27th : Sean meets Family Ortiz part 2

161 5 3
                                    

CHESKA's Pov :

Hindi pa ba siya uuwi ? Aantayin pa ba niya sila Mama at Papa ?

Tinitignan ko lang siya dito sa pinto ng kwarto habang nakaupo siya at tinitignan ang buong paligid ng bahay namin na parang sinisiyasat niya talaga yung buong sala

Hanggang sa tumayo siya at lumapit sa isang picture . Pictures namin . Ano kasing pumasok sa isip ni Mama at linagay pa yung mga pictures namin sa sala .

Mahilig kasi magdecor si Mama . Hobby niya talaga yun kahit nung dalaga pa siya . Sinira ko na yung pinto ng kwarto ko . Ano ba yung nararamdaman ko sakanya bakit ganun ? Wala akong gusto sakanya ha ! Hindi ako tulad ng ibang babae .

' SINO KA  !! ' parang narinig ko yung boses ni Papa sa labas kaya naman lumabas na ako

' Ma , Pa ! '

' Sino to anak ? Magpaliwanag ka ! '- Papa

O.a naman sa pagreact tong si Papa hindi pa niya alam kung sino at kung ano ko yang lalaki na yan

' Papa teka parang kilala ko siya ! '- Mama

' Sino ba yan ? '- Papa

' Ikaw ba si Christian Sean Henderson ? '- Mama

' Opo ako nga po '- Sean

Diba ako dapat yung tanungin ni Mama at Papa kung sino siya ? Bakit parang may mali ata .

' Sabe ko na nga ba !! Ano pong sadya niyo dito sa bahay ? '- Mama

bakit parang naging maamong tupa si Mama ngayon sa harap ng Sean nato ? Ano bang meron sakanya

' Sino ba siya mama ? Kilala mo ba siya ? Ano ba kasing ginagawa niyan dito gabi na ! '- Papa

tinapik ni Mama si Papa at parang may binulong dito

Hanggang sa tumingin ulit si Mama at Papa kay Sean at ngumiti ng nakakaloko yung peke .

' Pasensya na po kayo Master Sean . Kumain na po ba kayo ? '- Papa

Ano bang nangyayari sakanila ? Bakit ganyan yung asal nila kay Sean diba dapat galit sila ngayon kase andito siya isa pa lalaki siya eh tsaka isa pa Master Sean ? Bakit ganun tawag nila ? Hindi naman mukhang Master yan eh !

' Mama , Papa ! '

' Cheska ! Manahimik ka nga ! Maghain kana ng kakainin natin ! '- Mama

at tinulak ako ni Mama papunta sa kusina . Talagang ako ba yung pinaalis nila dun sa sala ha ?

Makapag luto na nga !

' Dito kana maggabihan Master Sean ? '- Papa

yung ang huli kong narinig na sinabi ni Papa .

Bakit kaya Master ang tawag nila sa Sean Antipatiko na yun ?






















----------------------------

Nameet na niya yung parents ni Cheska . Omo ! xoxo </3

Sorry for the typo ;)

Vote , Comment are appreciate ;)

Read and Enjoy :* </3

Boys Next Door And MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon