SEAN's Pov :
Susundan ko lang naman talaga dapat si Cheska para pigilan siya sa pag snob sakin at pansinin , kausapin niya ko . Patawarin niya ako sa inasal ko kanina
Pero iba ang nangyari . Ang bilis ng pangyayari . Hindi ko din aakalain na mangyayari yung ganung sitwasyon namin . First kiss ko siya . Hindi ko naman pinagsisisihan yun kung sakanya napunta ang first kiss ko dahil siya naman talaga ang gusto ko .
Inaantay ko na sapakin at tadyakan niya ako ng mga oras na yun dahil expect ko na yung gagawin sakin ng amazona nato pero bakit parang hindi siya kumikilos nakatayo lang din siya na parang istatwa . Siguro sa gulat na din na nadarama niya .
Nasa ganung sitwasyon pa rin kami at wala pa rin ang kumikilos samin para kaming mga bata na walang ibang ginawa kundi kiss lang at wala ng iba pa hindi tulad sa ibang lalaki na LP ba tawag dun ? Basta yun yung hindi na ginagalang yung babae kala mo kakainin na nila yung buong labi eh .
Hanggang sa , si Cheska na yung lumayo sa pagkakahalik namin natauhan na ata . at biglang
* PAK * - Cheska
' Aray ! Ang sakit nun ah! Biolente ka talagang babae ka ! '
' Manyak ka ! Napakamanyak mo ! '- Cheska
' Hoy! Hindi ko naman sinasadyan yun ah. Tsaka gusto mo din naman diba ? '
' Gusto mo mukha mo. ALam mo bang first kiss ko yun ? Gusto ko ibibigay ko lang yung first kiss ko sa taong papakasalan ako hindi sa tulad mong hambog ! '- Cheska
' Sakit mo naman magsalita ! san kaba pinaglihi ng nanay mo ha ! At ganyan ka tindi yang ugali mo !? '
' Bakit hindi mo tanong sa mama ko ng malaman mo. Alam ko ba ha? Gago ka din pala eh ! '- Cheska
' Nagmumura ka ? '
' Oo . Hindi lang halata . Dahil nasasabi ko lang yun kapag galit na galit na talaga ako. Kaya namura kita. Manyak ! '- Cheska
at dali dali na ito umalis sa harap ko at lumabas na ng locker room .
Ayun nga unang pinaka ayaw ko sa babae . NAGMUMURA . Never akong nagmura sa babae . Oo nananakit ako ng babae pero hindi ako katulad nila Tantan na mumurahin yung babae kase sabi ni kuya ang pagmumura daw sa babae ay nangangahulugan na hindi mo ginagalang ito .
- - - - - - - - - - -
CHESKA's Pov :
Bwisit na Scott yun! Kinuha niya yung first kiss ko na dapat sa taong pakakasalan ko lang ibibigay nagpromise kasi ako kay mama na never akong magkaka affair sa iba kahit kiss lang yan ayoko matulad sa tita ko na bitch . Basta ayoko na maalala yun dahil bumabalik sakin lahat ng sakit na ginawa niya samin noon .
Papunta na ako sa room ng maabutan ko na ni isang tao wala na . Kaya lumabas na ako ulit para magtanong sa mga estudyante na nag uuwian na ata dahil dala na ang kani kanilang bag
Nakita ko yung dalawang babae na nagkekwentuhan at nagtatawanan pa at lumapit ako
' Ahm. Miss, pwede magtanong ? '
' Yikkksss!! Ate Cheska . Totoo ba to lumapit ka samin ? '- Girl 1
' Oo . Bakit ? May problema ba? Bawal ba ako lumapit sainyo ? '
' Hindi po . Im glad na samin kapa lumapit para magtanong '- Girl 2 na mukhang tuwang tuwa talaga at naeexcite pa .
Ano bang meron sakanila ? Porket lumapit lang ako ganun na siya kasaya ?
' Ahm. Bakit parang nag uuwian na yung mga tao ? Wala na bang pasok ? '
' Yes po. 2 days po walang pasok dahil mag reready para sa mga ojt . Alam kopo ilang days tayo sa isla eh '- Girl 1
' Ah ganun ba ? Sorry ha . Hindi ako na update dito eh '
' Okay lang po yun . Alam naman po namin na busy ka kay Scott eh '- Girl 2
' Ha ? Tama ba yung narinig ko ? '
Ano bang pinagsasabi netong dalawa nato? Wala akong maintindihan eh .
' Wa-wala po . Sige po mauna na po kami '- Girl 1
At dali dali na umalis yung dalawa sa harap ko . Ano bang problema nila ? Kanina lang para akong artista na excited sila na makausap ako ngayon naman para naman akong may sakit sakanila dahil kung iwasan ako ay ganun ganun lang .
Tutal wala naman ng pasok at dismiss na yung klase ay umuwi na ako at nagpahinga dahil sobrang nakakapagod ang araw nato. Ang daming nangyari .
( 30 minutes )
Papasok na ako ng bahay at pag bukas ko ng pinto ay bakit napaka dilim ng bahay . Binuksan ko na yung ilaw at tinawag ko sila mama .
' Ma , Pa . Andito na po ako . Bakit po ba nakapatay ang ilaw dito ? Nasan po ba kayo ? '
Pero wala pa ding sumasagot sakin kaya naman pumasok muna ako sa kwarto ko at nilapag ko sa table ko yung mga gamit ko at lumabas para hanapin yung mga tao dito .
Una akong pumasok sa kwarto ni Kiko at binuksan ko yung pinto nya
' Kiks ? Andyan ka ba ? '
' Bakit ? Anong kelangan mo ? Pwede ba wag mo na ako tawaging kiks ? Hindi na ako bata ! '- Kiko
Talaga naman tong baby boy ko. Hindi na talaga bata . Nagbibinata na talaga dahil ayaw magpatawag ng Kiks .
Noong mga bata pa kasi kami ang tawag ng mga kalaro niya sakanya ay Kiks ewan ko ba? kung bakit? Hahahaha nakakatawa nalang talaga.
' Anong tinatawa tawa mo dyan Ate ha? May nakakatawa ba ? '- Kiko
' Natutuwa lang ako sayo dahil binata kana nga talaga '
' Tss. Pwede ba ate wag mo nako asarin. Tss, makatulog na nga lang '- Kiko
at pumasok na ito sa kwarto nya na akala mo talaga ay binagsakan ng langit at lupa.
' BATUGAN !! ' sigaw ko sakanya parang kagaya talaga siya ni Sean batugan din yun eh. Feeling ko nga silang dalawa yung magkapatid eh. Hahahaha
Pero wait? Ano yung sinasabi ko? Erase. Erase bakit ba nasa isip ko nanaman yung lalaki na yun dapat hindi ko siya isipin dahil inis ako sakanya ngayon. Tss, Makatulog na nga lang.
----------------------
Thanks for reading
Vote , Comment are appreciate ;)
BINABASA MO ANG
Boys Next Door And Me
Teen FictionMaganda kaya ang magiging buhay ko sa pag pasok ko sa Young Academy o puro kamalasan din ang mapupuntahan ko ? Sa mga trip ang Meteor Garden ? Medyo similar to ! Haha nainspire lang sa pinanuod ko ! Haha i Love Huaze Lei ko ! Haha Choss .