SEAN's Pov :
Andito na kami sa kwarto na sinabi ng nurse . Inaantay lang namin si Cheska 15 minutes na kami dito sa loob ng kwarto pero hindi pa din siya dinadala dito baka mamaya pa kaya nag antay na kami
' Ano ba nangyari Sean ? '- Lian
Nagtanong na si Lian kaya kelangan ko to sagutin para malinis yung pangalan ko sa tatlo nato dahil malaki ang galit sakin ni Scott ngayon kasi naiisip niya magagawa ko yung kay Cheska kasi kahit babawi pinapatulan ko.
' Ganito kase yun naglalakad ako para makapagpahangin ayoko kase pumasok sa klase ko nun dahil napakahirap ng subject nun . Kaya naglakad lakad ako at nagpunta ako sa field dahil tahimik dun . Mahangin pa ng matanaw ko yung grupo ng mga lalaki sa di kalayuan na parang may pinapalo kaya nilapitan ko at sinigawan sila dahil maiingay sila hanggang sa nagtakbuhan tas nakita ko si Cheska na nakahiga puro pasa at may dugo sa labi kaya naman pinuntahan ko agad siya tapos tinakbo ko dito sa ospital at tinawagan ko na kayo dahil diko talaga alam gagawin ko alam niyo namang wala ako alam sa ganito diba ? '
' Oo pre naniniwala ako sayo dimo magagawa yun '- Lian
At umupo ito sa tabi ko sabay tapik sa balikat ko
' Hindi mo pa ba nababawi yung rules mo sa school ? '- Tantan
' Hindi pa nga eh pero kapag nakapunta ako sa school natin ipapatanggal ko na yung rules na yun para wala ng masaktan ngayon '
' Pwes ako hindi ako naniniwala sayo '- Scott pero ang cold ng pagkakasabi niya
' Pre tama na yan '- Lian
' Hangga't hindi ko naririnig kay Cheska yung totoo hindi ako maniniwala sayo '- Scott
kaya wala na nagawa yung dalawa kundi manahimik pati ako nanahimik para wala ng gulo pagod na kasi ako
( 30 minutes later )
* Tok * Tok * Tok *
Nang marining naming may kumakatok ay napatayo na kaming lahat pati si Scott ay ang bilis tumayo para buksan yung pinto .
' Ipapasok na namin yung pasyente '- Nurse
nag nod lang kaming lahat at pinasok na si Cheska . Nang ililipat na si Cheska sa higaan ay nagsalita si Scott
' Ako na maglilipat sakanya '- Scott
Wala na ring nagawa yung nurse sakanya dahil kilala kami dito ay pumayag na din siya binuhat niya si Cheska ng dahan dahan papunta dun sa kabilang hospital bed na parang naka bridal pero parang may kumirot sa puso ko ng makita yung ganung sitwasyon nila . Parang gusto kong itulak si Scott at sabihing ako ang magbubuhat sakanya pero ayoko . Kaya nanahimik nalang ako at tumingin sakanila
Pagkalipat ni Scott kay Cheska ay biglang pumasok yung doktor .
' Sino sa inyo ang kamag- anak ng pasyente ? '- Doc
' Ako po / Ako po ! ' sabay pa kami ni Scott
' Sino ba talaga ? '- Doc
Mukhang naguguluhan na samin yung doktor dahil tinitignan na kaming apat
' Pwede ba doc na sabihin niyo nalang saming apat ? Kaibigan niya kame '- Lian
' O-opo sge . Ipagpahinga lang yung mga pasa niya then bukas pwede na siya maiuwi then ito yung iinumin nyang gamot '- Doc sabay abot kay Lian ng reseta ni Cheska
' Salamat doc '- Lian / Tantan
at umalis na yung doktor kaya napatingin na ako kay Scott na nasa tabi ni Cheska hawak ni Scott yung kamay ni Cheska at nakatingin lang ito sakanya parang ang sakit sakit makita na ganun yung nangyayari kaya naman nagpaalam ako sakanila na bibili muna ng pagkain
---
Habang nasa hallway ako at naglalakad ay nag iisip isip ako kelangan malaman ng pamilya ni Cheska yung nangyari sakanya tutal nasa akin naman yung cellphone niya eh kaya naman tumawag na ako
' Hello . Sino to ? '- Mama ni Cheska
' Uhm . Hello si Sean po ito '
' Oh bakit anak ? Anong maipaglilingkod ko sayo ? Si Cheska ba ? Hindi pa kasi umuuwi eh hindi ko alam kung san pumunta yun eh hindi naman ganun yun eh . Babatukan ko talaga yun pag umuwi hindi nagpapaalam samin ng papa niya eh '- Mama ni Cheska
' Tungkol nga po sakanya '
' Bakit ? Kasama mo ba siya ? Ayy , sige okay lang po enjoy baka nakakaistorbo ako. '- Mama ni Cheska
' Hindi po . Andito po siya sa hospital eh. May nangyari kasi sakanya ? '
' ANO !! Anong nangyari sakanya ? Saang hospital yan ? '- Mama ni Cheska
' Itetexx ko po sainyo '
' Sige anak ! '- Mama ni Cheska
at binaba agad yung tawag . Tinext ko naman na agad kung san yung hospital na pinagdalhan ko sakanya
---
Pumunta akong 7/11 para bumili ng makakain ng pumasok nanaman sa isip ko yung posisyon nila kanina . Tangina ! Bakit ba ako nasasaktan ng ganito dahil sa ganun lang ? Parang kumikirot yung puso ko ? May sakit ba ako ? Kelangan ko din ba magpatingin ?
' Iho ? Mukhang may problema ka ? '- Matandang babae
Sino tong gurang na to ? Bigla biglang sumusulpot sa harap ko eh pero okay lang gusto ko mag open sakanya sabi nga nila mas maganda mag open up ng problema mo sa taong dika kilala dahil hindi ka huhusgahan nito dahil sa ugali mo kasi nga hindi ka kilala diba ?
' O-opo pano niyo nalaman ? '
' Bakas sa mukha mo ang paghihinagpis , selos at kaba ? '- Matandang babae
' Tama kayo . Nagseselos ako sa kaibigan ko dahil iisa lang ang babaeng mahal namin '
' Alam kong mahal ka ng babaeng mahal mo pero kelangan mo munang maging deserve sakanya '- Matandang babae
Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob dahil sa matandang to .Pano niya kaya nalaman ? Pero okay lang atleast gumaan loob ko dito
' Salamat tanda '
' Pero wag ka papakampante madami pang mangyayari . Madami pang bukas . Madaming haharang at hahadlang sainyo kaya kelangan maging matatag ka dahil baka bumagsak ka kung hindi ikaw siya '- Matandang babae
Parang nawalan ako ng pag asa sa sinabi ng matanda na to kaya napaisip ako hindi niya ako pwedeng harangan dahil gigibain ko siya ipaglalaban ko si Cheska kahit anong mangyari at kahit sino pa yan
' Sinong sinasabi mo-nggg . Nasan kana ? ' biglang nawala
Hayss! Hayaan mo na nga makabalik na nga baka inaantay na ako dun
habang nag lalakad ako pabalik ng ospital ay nag iisip ako ng mga dapat kong gawin para manalo lang sa puso ni Cheska
Nasa akin ang huling halakhak !
----------------------------
Vote , Comment are appreciate
Read and Enjoy :*
BINABASA MO ANG
Boys Next Door And Me
Genç KurguMaganda kaya ang magiging buhay ko sa pag pasok ko sa Young Academy o puro kamalasan din ang mapupuntahan ko ? Sa mga trip ang Meteor Garden ? Medyo similar to ! Haha nainspire lang sa pinanuod ko ! Haha i Love Huaze Lei ko ! Haha Choss .
