Ano bang meron sakanya bakit ganito kalakas yung tama niya sakin ? Walang ibang babae na nagpapatibok ng puso ko pero itong babae nato ang lakas ng dating sakin

' Anong tinitingin tingin mo diyan ? Bilisan mo at kakain pa tayo malelate na tayo niyan eh ! '- Cheska

' Oo . Ito na nga at inaayos na yung mga unan eh. Tumulong ka kaya para naman mapabilis ako diba ? '

Mukhang napikon ata sa sinabi ko dahil tumulong nga siya kaso may padabog naman

' Galit kaba ? ' tanong ko . 

' HINDI !! '- Cheska

aww ! Mukha ngang hindi naninigaw na siya eh . Meron bang naninigaw pero hindi galit ?

Nang ilalagay ko na yung nag iisang unan sa higaan ni Cheska ay biglang humarap si Cheska sakin nagsusuklay kasi siya habang naglalakad nang magkabundol kami ay parehas kami tumumba sa higaan niya naka ilalim siya at naka ibabaw naman ako sakanya halos yung mga mukha namin ay nagulat sa pangyayari

Feelling ko namumula na yung mukha ko . Maski yung mukha ni Cheska ay ganun din dahil nakita ko yung pamumula ng mukha niya kasi halos magkalapit lang kami .

' WHAT ARE YOU TWO DOING !! '- Kapatid ni Cheska

' WAAAALLLLLAAAA !!! '- Cheska sabay tulak sakin kaya naman napa upo nanaman ako sa sahig 

Aww ! Sakit nanaman ng pwet ko nangyari nato kagabi eh . Bakit ba ang hilig niyang manulak ?

' Tinatawag na kayo ni Mama mag almusal na daw kayo at papasok na ako '- Kapatid ni Cheska

' Tara na Sean ! Hayaan mo na yan ! '- Cheska

at nauna na siya lumabas ng kwarto niya habang ako  parang lutang pa din sa nangyari kanina . Ano ba tong nangyayari sakin ? Bakit ganun lang yung pakiramdam ko pag sakanya ? Hayyyss ! Bahala na nga makapasok na nga lang









--------------------

Sorry for the typo :)

Vote , Comment are appreciate :*

Read and Enjoy </3


Boys Next Door And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon