CHESKA's Pov :
Naiinis pa din ako sa Sean na yun ! Ano bang pumasok sa isip niya at dito pa talaga siya matutulog ? Nakita niya namang napakaliit lang ng bahay namin tapos makikipagsiksikan pa siya dito pati tuloy yung kapatid kong walang muwang dahil sa kagaguhan niya nadadamay .
Hindi ko din alam kung ano bang trip ni Mama at Papa at pinatuloy dito yung mokong na yun sila na nga nagsabe sakin noon na ' Cheska ? Bawal ka magdadala ng kahit na sinong lalaki dito sa bahay ? Naiintindihan mo ba kame ng Papa mo ? ' Laging dialog sakin ni Mama yan noon pero bakit ngayon dumating lang yung Sean Antipatiko na yun para silang maamong tupa kung umasal dun . Ano bang meron dun ? Wala naman silang mapapala dun eh . Makatulog na nga lang
Maya maya naramdaman kong hindi pa rin talaga makatulog yung kapatid ko dahil siguro hindi siya sanay dahil hindi niya kwarto yung tinutulugan niya .
' Ate ? Gising ka pa ? '- Francis
' Medyo . Half gising half tulog bakit ? ' biro ko sakanya
' Nagpapatawa ka nanaman ate ! '- Francis
' Bakit ba ? Matulog ka na kaya '
' Hindi nga ako makatulog ate eh ! Sino ba kasi yung lalaki na yun at nang aagaw ng kwarto ko . Wala bang bahay yun ? '- Francis
Natawa nalang ako sa inasal ng kapatid ko salamat nalang at wala pa siyang alam
' Nakikitulog lang siya kase gabi na sa daan baka mapano siya tsaka may bahay naman siya eh '
' Bakit hindi na siya umuwi may bahay naman pala siya tsaka lalaki naman siya diba ? Hindi siya maaano sa labas . Ikaw nga babae pero malakas eh siya pa kayang lalaki ? '- Francis
Kahit kelan talaga tong bata nato ! Akala mo talaga matured na kung mag isip eh. Kung anu ano naiisip . Pero natawa ako sa mga sinabi niya . Buti pa siya nag iisip pero yung magulang namin hindi porket anak lang si Sean ng isa sa mayayamang businessman dito eh pwede na siya pumasok sa bahay namin ? Dapat hindi pa din .
' Ate ? Nakikinig ka pa ba sakin ? '- Francis
' Hindi na . Inaantok na kase ako Matulog kana may pasok pa tayo bukas '
at nagtalukbong na ako ng kumot para hindi niya mapansin na hindi pa ako masyadong matutulog .
Sana bukas okay na .
Balik na ulit sa dati ang lahat . Sana
---------------------------
Short Update sorry :/
Sorry for the typo ;)
Vote , Comment are appreciate </3
Read and Enjoy :*
BINABASA MO ANG
Boys Next Door And Me
Teen FictionMaganda kaya ang magiging buhay ko sa pag pasok ko sa Young Academy o puro kamalasan din ang mapupuntahan ko ? Sa mga trip ang Meteor Garden ? Medyo similar to ! Haha nainspire lang sa pinanuod ko ! Haha i Love Huaze Lei ko ! Haha Choss .